C19 Hawak-Kamay
Rhianna's POV
Ilang oras na ang lumipas mula nang umalis si Leo. Nagtungo siya kina Brandon para sa isang pagpupulong kasama si Carmela. Hindi ko maiwasan makaramdam ng paninibugho. Naiinis ako! Oo alam ko na na nagmamalasakit siya sakin pero katunayan lang iyon na wala siyang tiwala sakin! Pero hindi ko maiwasan makaramdam ng saya sa aking damdamin dahil sa pagmamalasakit niya sakin