C25 Kasinungalingan
Natigilan si Leonardo sa tanong ko. Na para bang hindi niya inaasahan ang itatanong ko sa kaniya. Marahan siyang napabuntong-hininga.
"Paano kung sabihin ko na oo? Lalayuan mo na ba ako? Rhianna, alam ko na wala kang nararamdaman para sakin kaya tinago ko ito sayo dahil ayaw kong masaktan. Gusto kita Rhianna, simula nang makita kita. Hindi ka na nawala sa isip ko