You Are My Savior- AtengKadiwa/C5 Kagandahang Loob
+ Add to Library
You Are My Savior- AtengKadiwa/C5 Kagandahang Loob
+ Add to Library

C5 Kagandahang Loob

Lumabas na sina Alexandra at Harold sa karinderya kasama ang dalawa. Tiningnan ko ang paligid ng karinderya. Mukhang shock pa ang mga tao sa nangyari.

"Tara na. May pag-uusapan tayo." wika ni Leo sa akin.

Kinuha niya ang kamay ko at tinungo na namin ang labasan ng karinderya. Lumingon ako para tingnan si Brandon na nasa likuran namin. Nakita kong nakatingin siya sa kamay ko na hawak ni Leo.

**

Narating na namin ni Leo ang sasakyan. Agad niyang binuksan ang passenger's seat. Sumakay ako doon. Himala, gentleman? Umikot siya sa driver's seat. Pinaandar na niya ang kotse at sinundan namin ang kotse na lulan sila Harold at Alexandra. Tumingin ako sa likuran. Nakasunod samin si Brandon.

"Bakit mo ginawa yun?" tanong sakin ni Leo. Alam niya na ang ibig sabihin niya. Yung ginawa kong pagsipa sa kamay ng lalaking naka-shade.

"Para iligtas ka. Eh mukhang sasaksakin ka na e." sagot ko.

"Hindi mo na dapat ginawa yun, kaya ko ang sarili ko." depensa niya.

"Ano ba ang mali sa ginawa ko? Kaya kong protektahan ang sarili ko, dahil tinuruan ako ng aking ama ng self-defense." wika ko.

Hindi na ako papayag na pati yung ginawa ko kokontrahin niya. Wala naman mali sa ginawa ko ah. Iniligtas ko na nga siya. Siya pa ang galit? Wala na akong ginawang tama. Biglang tumulo ang luha ko, dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng palad ko.

"Kung gusto mong maging Agent. Tatagan mo ang loob mo. Dahil lang sa sinabi ko, iiyak ka na? Kung ganun. Hindi ka karapat-dapat maging Agent." wika niya.

Mukhang napansin ata niya ang pagluha ko. Sabagay, Agent siya. Malakas ang pakiramdam niya sa mga bagay-bagay. Ayaw ko na makipagtalo. Tumahimik nalang ako sa isang tabi. Dumungaw ako sa bintana ng kotse at tiningnan ang mga nadadaanan namin. Patungo kami sa Head Quarters, kung hindi ako nagkakamali.

Sinusundan pa rin namin ang sasakyan nila Harold at Alexandra. Ilang minuto rin ang itinagal ng byahe namin hanggang sa natatanaw ko na ang kinaroroonan ng Head Quarters. Ipinasok ni Leo ang sasakyan sa loob. Pagkahinto niyon, ay agad akong umibis ng sasakyan.

Sinundan namin sina Harold at Alexandra na pumasok sa loob ng Head Quarters na kasama ang dalawa. Lumingon ako sa likuran ko, nakasunod samin si Brandon. Nang makapasok kami sa loob ay nagtungo sina Alexandra at Harold sa isang silid sa tabi ng silid kung saan ako ginamot ni Alexandra. Pumasok sila doon, pumasok din si Leo at Brandon. Naiwan akong mag-isa. Tinungo ko ang sofa na nasa tabi ng silid kung saan nagpulong kagabi sina Leo at ang mga kasamahan niya.

Biglang bumukas ang silid kung saan nandun sina Leo. Lumabas doon si Brandon, nagtama ang aming mga mata. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya pabalik. Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.

"Bakit ka lumabas?" tanong ko sa kanya.

"Alam ko kasi na mag-isa ka lang dito. Kaya lumabas ako para samahan ka." wika niya.

"Salamat." wika ko.

"Ang galing mo kanina ah. Paano mo nagawa yun?" tanong niya sakin tsaka tiningnan ako ng nakangiti.

"Ah. Yun ba? Natutunan ko yun sa aking Ama. Sampong taong gulang pa lamang ako tinuruan niya na ako ng self-defense. Sampong taon hanggang maglabing-walong taon ako, para matuto ako at maging mahusay." wika ko. Limang taon nang patay ang aking Ama. Sa isiping iyon, namiss ko siya bigla. Ang hirap mawalan ng Ama.

"Magaling. Napahanga mo ako." wika niya.

Napangiti ako. Buti pa si Brandon naa-preciate ang ginawa ko kanina. Samantalang si Leo ay hindi. Ni ang magpasalamat ay hindi man lang niya ginawa.

"Mabuti nalang on the spot kayo, Agent Leo."

Nilingon ko ang nagsalita. Nakita ko si Alexandra, Harold at Leo na palabas na. Tiningnan kami ni Leo. Kumunot ang noo niya. Subalit bigla din iyon nawala nang biglang tumayo si Brandon at pinuntahan si Leo tsaka inakbayan.

"Ang galing mo Leo!" wika ni Brandon kay Leo.

"Hi Rhianna." tinig iyon ni Alexandra na nasa tabi ko na pala. Hindi ko namalayan ang paglapit niya.

"Hello, Alexandra. Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko sa kanya.

"Tinanong ko kay Harold." wika niya na may pagkislap ang mga mata. May gusto siya kay Harold. Babae ako kaya alam ko.

"Tara na mga ladies. Kailangan na natin umalis. Bukas na lang daw ang pagsasanay. Nagtext si Agent Jerald." wika ni Brandon na nasa labas na kasama si Leo at Harold.

Tumayo na kami ni Alexandra. Naalala ko yung dalawang lalaki. Ibig sabihin nasa loob sila at dito mamamalagi?

"Sandali!" pigil ko sa kanila. Lumingon sila sakin na may nagtatakang tingin.

"Paano yung dalawa? Iiwan niyo sila dito?"

"Oo, huwag kang mag-alala Rhianna. Ayos lang sila. May binigay na kaming pagkain sa kanila doon sa maliit na selda sa loob ng silid. Bukas pa kasi namin sila isusurrender sa kapulisan." wika ni Alexandra tsaka hinila ang kamay ko palabas ng Head Quarters. Si Alexandra narin ang nagsara noon.

Nakita ko na nasa labas ng kotse si Leo. Nang makita akong palapit, tsaka siya pumasok sa loob. Pumasok narin ako pagkadating doon tsaka niya pinaandar ang sasakyan palabas ng Head Quarters. Lumabas narin ang kotse nina Brandon, Alexandra at Harold.

**

Nilalakbay na namin ang daan pabalik sa bahay. Mukhang kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na laging nakasakay sa kotse niya. Hindi siya umiimik sa buong byahe namin. Anong oras na ba? Minabuti kong tanungin si Leo dahil may suot siyang relo.

"Leo, anong oras na?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ang suot na relo tsaka ibinalik ulit ang tingin sa kalsada.

"Alas tres." tipid niyang sagot.

"Buti pa si Brandon, masaya kausap." bulong ko.

"So mas gusto mong kasama si Brandon?" biglang tanong niya sakin. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko akalain na maririnig niya ang mga sinabi ko.

"Hindi naman sa ganun. Ang tipid mo kasing magsalita. Hindi man lang tayo nakakapag-usap ng matagal." wika ko. Hininto niya ang sasakyan sa isang gilid. Tumingin siya sakin.

"Una sa lahat, magkasama tayo para tulungan kita sa pagligtas sa Ina at Kapatid mo diba? Bakit kailangan pa natin mag-usap ng matagal? Kailangan pa ba yun?" wika niya at itinuloy na ang pagmamaneho.

"Oo nga pala. Pasensya na." sagot ko.

Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Bakit di ba niya naisip iyon? Pilyo akong napangisi. Bakit ba ako umaasa na mapansin niya? Bakit ba ako umaasa na itrato niya ako ng maayos, dahil una palang. Tulong lang ang dahilan kung bakit ako naugnay sa kanya. Yun lang ang dapat kong isipin sa ngayon.

Narating namin ang bahay. Agad akong umibis ng sasakyan at naglakad patungo sa pinto. Ipinihit ko iyon. Shet! Sarado. Dahil sa inis, pati ang pinto nakalimutan kong sarado pala.

"Hindi ko iniiwan na bukas ang bahay." wika niya ng makalapit siya sakin bitbit ang mga pinamili ko.

Inilabas niya sa bulsa ang susi at ipinasok iyon sa doorknob, tsaka niya binuksan ang pintuan. Nauna siyang pumasok at sumunod ako. Ibinigay niya sakin ang mga pinamili ko. Kinuha ko iyon.

"Salamat." kahit naman naiinis ako dapat parin akong magpasalamat sa kanya.

Kung inis nga ba itong nararamdaman ko. Dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ako magiging ligtas ngayon. At tatanawin kong malaking utang na loob yun.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita o tumugon sa sinabi ko. Tumalikod ako at nagmartsa papasok sa kwarto niya na kwarto ko na ngayon. Inilagay ang mga pinamili ko sa isang gilid. Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height