C18 Pagbitaw Sa Tungkulin
Gumising ako bandang alas-sais ng umaga. Agad akong nagtungo sa kusina subalit natigilan ako nang marinig kong nag-uusap sina Mama at Leo. Napangiti ako, nagiging palagay na ang loob nila sa isa't-isa. Inilang hakbang ko ang kusina. Nang makapasok ako ay nahinto sila sa pag-uusap at tiningnan ako.
"Gising ka na pala iha. Halika magkape ka muna." wika ni Mama
