+ Add to Library
+ Add to Library

C8 San Sebado

"Sino ang nagbigay sayo ng Droga?" tanong ni Leo kay Carlo Sañiego na ngayon ay nakaupo habang nakaharap sa amin. Nasa tabi nito ang payat na lalaki na mukhang takot na takot.

Narito kami sa silid kung saan may maliit na selda sa gilid kung saan natulog ang dalawa kagabi. May mesang sakto ang laki na nakaharap kay Carlo Sañiego. Nasa gilid nito si Leo at nakatayo. Sina Brandon, Faith at Alexandra ay nakaupo sa upuan na nasa mesa nakaharap kay Carlo Sañiego. Ako nandito sa isang tabi at nakikinig sa usapan nila.

"Bakit ko sasabihin? Hindi ko gusto mapahamak ang mag-iina ko." wika nito. Tumayo si Brandon at lumapit dito.

"Kung makikipagkaisa ka samin. Sabihin mo kung nasaan ang mag-iina mo at ililigtas namin sila. Titiyakin namin na magiging ligtas siya sa aming pangangalaga" wika ni Brandon.

"Si Don Ysmael, siya ang pinaka-pinuno. Inuutusan lang ako. Narinig ko sa usapan ng mga nag-utos sakin. Kapag di daw ako sumunod at nagsumbong ako, mapapahamak ang mga anak ko pati ang asawa ko. Wala na kasi akong pagpipilian dahil gipit rin ako. Iligtas niyo ang mag-iina ko." wika nito at unti-unting bumagsak ang mga luha nito.

Naawa ako sa kanya. Alam ko kung gaano kahirap kapag walang maapuhap na ipantutustos sa pangangailangan ng ng kanyang pamilya. Ang tapang-tapang nito noong nasa Gigi's Carenderia kami. Ngayon makikita mo ang kahinaan niya. Ang kanyang pamilya.

"Huwag kang mag-alala. Pupuntahan namin sila ngayon at ililigtas. Akin na ang Address para napuntahan namin." wika naman ni Leo.

"San Sebado. Sa pangalawang kanto sa kaliwa, pumasok kayo doon at nasa pangalawang bahay sa kanan ang bahay namin." Tumango si Leo. Tahimik lang na nakikinig sila Alexandra at Faith.

"Pero nagkasala ka parin sa batas. Kaya kailangan mong makulong." wika ni Leo kay Carlo Sañiego.

"Handa kong harapin ang batas. Basta, maging ligtas lang ang mag-iina ko." wika nito.

"Ikaw? Sino ang nag-utos sayo?" tanong ni Leo sa lalaking payat na nanginginig na sa takot at halos hindi maiangat ang mukha.

"Nautusan lang din po ako ng mga barkada ko po, binigyan po ako ng malaking tip para sa pagkuha ng droga." wika nito habang nakayuko ang ulo.

"Brandon at Faith kayo ang magdadala sa kanila sa pulisya. Kami naman ni Alexandra ang kukuha sa mag-ina." wika ni Leo.

"Copy, Agent." wika ng mga ito. Bakit ganun nalang kung igalang si Leo ng mga ito?

Inilabas na ng silid ang dalawang lalaki habang akay-akay sila nina Brandon at Faith. Naiwan kami dito sa loob ng silid kasama si Alexandra.

"Sayo na ba sasakay si Rhianna?" tanong ni Alexandra. Ano daw? Pinsan ni Leo si Alexandra?

"Oo. Siya pala ang papalit kay Dianne." wika ni Leo habang patungo sa kinaroroonan ko. Nagtama ang aming mga mata. Agad akong nagbaba ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang titig niya.

"Tara na Rhianna." Yaya niya ng makalapit siya sakin.

**

Binabagtas na namin ang daan patungo sa Sebado Street. Nasa likod namin si Alexandra na lulan ng itim na kotse nito. Tumingin ako sa labas ng bintana, base sa sikat ng araw mga nasa alas-onse na ng umaga.

Tanging bugso ng hangin ang naririnig ko. Walang sinuman samin ni Leo ang nais bumasag ng katahimikan. Wala naman akong mahalagang sasabihin o itatanong. Ilang oras din ang byinahe nila.

Mula sa aking kinauupuan ay nakita ko ang boundary ng San Sebado. Maluwang na kabukiran ang bumungad samin. Ilang minuto ang naging byahe namin at napalitan iyon ng mga bahay.

Bahay na simple lang ang laki at mga barong-barong na mapag-aalaman na nasa kahirapan ang mga tao na nakatira sa San Sebado. May mga bata kaming nadaanan na pinapagalitan ng ina.

May nadaanan kaming kanto sa kaliwa. Sa pangalawang kanto iyong bahay nila Carlo Sañiego. Bukirin ulit ang nadaanan namin hanggang sa narating namin ang pangalawang kanto. Iniliko ni Leo ang sasakyan patungo doon. Huminto kami sa pangalawang bahay na nasa kanan. Ayon na rin sa sinabi ni Carlo Sañiego.

Lumabas kami ni Leo ng sasakyan,

natanaw ko si Alexandra di kalayuan at palapit samin. Kumatok si Leo sa pintuan. Nakadalawang katok siya ng buksan iyon. Bumungad samin ang isang babae na sa tantya ko nasa trenta anyos pataas. Sinugod kami nig tingin mula ulo hanggang paa. Akmang isasara na nito ang pinto subalit agad iyon napigilan ni Leo.

"Wala dito ang asawa ko. Makakaalis na kayo. Kahapon pa siya hindi umuuwi." wika nito. Mukhang alam nito ang ginagawa ng asawa.

"Nahuli namin ang asawa mo at marahil ngayon nasa selda na siya at nakakulong." wika ni Leo.

Biglang nagtubig ang mata ng Ginang. Umiyak ito dahil sa sinapit ng asawa. Hinayaan lang nila ito hanggang sa tumahan.

"Paano na kami ng anak namin? Baka mamaya ipapatay kami." tanong nito samin na kababakasan ng takot.

"Nandito kami para tulungan ka Misis at ipinangako namin sa kanya na hindi ka namin pababayaan." sagot ni Leonardo.

**

- SOMEONE'S Point Of View -

"Ano?! Nahuli si Carlo Sañiego?! Mga inutil!" sigaw ko sa mga tauhan ko.

"Hindi po namin alam na malalaman nila ang transakyon natin Boss. Natunugan ni Agent Jerald ang transakyon, dahil may nagtimbre daw sa kanya." wika ni Bricks.

Ibinalibag ko ang hawak na baso sa sahig dahil sa sobrang galit. Nagkandapira-piraso iyo sa sahig. Agad naman na kumuha ng panlinis si Gael at nilinisan iyon.

"Sa susunod dapat malinis ang trabaho niyo! Mapapahamak ako sa mga kagagawan ninyo! Makakaalis na kayo!" galit na galit kong sabi. Agad naman silang tumalima at lumabas ng pintuan.

Isa pa sa nagpapasakit ng ulo ko ay si Rhianna. Tumakas ito ng hindi man lang napansin ng mga tagapagbantay. Kailangan ko siyang mahanap sa lalong madaling panahon baka siya pa ang maging dahilan ng pagbagsak ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height