You Are My Savior- AtengKadiwa/C4 Transaksyon Ng Droga
+ Add to Library
You Are My Savior- AtengKadiwa/C4 Transaksyon Ng Droga
+ Add to Library

C4 Transaksyon Ng Droga

"Pasensya na, akala ko kasi wala siyang boyfriend e. Aalis na kami." wika niya at umalis na sa kanyang harapan. Nilingon ko si Leonardo na nakahalukipkip ngayon.

"Hindi mo dapat ginawa yun sa kanya, napahiya tuloy yung tao. Nakikipagkilala lang naman siya." wika ko. Oo nga, anong masama kung makipagkilala siya sa isang lalaki. Tumingin siya sakin mula sa pagtanaw sa lalaki.

"Sa kagaya mong tumakas, dapat maging maingat ka sa mga kinakausap at pinapakisamahan mo. Hindi ka dapat nagtitiwala basta-basta." seryuso niyang sagot.

Natigilan ako. Tama siya. Bakit hindi ko naisip yun? Hindi nga dapat ako nakikipag-usap kung kani-kanino. Kinuha nito sa kamay ko ang basket na naglalaman ng mga pinamili ko.

"Bayaran na natin ito. Para makaalis na tayo. Pupunta pa ako sa Head Quarters. May pagsasanay kaming gagawin." wika niya at naglakad na papunta sa Counter. Sinundan ko siya patungo roon.

"Pwede ba akong sumama?" tanong ko sa kanya.

Nilingon niya ako at tsaka ibinalik ulit ang tingin sa unahan. Nakapila kami ngayon, mga nasa limang tao pa bago kami makapunta sa harapan. Hindi niya ako sinagot. Bakit ba napakasungit niya?

Kanina ayaw niya akong maging myembro ng samahan nila ngayon parang ayaw niya akong sumama sa Head Quarters para sa pagsasanay niya. Umalis ako sa pila at hinitay siya sa gilid. Siya na ang nasa harapan, inilapag niya ang basket sa counter at iniscan iyon ng Cashier.

Pagkatapos mascan ay agad nagbayad si Leonardo, agad ibinigay ng Cashier ang pinamili ko. Tumalikod na siya at nagtungo sa kinaroroonan ko. Nilampasan niya ako. Ibig sabihin, sumunod dapat ako sa kanya. Lumabas kami ng tindahan at pinuntahan namin ang kotse niya na naka-park.

Binuksan niya ang likurang bahagi ng kotse at inilagay roon ang pinamili ko na binayaran niya. Paano ko ba siya mababayaran? Hindi rin biro ang halagang ipinambayad niya sa mga pinamili ko. Pumasok na ako sa passenger's seat samantalang sa driver's seat naman siya.

"Paano ko mababayaran ang mga pinamili mong damit sakin?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na kailangan. Ayos lang sakin yun. Hindi ako humihingi ng kapalit kapag tinulungan ko ang isang tao." wika niya.

Pero hindi ako sang-ayon sa sinabi niya. Biglang may ideyang pumasok sa isip ko kung paano ko mababayaran lahat ng naitulong niya sakin. Pwede ko siyang pagsilbihan sa bahay niya, lalo at wala siyang kasama.

Nasa kalagitnaan na kami ng aming paglalakbay ng biglang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa dashboard ng sasakyan. Dinampot niya iyon at sinagot, tsaka inilagay sa taenga niya.

"Agent Jerald. May problema po ba?" tanong ni Leo. Itinuon ko na ang paningin sa dinaraanan ko subalit nakatuon ang aking pandinig kay Leo.

"Galing po kami dun at nakakahalati napo namin ang daan pabalik sa bahay. Babalik po kami ni Rhianna, Agent." wika niya sa kabilang linya. Hindi ko na narinig ang boses ni Leo, marahil nakikinig siya sa sinasabi ni Agent Jerald.

"Ako na po ang bahala kay Rhianna. Baka makatakas pa po. Sige po hihintayin nalang po namin si Brandon sa Gigi's Carenderia." wika niya tsaka ibinalibag pabalik sa dashboard ang cellphone.

"Kailangan natin bumalik sa bayan, may transakyon daw ng droga doon. Doon mismo sa Gigi's Carenderia. Nasa daan na daw si Brandon." wika niya at bumwelta siya pabalik sa pinanggalingan namin. Tinatahak na namin ang daan pabalik sa bayan kung saan nandoon ang transakyon ng droga.

"Paano nila nalaman na may transaksyon doon?" curious kong tanong sa kaniya. Ang galing naman, nalaman ni Agent Jerald na may transakyon doon. Tumingin siya sa sakin at muling ibinalik ang tingin sa daan.

"Hindi mo na dapat malaman pa. Mas maganda na yung wala kang alam, baka kapag nahuli ka. Magsumbong ka." sagot niya sakin.

Nagpanting ang tainga ko sa mga narinig ko. Ano tingin niya sakin? Tanga? Kung sakali man na mahuli ako ng kalaban hindi ko sila ipapahamak. Mas gustuhin ko nalang na mamatay kaysa ipahamak ko sila. At tsaka, pakiramdam ko naman hindi ako pababayaan ni Leo. Natigilan ako. Bakit yun ang agad pumasok sa isip ko?

Paano nga ba ako nakasisiguro na kaya niya akong iligtas sa mga kapahamakan? Siguradong pinaghahanap na ako ngayon ng mga tauhan ni Don Ysmael. Sana hindi niya idamay ang aking Ina at Kapatid. Dahil wala silang alam sa nangyari.

"Hindi ko kayo kayang ipahamak, at alam ko na kaya mo akong iligtas sa mga kapahamakan Leo." yun ang mga katagang lumabas sa bibig ko.

**

Huminto ang sinasakyan namin sa isang karinderya. Binasa ko ang nakasulat sa itaas. Gigi's Carenderia, ito na yun. Dito magaganap ang transakyon ng droga. Agad na lumabas si Leo sa sasakyan, sumunod ako. Pumasok kami sa loob, umupo kami sa bakanteng mesa sa bandang sulok. May mga ilang tao na rin na nasa loob at kumakain. May lumapit samin na isang matandang babae na nakasuot ng apron at iniabot ang menu, si Leo ang kumuha niyon.

Tiningnan ko si Leo, namimili siya sa menu. Ilang segundo ang lumipas at ibinigay na niya ang menu sa matandang babae. Umalis naman agad ang matandang babae. Luminga-linga si Leo na tila hinahanap ang target. Biglang nag-ring ang cellphone niya na nakalapag sa mesa. Sinagot niya iyon. Nakikinig lang siya sa sinasabi ng caller.

"Sige po Agent Jerald. Copy." wika niya.

"Anong sabi?" tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya lang ako na parang sinasabi na "hindi mo na dapat malamaman pa", minabuti ko nalang talaga na di magtanong. Sabagay, mas maganda talaga na wala akong alam.

"Sino ba naman kasi ako para pagkatiwalaan mo." bulong ko. Nakakainis lang talaga!

"Anong sinabi mo?" wika niya at tiningnan ako nang may pagkakunot ang noo. Doon naman dumating ang order niya. Siya kasi nag-order ng para sakin, hindi man lang tinanong kung anong gusto ko.

"Sabi ko, mukhang masarap yung inorder mo para sakin." sagot ko habang inilapag ng isang dalagita ang inorder niya.

"Tsk." yun lang ang sinagot niya.

Ano na naman kinakagalit niya? Minabuti ko nalang na huwag nang pagtuonan ng pansin ang sinabi niya. Kinuha ko ang pagkain na para sakin. Menudo ang ulam naming dalawa. Hindi man lang siya nag-abalang ibahin ang isang putahe.

Kinuha na rin niya ang pagkain na para sa kanya. Humigop ako ng sabaw. Tiningnan ko ang oras. Alas-dose kinse palang. Minabuti kasi namin kanina na sa bahay nalang kakain, pero heto kami ngayon nasa karinderya dahil sa isang transaksyon.

Napatingin ako sa lalaking pumasok sa karinderya. Payat ito at matangkad, magulo ang buhok, mukha di pa nagsusuklay. Aligaga ito kung saan pwepwesto. Subalit nang magawi ang tingin niya sa isang bakanteng mesa sa tabi namin ay doon siya umupo. Tiningnan ko si Leo, mukhang nakatingin din siya sa lalaking kapapasok pa lamang.

Hindi ko na pinag-ukulan ng pansin ang lalaki. Marahil may problema kaya ganun siya kumilos. Itinuon ko ang pansin ko sa kinakain. Masarap ang pagkakaluto ng ulam. Iginala ko ang aking paningin, madami nang tao sa loob ng karinderya. Sabagay, alas-dose na. Lunch time na.

Napatingin ako sa unahan ng may pumasok na lalaki na matangkad, nakasuot ng kulay itim na jacket at itim na pants, nakasuot din siya ng shade. Pumunta siya sa tabi nilang upuan kung saan nakaupo ang lalaki.

Iniabot sakin ni Leo, ang cellphone niya.

"Nagtext si Tita, may pinapasabi sayo." wika niya.

Ano daw? Sinong Tita? Para malaman kung ano ang nais niyang ipahiwatiig. Kinuha ko ang cellphone niya at binasa ang nasa screen.

*Huwag mong tatawagin si Brandon kapag dumating. Just shut up. Manood ka nalang. Sesenyasan kita mamaya kung ano ang dapat mong gawin.*

Yun ang naka-type sa cellphone niya. Marahil di ko napansin na nagtype siya dahil ang atensyon ko ay nasa lalaking kapapasok lang. Napaingos ako sa sinabi niya. Kulang nalang ata taihin niya ang bibig ko para hindi ako magsalita.

May lumalabas ng karinderya dahil tapos na silang kumain at may mga pumapasok para kumain. Ipinagpatuloy ko ang pagkain, samantalang abala naman sa pagtatype sa cellphone si Leo. Nakita ko ang isang lalaking pamilyar sakin na pumasok sa karenderya. Si Brandon!

"Hello guys, sorry na-late ako. Natraffic kasi ako sa daan." wika niya ng makalapit samin.

Umupo si Brandon sa bakanteng upuan sa mesa namin. Tiningnan niya si Leo ng makahulugan. Biglang tumayo si Leo at pumunta sa mesa na nasa tabi namin.

May hinugot si Leo sa bulsa. Isang baril! Nanlalaki ang mata ko sa nakita. Itinutok niya ang baril sa lalaking naka-shade. Biglang nagsigawan ang mga tao sa loob ng karinderya, ang iba ay umalis at ang iba ay napaupo sa ilalim ng mesa.

"Walang kikilos na masama! Agent kami!" sigaw niya.

Nagtaas ng kamay ang lalaking payat dahil sa takot. Nakakatakot ang boses ni Leo. Ibang-iba ang boses niya sa pakikipag-usap sakin. Sila ba ang sadya namin dito?

Biglang tumayo si Brandon. Bago pa ito makalapit napansin ko na may kinuha sa bulsa ang lalaking tinutukan ni Leo ng baril. Nakatago kasi ang kamay niya sa ilalim ng mesa kaya di ito napansin ni Leo. Nang mailabas niya iyon, isa itong kutsilyo. Bago pa man makalapit si Brandon kay Leo. Agad akong tumayo at lumapit sa lalaki.

Tamang-tama hindi siya nakatingin sakin, dahil ang atensyon niya ay na kay Leo. Nakaakma na itutusok iyon kay Leo. Agad kong sinipa ang kamay niya bago pa man niya maisaksak kay Leo. Nabitawan niya ang kutsilyo at napahawak sa kamay na nasipa ko. Tumayo siya.

"How dare you!" wika niya. Subalit agad siyang sinuntok ni Leo sa tiyan. Napa-aray siya sa sakit. Lumapit naman si Brandon sa kasama niya na lalaking payat at itinutok ang baril dito. Hindi na sila kumilos pa.

Agad kong natanaw sa labas ng karinderya ang isang puting kotse. Bumaba doon sina Harold at Alexandra. Tinungo nila ang kinaroroonan namin at pinosasan ang dalawang lalaki.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height