C5 Getting to know him
KAAGAD akong naupo pagkamulat ng mga mata ko. Madilim ang paligid. Humaba ang labi ko. Hindi ko na nasaksihan ang paglubog ng araw. Hawak-hawak ko ang noo ko pagkatayo. Sa kalagitnaan ng paghanap ko ng switch button ng ilaw ay tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ako nandoon sa sahig. Hindi naman ako lasing, at lalo namang hindi ako uminom ng alak para matumba nang walang dahilan
