You Are My Savior- AtengKadiwa/C6 Parte Ng Samahan
+ Add to Library
You Are My Savior- AtengKadiwa/C6 Parte Ng Samahan
+ Add to Library

C6 Parte Ng Samahan

Leonardo's POV

Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang mga bagay na yun kay Rhianna. Umupo ako sa upuan sa salas at nahilamos ko ang aking kamay sa mukha.

Hindi ko maiwasan humanga sa kanya dahil sa angkin niyang kagandahan. Maputi, makinis ang balat, bilugang mga mata, at bilugang mukha. Unang pagkikita palang namin ay nakaramdam na ako ng atrasyon sa kanya.

Lalo na kanina noong nasa Gigi's Carenderia kami habang itinutok ko sa lalaking naka-shade na napag-alaman kong Carlo Sañiego ang pangalan. Bigla nalang siyang tumayo at sinipa niya ang kamay ni Carlo Sañiego. Sobra akong nag-alala na hindi ko mawari. Sa katunayan, magaling siya. Idinadaan ko nalang sa pagsusungit ang atraksyong nararamdaman ko sa kanya.

Naalala ko tuloy noong nasa Head Quarters kami at madatnan ko siyang masayang nakikipag-usap kay Brandon. Hindi ko maiwasan makaramdam ng selos, na hindi ko dapat nararamdaman sa kaniya. Iwinaglit ko sa aking isipan ang aking mga iniisip at nagpasyang kunin ang mga damit ko sa kwarto ko na ipinagamit ko kay Rhianna.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at tinungo ang kwarto niya. Kakatok na sana ako subalit nakita ko itong nakaawang. Kumatok ako para malaman niya na nasa labas ako subalit walang boses akong narinig.

Itinulak ko ang pintuan, at pumasok sa loob. Nadatnan ko siyang natutulog sa kama. Tinitigan ko siya, para itong anghel na natutulog. Pumunta ako sa cabinet at kinuha ang mga gamit ko. Tsaka ako nagtungo sa kabilang kwarto bitbit ang mga ito.

Pagkatapos kong ayusin ang mga damit ko ay kinuha ko ang laptop at nagsearch ng tungkol kay Carlo Sañiego. Una akong tumingin sa Facebook. Nasearch ko ang pangalan niya at ang nasa profile niya ay kasama ang asawa at dalawang anak na babae.

Biglang tumunog ang cellphone ko na nasa tabi ng laptop. Kinuha ko iyon at tiningnan ang caller. Si Agent Jerald ang tumatawag.

"Good Afternoon, Agent Jerald." wika ko

*"Good Afternoon din, Agent Leo. Gusto ko kayong batiin ni Brandon dahil sa pagkahuli niyo sa dalawa." wika niya na halata sa boses ang kasiyahan.*

Tss. Wala ngang ginawa si Brandon. Late nga ito e.

"Salamat po Agent, Jerald." aniya.

*"Magkita nalang tayo sa Head Quarters bukas para sa pagsasanay. Sa inyo ko na ipapaubaya nina Alexandra, Brandon at Faith ang pag-aasikaso sa dalawa. Magreresign na daw si Dianne, kailangan na daw niya magfocus sa mga anak niya kaya kailangan niyong maghanap ng kasama."*

"Sige po Agent Jerald. Copy. Kelan natin balak iligtas ang ina at kapatid ni Rhianna?" tanong ko.

*"Kailangan natin magplano dyan. Pagkatapos nating magsanay."wika ni Agent Jerald*

"Copy."wika ko. Pinatay na ni Agent Jerald ang tawag.

Tiningnan ko ulit ang Facebook Account ni Carlo Sañiego, baka sakaling may makita akong importanteng bagay na magtuturo samin kung sino ang nasa likod ng transaksyon ng droga. Subalit wala! Napamura ako. Ayaw kasi niyang umamin kahapon kaya hindi namin agad naisurrender sa kapulisan.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa kusina para magkape. Nang makarating ako ay nakita ko si Rhianna na nagluluto. Lumingon siya sa gawi ko at may hawak na plato na may lamang pancake.

"Hi. Pasensya ito lang ang naluto ko, may nakita kasi akong flour. Kaya gumawa akong pancake." wika niya na nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa mga labi.

Gustuhin ko mang ngumiti subalit pinigilan ko. Mas maganda na rin yung ganito. Hindi niya alam ang nararamdaman ko. Hindi pa ito ang tamang panahon para sa mga ganitong bagay. Dahil madami pang kailangang gawin at asikasuhin.

Inilapag niya ang plato sa mesa. Umupo ako. Kumuha siya ng tinidor at ibinigay sakin. Umupo narin siya sa katapat kong upuan. Kinuha ko ang isang pancake at tinikman iyon. Hm. Masarap! Hindi na ako magkakape ito nalang lalantantakan ko. Masarap pala siya magluto.

"Hindi ko alam na magaling ka pala magluto." puri ko sa kanya.

"Madalas kasi akong magluto sa mansyon. Pwede magtanong Leo?" Tiningnan ko siya.

"Ano yun?" wika ko. Tatanungin ba niya kung may girlfriend na ako? Hays. Ano ba itong iniisip ko!

"Kelan natin ililigtas ang Ina at Kapatid ko? Hindi naman sa nagmamadali ako. Gusto ko lang malaman." wika niya. Sumubo muna ako bago ako sumagot. Kumakain narin siya.

"Pagplaplanuhan pa namin. Hindi basta-basta ang pagligtas na gagawin. Kailangan plakado para walang mapahamak." wika ko. Tumango siya. Tsaka itinuon ulit ang paningin sa kinakain.

Kelan ba ako huling nagkaroon ng kasintahan? 5 years ago. 28 na ako ngayon. Simula ng maging Agent ako. Mas tinuon ko ang pansin sa serbisyo kaysa mga ganung bagay. Biglang napukaw ang aking pag-iisip ng magsalita si Rhianna.

"Ayos lang ba na ako ang tagapagluto, tagalaba, basta TAGA dito sa bahay? Para may maitulong ako kahit papaano sa pamamalagi ko dito." wika niya.

"Sige, ikaw ang bahala." sagot ko.

Sabagay, wala naman problema sakin yun. Hindi naman sa hindi ako magaling magluto. Gaya nga ng sabi niya para may maitulong siya sa pamamalagi dito. Bilang babae, responsibilidad niya yun lalo at nasa poder ko siya.

**

Nang matapos kaming kumain ay si Rhianna narin ang naghugas ng pinagkainan namin. Nagluluto na rin siya ng para sa hapunan namin. Pumunta ako sa salas at ini-on ang TV. Pampalipas-oras.

Subalit, wala sa pinapanood ko ang atensyon ko. Nasa babaeng nasa kusina at nagluluto. Pinatay ko ang TV at isinandal ang aking ulo sa upuan.

Naalala ko bigla ang sinabi ni Agent Jerald na kailangan namin ng isang kasama. Bakit hindi ko pagbigyan ang hiling ni Rhianna na maging parte ng aming samahan?

Natatakot lang kasi ako na kapag naging myembro siya ng aming samahan, baka anong mangyari sa kanya. Sabagay, mas maganda na rin kung maging myembro siya, dahil maipagtatanggol niya ang sarii kung sakali na wala man ako sa tabi niya.

Pumunta ako sa kusina at nadatnang naghihiwa ito ng patatas. Hindi ko alam kung anong lulutuin niya. Tumingin siya sakin mula sa ginagawa.

"Magluluto ako ng Chicken Curry. Paborito ko kasi iyon." wika niya.

"Masarap yun. Paborito ko rin yun." wika ko at nginitian ito. Iyon ang unang pagkakataon na nginitian ko siya dahil natutuwa ako sa ginagawa niya. Ngumiti din siya pabalik. Tumalikod na siya at tinungo ang niluluto. Ito na sasabihin ko na.

"Rhianna, gusto ko maging parte ka ng aming samahan." wika ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height