C14 The Hospital
HALOS AYAW ko pang bumangon dahil gusto kong sulitin ang segundong lumilipas para damdamin nang husto ang kakaibang pakiramdam na ito.
Ramdam ko ang lakas ng pagtibok ng puso ko habang hindi paawat ang labi ko sa pagguhit nang napakatamis na ngiti. Gusto kong hawakan ang nakapulupot niyang braso sa baywang ko habang ramdam ko ang hininga niya sa likod ng aking leeg, pero ayaw ko siyang gisingin
