+ Add to Library
+ Add to Library

C7 Ang Pagsasanay

Rhianna's POV

"Rhianna, gusto ko maging parte ka ng aming samahan." wika ni Leo sa kanya habang nakatalikod ako at nakaharap sa niluluto ko.

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Gusto niya na akong isama sa grupo nila? Agad akong lumingon sa kanya. Nagtama ang aming mga mata. Bigla akong nakaramdam ng pagkaasiwa.

"Seryuso ka ba? Diba sabi mo kailangan magaling humawak ng armas o baril ang magiging myembro niyo?" wika ko. Natatandaan ko na yun ang sinabi niya sakin noong hiniling ko na maging parte ako ng samahan nila.

"Nagresign si Dianne dahil gusto na nito magfocus sa mga anak. Kaya nagpapahanap si Agent Jerald ng papalit sa kanya. Natututunan naman ang mga yun." wika nito at nginitian ako. Naninibago ako sa kanya. Nagiging palangiti na siya.

"Salamat Leo." wika ko at tsaka ibinalik ang pansin sa niluluto. Mukhang maganda ata epekto ng pancake na niluto ko.

"Basta dadaan ka sa masusing pagsasanay. Bilang Agent, katambal niyon ang panganib sa buhay mo. Kaya, mag-ingat ka dahil hindi lahat ng oras kaya kitang iligtas." wika niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Sabagay, ililigtas niya ako dahil responsibilidad niya ako at nandito ako sa poder niya. Sa isiping iyon bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib.

**

Nagising ako dahil sa alarm clock, madilim pa ang paligid. Bumangon ako, kailangan kongmaghanda ng agahan namin. Diba ako nga taga dito.

Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang kusina at nagluto muna ng kanin. Tumingin ako sa ref ng pwedeng lutuing ulam, nakakita ako ng hotdog at kinuha iyon. Pagkatapos kong magluto ng kanin, isinunod ko ang pagprito ng hotdog. Malapit na akong matapos nang may magsalita sa likod ko.

"Bago tayo pumunta sa Head Quarters

Mamalengke muna tayo. Mukhang wala nang laman ang ref." wika niya. Gising na pala siya.

Kinuha ko ang hotdog sa pan at inilagay iyon sa isang plato. Tumalikod ako para pumunta sa mesa. Nakatayo siya at nagtitimpla ng kape. Inilapag ko sa mesa ang plato na may lamang hotdog.

"Pwede ako ang mamili?" tanong ko habang naglalagay ng kanin sa aming plato. Gustong-gusto ko kasi ang namimili. Noong mabubuhay pa ang aking ama, ako ang inuutusan ni Mama para mamili.

"Pwede. Mas may alam ka sa ganito. Ako kasi panay de-lata, cup noodles at mga iba pa na mabilis lutuin. Minsan nagpapadeliver ako." wika niya at humigop ng kape. Bakit napaka-sexy nito kung uminom ng kape? Hays. Ibinigay niya dito ang plato na may kanin.

"Kain na tayo. Para maaga tayo makapamalengke." wika ko.

**

Narito kami ngayon sa palengke. Namimili ng isang linggong pagkain. Samantalang nasa tabi ko naman si Leo habang bitbit ang mga pinamili ko. Biglang may lumapit samin na babae.

"Leo! Ikaw ba yan?" tanong nito. Tumingin ako sa babae mula sa pamimili ng gulay. Matangkad ito, mahaba ang buhok, bilugang mga mata, at may makapal na kilay at may makinis na balat. In short, Maganda.

"Carmela?" tanong ni Leo dito.

"Yes. You still remember me huh?" Tiningnan ako ng babae na Carmela ang pangalan.

"Who is she?" tanong niya. Tiningnan ako ni Leo tsaka hinila ang kamay ko para makalapit sa kanila.

"Carmela, si Rhianna pala. Rhianna, si Carmela." pagpapakilala niya samin.

Bago pa man ako makapagsalita. Tumunog ang cellphone ni Carmela, agad niya iyon sinagot.

"Okay Sir. I'll be there in a moment." wika niya sa kausap.

"I have to go Leo. Pinapatawag ako sa office. Bye Rhianna, nice meeting you. See you, one of these days Leo." wika niya tsaka tuluyang umalis. Ibinalik ko na ang pansin sa pamimili.

**

Nakapamili na ako at agad kaming nagtungo sa kotse na nakaparada sa parking lot ng palengke. Inilagay ni Leo lahat ng pinamili sa likuran. Samantalang pumasok na ako sa passengers seat. Pumasok ito sa driver's seat at minaneho ang kotse palabas ng parking lot.

"Sino yun?" tanong ko kay Leo habang pabalik na kami sa bahay. Ibababa muna namin mga pinamili sa bahay bago kami magtutungo sa Head Quarters.

"Si Carmela ba? Isa siyang pulis. Kaklase ko noong college ako at naging ex ko." wika niya. Ah. Ex pala niya yun. Nakaramdam ako ng kaonting selos sa nalaman ko? Bakit kaya sila naghiwalay? Hindi na ako nagtanong pa.

Narating na namin ang bahay at agad na umibis si Leo at kinuha ang mga pinamili namin sa likod ng sasakyan.

"Hintayin mo nalang ako dito sa kotse." wika niya at pumasok sa loob.

Tiningnan ko siya habang naglalakad. Hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng katawan nito. Talagang batak sa ehersisyo. Para lang itong magbibitbit ng maliit na timba sa magkabilang braso.

Ilang minuto lang ang lumipas at natanaw ko na siyang papalapit sa kotse. Agad itong nagtungo sa driver's seat at sinimulang manenohin ang sasakyan.

"Ano bang gagawin natin sa Head Quarters?" tanong ko sa kanya.

"Kailangan namin mapaamin ang dalawa bago namin maisurrender sa kapulisan. Malaking bentaha yun kapag nalaman namin kung sino ang amo ni Carlo Sañiego " wika niya habang nakatutok parin ang paningin sa daan.

"Carlo Sañiego? Yun na yung naka-jacket at nakasuot ng shades?" tanong ko.

"Oo siya nga." wika niya.

"Paano kung di niyo mapaamin?" tanong ko. Paano nga ba?

"Isusurrender na namin sa kapulisan. Wala na kaming magagawa kung ayaw niyang umamin. Pero gagawin namin ang lahat para mapaamin siya, mahirap makakuha ng alas." sagot nito.

"Nandoon ba ang buong grupo?"

"Wala. Sina Faith, Brandon at Alexandra lang. Mamayang hapon sila darating sa pagsasanay. Kaya humanda ka yun ang unang sabak mo sa pagsasanay." wika niya at tingnan siya. Tinitigan ko siya para iparating na handa ako.

"Nakahanda ako Leo." wika ko.

Handa akong harapin ang mga pagsubok. Basta ang mahalaga mailigtas ko lang ang aking Ina at Kapatid. Malaki ang tulong ng grupo namin dahil magiging myembro na ako at kay syempre kay Leo.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height