C53 Surpresa
Rhianna's POV
Isang linggo na ang lumipas subalit walang Leonardo Estralta Jr. na dumating sa Gadione. Hindi ko maiwasang malungkot habang tinitingnan ang malawak na bukirin sa likod ng aming bahay. Sabi ni Mama, tawagan ko na daw. Pero nahihiya ako, ayaw kong isturbohin siya kung anuman ang ginagawa niya ngayon. Napabuntong-hininga ako at naglakad pabalik sa bahay