+ Add to Library
+ Add to Library

C9 Ang Pag-eensayo

Pagkatapos naming maidala si Mrs Sañiego sa isang lugar na ligtas kung saan mga Agent lang ang nakakaalam. Agad kaming bumalik sa Head Quarters para sa pagsasanay. Alas tres na ng hapon ng makarating kami.

Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kaming nagtungo ni Leo sa likod ng Head Quarters kung saan ginaganap ang pagsasanay. May nakasabit sa gitna na isang papel na may nakaguhit na tao. Hindi pa nagsisimula ang pagsasanay.

"Halika upo tayo doon kina Faith." yaya sakin ni Alexandra at kinuha ang kamay ko patungo sa gilid kung saan nakaupo si Faith. Iniwan ko si Leo na kausap si Harold. Umupo kami sa bakanteng silya na nasa tabi ni Faith. Lumingon sakin si Faith. Ngumiti siya sakin.

"Ikaw yung dinala ni Leo na sugatan diba?" tanong niya sakin.

"Opo, Agent. Ako nga po." wika ko sa kanya.

"Masyadong pormal. Just call me Faith. What's your name?" Inilahad niya ang kamay sakin at tinanggap ko iyon.

"Rhianna, Rhianna Evangelista." wika ko.

"Sandali, naiihi ako. Punta lang ako sa CR." paalam samin ni Alexandra. Tumango ako sa kanya. Naglakad na siya patungong Head Quarters.

Abala si Faith sa cellphone niya kaya diko na inistorbo. Itinuon ko ang pansin sa nag-uusap na sina Leo at Harold. Mukhang seryuso ang mga ito sa pinag-uusapan. Nasa tabi nila si Brandon at nakikinig lang. Lumingon si Brandon sa kinaroroonan ko.

Lumakad ito palapit sakin. Nakita ko pang lumingon si Leo subalit itinuon ulit nito ang paningin kay Harold. Itinuon ko ang pansin kay Brandon. Gwapo ito, bagay nito ang mahabang buhok. Kakikitaan ng tikas ng tindig. Umupo siya sa tabi ko.

Pagkaupong-pagkaupo niya ay agad namang dumating si Agent Jerald kasama si Alexandra at isang lalaki na may pagkabrownish ang buhok. Biglang nagsitayuan ang mga katabi niya at sumaludo. Maging ang iba ay sumaludo rin.

"Magandang hapon po Agent Jerald!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Magandang hapon din. Nais kong ipahatid sa inyo na magpapahinga muna ako sa serbisyo. At ang papalit sa pwesto ko ay si Leonardo Estralta Jr.. Siya ang pansamantalang mamumuno sa inyo." wika niya. Malakas na palakpakan ang narinig ko. Binati nila si Leonardo.

"Balita ko may nais maging myembro ng ating samahan?" tanong ni Agent Jerald. Bigla siyang tumingin sakin at ngumiti. Ngumiti din ako pabalik.

"Opo, Agent. Si Rhianna po ang gustong maging myembro ng ating samahan." wika ni Leonardo at tiningnan ako. Ayun na naman ang mga tingin niya na nagpapabilis ng pintig ng puso ko. Ano bang ginagawa mo sakin Leonardo Estralta Jr.?

"Sabi sakin ni Leo, magaling ka daw. Kaya ang mangyayari ngayon, tuturuan ka ni Leo kung paano ang dapat gawin kapag nandyan ang kalaban. Hindi muna magsasanay ang ibang myembro." wika ni Agent Jerald. Napatingin ako kay Leo at naglakad siya palapit sakin.

"Ipakita mo sakin ang galing mo Rhianna." wika niya ng makalapit siya sakin.

"Galingan mo, Rhianna." wika ni Brandon sakin. Nginitian ko siya. Nagtungo kami sa gitna.

"Simulan niyo na!" sigaw ni Agent Jerald.

Agad akong pinatamaan ng suntok ni Leo, subalit nakailag ako. Ako naman ang sumuntok subalit naiharang nito ang isang kamay. Masakit ang pagkakatama niyon sakin. Inundayan ko siya ng sipa sa tagiliran. Subalit natabig niya yun. Awts. Ang sakit. Sinipa ko ulit siya ngunit natatabig lang niya iyon. Dahil abala ito sa pagtabig sa sipa ko. Agad ko siyang sinuntok sa mukha subalit nakuha niya yun at inilagay sa likod ko at dahil sa ginawa niya nahawakan niya ang isang kamay ko pa at inilagay iyon sa likod ko. Halos yakap-yakap na niya ako. Bumulong siya sakin.

"Kailangan mo pa magsanay na mabuti para maging ganap kang myembro ng aming samahan." wika niya. Ang bango ng hininga niya. Bakit parang ang sarap pakinggan sa taenga ang tinig niya?

"Tama na! Baka magkasakitan pa. Sa ngayon yan na muna, anong oras na at may pagpupulong pa tayo. Bukas si Leo na ang magpupulong sa inyo." sigaw ni Agent Jerald.

Tinanggal na ni Leo ang pagkakaipit nito sa kamay ko. Pumunta siya sa mesa at kumuha ng tubig. Uminom muna siya bago iyon iniabot sakin.

Kinuha ko iyon at tinitigan ko ang baso. Medyo masakit ang katawan ko dahil sa ginawa naming pagsasanay. Matigas ang katawan ni Leo kaya nasaktan ang mga kalamnan ko.

"Huwag kang mag-alala, wala akong sakit." wika niya.

"Pumunta na kayo sa Head Quarters para matalakay natin ang mga dapat magiging hakbang natin sa paghuli kay Don Ysmael." wika ni Agent Jerald at naglakad patungo sa Head Quarters kasama ang iba. Naiwan kami ni Leo.

"Mauna ka na, susunod ako." wika ko at ininom ang tubig sa baso.

"Hihintayin kita, sabay na tayo pumunta." wika niya at tiningnan niya ako. Nagkatitigan kaming dalawa. Ako ang unang nagbawi ng tingin.

"Tara na. Baka mahalaga ang pag-uusapan." wika ko at nauna nang naglakad. Bumuntong-hininga ako. Iba talaga ang epekto sakin ang tingin niya. Pakiramdam ko anumang oras mangangatog ang aking mga tuhod dala ng mga tingin niya.

**

Narito ako ngayon sa aking kwarto at nakahiga. Masakit ang kamay at paa ko. Pakiramdam ko nabali ang mga iyon. Tumayo ako at pumunta sa salas. Nakita ko kanina may efficascent oil doon. Hihilutin ko nalang ang mga paa ko.

Lumabas ako na paika-ika. Pagkalabas ko, sakto namang lumabas si Leo, Nakita niya akong iika-ika. Shet! Nakakahiya. Baka hindi ako maging pasado neto. Sa ginawa palang naming pagsasanay, ganito na ang nangyari. Paano pa kaya kapag sa totoong labanan na? Tumayo ako ng tuwid.

"Hm. Kukunin ko lang efficascent oil." wika ko kahit di naman siya nagtatanong.

"Ako na kukuha, huwag ka ng umasta na okay ka." aniya at tsaka tinungo ang nakasabit na maliit na lalagyan sa salas kung saan nandoon ang efficascent oil.

Nakatayo lang ako habang tinitingnan siya. Nakasuot siya ng sando kaya kitang-kita ang mga mga muscles niya sa katawan. Humarap siya at naglakad patungo sa kinaroroonan ko. Inilahad ko ang palad ko.

"Akin na. Ako na ang bahalang maglagay sa paa ko." wika ko. Hindi niya ako pinansin bagkus pumasok siya sa loob ng kwarto at ti-nap ang higaan ko.

"Maupo ka." wika niya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Kahit naman umangal ako wala din mangyayari, siya pa rin ang masusunod.

Paika-ika akong pumasok ulit sa kwarto at umupo sa kama. Kinuha niya ang maliit na upuan na nasa gilid at umupo. Hinawakan niya ang paa ko at inilagay sa kandungan niya.

"Aray, Leo! Dahan-dahan!" wika ko habang namimilipit sa sakit. Napamura siya.

"Pasensya ka na, masyado kong seneryuso ang ensayo. Hindi ko naisip na masasaktan ka sa mga ginawa ko." wika niya sakin. Bakit parang ramdam ko sa boses niya ang pag-aalala? O, guni-guni ko lang yun.

"Ayos lang. Ganun talaga. Parte yun ng ensayo." wika ko.

Hindi na siya nagsalita pa. Binuksan niya ang efficascent oil at hinilot ang paa ko. Napadaing ako sa sakit. Pero, masarap sa pakiramdam ang ginagawa niya. Hindi ko maiwasan mapangiti.

Tiningnan ko siya habang minamasahe ang paa ko. Bigla itong nag-angat ng mukha. Nagtama ang aming mga mata. Ayun na naman ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Agad akong nagbaba ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya.

"Ayan okay na, magpahinga ka na. Dahil bukas pag-aaralan mo ang paghawak ng baril." wika niya at agad na lumabas ng kwarto at isinara iyon.

Sa susunod na linggo na ang gagawin naming pagliligtas sa aking Ina at Kapatid. Magsasanay ako ng mabuti para maging myembro ako at makatapat ko si Don Ysmael.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height