C50 Pagtutuos
Rhianna'sPOV
Ipinarada ni Brandon ang kotse nito di kalayuan sa pinagtataguang mansiyon ni Don Ysmael. Bumaba na ako nang kotse. Nang makababa ako, bumaba na rin sina Brandon, Faith at Leo. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa mansiyon. Nang nasa gilid na kami ng gate ng mansiyon ay nagsalita si Brandon.
"Sa harap kami ni Faith. Sa likod kayo. Magtagpo tayo sa gitna." wika ni Brandon