You're Still My Man/C4 Deliveries
+ Add to Library
You're Still My Man/C4 Deliveries
+ Add to Library

C4 Deliveries

GARRIE

Matapos nyang mabalot ang valentines gift para sa kanyang kapatid at ina, ang magazine article naman ngayon na kanyang sinusulat ang tinutokan nya ng pansin dahil sa katapusan na ng Marso ang deadline nito. Nag iintern kasi sya sa isang magazine publishing company as prerequisite para makagraduate sya sa kursong kinukuha nya. Kasalukuyan syang nasa third year college at kaya hindi sya kaagad nakatapos dahil sya na ang tumataguyod sa pamilya nya simula ng mamatay ang kanyang ama. Pinagpaaral din kasi nya ang isa pang kapatid na si Jastine na ngayon ay second year college na.

Binuksan nya ulit ang kanyang laptop at hinanap yong file na sinusulat nya tungkol sa mga babaeng career-oriented.

Nasa kalagitnaan sya ng kanyang pagtatype nang may biglang kumatok sa kanyang pintuan. Agad naman nya itong pinuntahan sa sala at tinanong.

"Sino yan?"

"Delivery po para kay Miss Javier"

Nang pagbuksan nya ang pinto,nakita nya ang isang binatilyo na bitbit ang isang malaking boquet of red roses.

"Napakaganda naman yan" natutuwang sabi nya habang inabot ito sa kanya ng binatilyo.

Hindi nya akalain na totohanin pala ni Red ang sinabi nito na interesado ito sa kanya.

Pagkasara agad nya sa pintuan ay tumalon-talon sya sa saya dahil sa natanggap nyang bulaklak galing kay Red. Nilapag nya ito sa kanyang center table at sinimulan nyang basahin ang nakasulat sa maliit na card na kalakip nito.

Kumakabog ang puso nya ng basahin nya ito.

I wanna lay you down in the bed of roses. - B.H.

B.H? hindi R.D. or hindi V.R.D? OMG! kung ganon hindi si Red kundi si Brandon ang nagpapadala sa kanya ng mga bulaklak dahil nga sa nakasulat na initials nito.

Paano? Paano kaya nalaman ni Brandon kung saan ako nakatira,nagugulohang tanong nya sa sarili. Dahil sigurado naman sya na hindi nya ito nalaman sa restaurant dahil bawal kasi sa kanila na ipagbigay alam sa kahit kaninong guests ang tinitirahan nila.Pwera nalang kung sinusundan sya nito pauwi.Bigla namang nanginginig ang buong kalamnan nya sa naiisip.

Dahan-dahan syang lumapit sa bintana para silipin kung meron bang naka park na limousine doon o kaya tao sa harap ng boarding house nya. Pero wala. As in wala talaga.

Nagulat tuloy sya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone at unregistered caller pa ito. Pero sinagot nya pa rin.

"Hello"

"Good morning Garrie"

si Brandon "Sino to?"

Sa halip na sagotin sya ay tinawanan lang sya ng kausap sa kabilang linya.

"I was disappointed that you didn't call me. Natanggap mo na ba ang mga bulaklak?"

Nagkukunwari syang hindi nya agad nakilala ang boses nito."Sir Brandon,ikaw ba yan?"

"Mabuti naman at naalala mo pa rin ako Garrie"

"Nagustohan mo ba ang mga bulaklak?"

"Napakaganda po sir pero sana huwag na po kayong magpadala or magbigay sa akin ng kahit ano sa susunod,dahil hindi ko na po yon matatanggap."

"You deserve lovely things Garrie"

"Hindi naman po ako humihingi ng kahit ano Sir Brandon dahil kontento na po ako kung anong meron ako ngayon. At isa pa,makakabili naman po ako sa mga pangangailangan ko."

"Playing hard to get huh? Garrie"

"Tatapatin na kita Mr. Harlem, ayaw ko na pong tawagan nyo ako,at tsaka tigilan nyo na rin ang pagbibigay sakin ng tip at huwag na huwag nyo na rin akong padadalhan ng kung ano-ano"

"Alam mo miss beautiful, mas nakakachallenge ka kung ganyan ka"

"Don't waste your time on me Mr. Harlem,because..because I‘m already involved with someone else."

Napahalakhak lang sa kanya si Brandon."Alam mo kanina ko pa napapansin na palagi mo akong pino 'Po' Am I that much older than you? eh 37 palang ako,and by the way Garrie, I just wanted to informed you that I'll be out of town by tommorow. At kahit na ayaw mo,tatawagan at tatawagan pa rin kita."

"Diba nagpa reserved ka sa amin ng VIP room tonight?"

"Cancel it for me,will you? And Oh Garrie,nakalimutan ko pa lang sabihin sayo na pinabackground check pala kita, and I happen to know that there's no special someone in your life right now. Gusto kita Garrie,at kung sino man ang tumangkang lumapit or manligaw sayo makakatikim sa kalupitan ko, tandaan mo yan love." at ini-end na nito ang tawag.

Hindi sya nakaimik sa sinabing yon ni Brandon,nakanganga lang sya at panandaliang nakatulala. Naiisip kasi nya kung ano pa kaya ang nalalaman ni Brandon tungkol sa kanya. Nang bigla syang matauhan ay agad naman nyang dino-double check ang lock ng kanyang pintuan.

One week after...

One week ng hindi pumunta sa restaurant si Brandon at balik na naman sa dati ang cold treatment sa kanya ni Red. One week na rin kasing hindi sya pinapansin ni Red,kung mapansin man sya nito ay aasarin lang naman sya. Napansin rin nya na parang ang relax ni Red kung hindi magpapakita sa restaurant si Brandon. Hindi palaging nakakunot ang noo nito at madalas na rin itong tumatawa. Ang ayaw na ayaw lang nya ay ang makipagharotan ito sa mga babaeng kasamahan nya,she was not only irritated,but also get hurt.

Nakakahalata kasi sya na kapag nandyan si Brandon ang focus ni Red ay sa kanya lang. Nagseselos kaya ito kay Brandon?nagugulohang tanong nya sa sarili.

Ang akala kasi nya na nagsimula na ang magandang pakikitungo sa kanya ni Red noong birthday nya. Pero ngayon nag iba na naman ang ihip ng hangin.

Palagi pa rin nyang sinusuot ang necklace na binigay sa kanya ni Red pero wala rin namang pakialam si Red sa tuwing makita nyang suot nya pa rin ito.

Paano kaya kung ipaalam nya kay Red na pinapadalhan sya ng mga regalo ni Brandon araw-araw. Ano kaya ang magiging reaksyon nya?

The packaged that arrived daily didn‘t tempt her, pero curious lang kasi sya sa mga nakasulat sa maliit na card kaya binubuksan nya ito para lang basahin ang mga isinulat doon ni Brandon.

Nakatanggap na naman sya ng packaged sa araw na yon at ng basahin nya ang card ito ang nakasulat.

Money can't buy love,but it improves your bargaining position. - B.H. Ang laman lang naman ng package ay isang mamahaling gown na pinadesign pa talaga ni Brandon sa isang sikat na designer sa bansa. May pahabol sulat pa ito na isusuot daw nya ang binigay na gown sa kanilang first date.

Kinabukasan ay nakatanggap ulit sya ng package galing kay Brandon at heto na naman ang nakasulat sa card.

A face that could launched a thousand ships, Sweet Garrie make me immortal with a kiss. - B.H. Nag aya ito sa kanya na makipagdate sa Valentines Day sakay ng isang cruise ship.

The following day heto na naman ang nabasa nya.

Love me little,but love me long. - B.H. at may kalakip itong complimentary ticket sa isang theater play.

Alam na alam nya ang mga linya na sinusulat ni Brandon sa card dahil hango ito sa mga paborito nyang tula at makata.

**VALENTINES DAY**

Sa pagdating ng araw ng mga puso,nakatanggap na naman ulit sya ng packaged galing kay Brandon.

Nagtataka man sya dahil parang unusual ang packaged ngayon na natanggap nya,pero wala din naman syang pakialam sa mga pinapadala sa kanya ni Brandon at ang plano rin nya na isusuli na nya ang mga ito pag nagkita sila ni Brandon.

Agad naman nyang binuksan ang card kahit paman ay kinakabahan syang basahin ito.

Come live with me and be my love. - B.H.

Pero ng mabasa nya ang nakasulat sa may dulo nito ay halos lumuwa naman ang mga mata nya ng mabasa ito.

GARRIE JAVIER WILL YOU MARRY ME???

Kikiligin sana sya kung mahal pa nya si Brandon,pero hindi. Ano nalang ang gagawin nya?

Ayaw man nyang buksan ang natanggap na regalo ngayon pero dahil sa curiosity nya binuksan nya pa rin ito.

Nanginginig naman ang kanyang mga kamay ng pagbuksan nya ang pinadalang packaged ni Brandon. Kinakabahan man sya ngunit atat na atat syang alamin ang nasa loob nito. Pero bago pa nya ito tuloyang buksan nasa isip na nito na ang laman ng package ay isang jewelry dahil pareho ito sa box na binigay sa kanya ni Red noong kaarawan nya. Naiisip din nya na isa tong susi ng bahay base sa makahulugang linya ng tula na sinusulat ni Brandon sa card,at alam nyang hindi naman imposible ang mga iniisip nya dahil sa yaman ni Brandon kaya nyang ibigay ang mga yon.

Pero biglang natigil ang pag muni-muni nya ng tumunog ang kanyang cellphone at napangiti naman sya ng makita nya ang tumatawag.

"Hello Margarette"

"Aba,bakit kaya napatawag ang isang Vince Restituto Duterte III?

Hindi naman kaagad nakasagot sa kanya si Red dahil inuunahan nya ito.

"Bakit,nakaabala ba sayo ang pagtawag ko?"

"Hindi..hindi"

"Naka sample ka na ba ng mga wine na gagamitin natin ngayong Valentines Day?"

"Hindi pa,ano kasi naging abala ako this past few days."

"Ano naman ang mga pinagkaabalahan mo ngayon?"

"Ang totoo may malalim akong iniisip ngayon."

"Tulad ng ano?"

"Tulad ng mga makahulugang tula"

"Ano ba yan Margarette,wala na namang kabuluhan yang mga iniisip mo"

Gustohin man nya na ipaalam kay Red ang tungkol kay Brandon pero ayaw na nyang makaabala pa ng ibang tao.

"Syangapala,tumawag ako dahil may kailangan ako sayo Margarette."

"Syempre tumawag ka eh,alam ko naman na hindi ka tatawag na walang rason." at gusto ko rin malaman kung bakit nag iba na naman ang pakikitungo mo sa akin,akala ko kasi nagkasundo na tayo nong birthday ko.

Tumahimik na naman si Red. Ano ba kasi ang kailangan nya sa akin?eh aabot kami ng siyam-siyam dito sa pananahimik nya,sabi nito sa sarili.

"Gusto sana kitang ayain na lumabas pagkatapos ng duty natin." sabi ni Red.

Out of character. Definitely hindi talaga ito ugali ni Red. Ano bang nangyari kay Red at bigla itong nang aya sa kanya ng date?

"Well,salamat nalang sa pag invite mo sakin honeypie,kaya lang may lakad ako pagkatapos ng duty eh."

"So busy ka nga?"

"Sa totoo lang Oo,nakipagcommit na kasi ako sa iba. Sige magpapaalam na ako sayo,kasi kailangan ko pa talagang mag bihis dahil paparating na sya." sagot nya at tiningnan ang relo kung anong oras na.

Si Mark ang pinsan nya ang tinutukoy nya. Bumisita kasi ito sa kaibigan nya na malapit lang sa kanyang boarding house,kaya nagpasundo nalang sya para ipagmaneho sya nito papunta sa bahay nila kung saan naghihintay sa kanya ang kapatid at ina. Hindi kasi nya pwedeng ipagpaliban ang pagpunta nya sa bahay nila lalo na‘t matagal ng hindi sya nakauwi sa kanila. Naalala nya ang biglang pag-aya sa kanya ni Red na lumabas, pero naisip nyang buti rin sa kanya yon para sa pang iignore nito sa kanya buong linggo.

"Hindi naman ako makapaniwalang inaya mo nga akong lumabas"

"Gusto ko sanang maki pag date sayo,pero sayang dahil meron ka na palang ka date"

"Bakit nag back-out ba yong ka date mo?"

"Ikaw lang naman ang inaya kong makipagdate..eh sino ba yang lalaking ka date mo,kilala ko ba sya?"

"Isa syang tall,dark and handsome na maagang nag text sa akin kung pwede ba kaming lumabas ngayong gabi..So next time,wag ka nang magdadalawang isip na mang invite sakin ha ng sa ganon hindi ka maunahan ng iba..okay bye."

"Teka lang Margarette"

"Ano?"

"Meron din pala akong nalalaman na linya ng tula ni Shakespeare,kung para sayo may kabuluhan ang mga ito."

"Sige nga,iparinig mo nga sa akin"

" 'A horse! a horse! my kingdom for a horse!' "

She burst out laughing ng marinig nya yon kay Red,gustohin man nyang makipagkwentohan pa kay Red pero kinailangan na talaga nyang magpaalam sa binata dahil nagtext na ang pinsan nya na paparating na ito.Kaya pinutol na nya ang tawag ni Red at nagmamadali syang pumunta sa kwarto para makapagbihis.

After ten minutes may narinig na syang kumatok sa kanyang pintuan.

"Andyan na" sigaw nya sa kumakatok sa labas habang sinusuot pa nya ang kanyang high-heels. Lalabas na sana sya,pero nakalimotan pala nyang magsuot ng earings at kwentas na babagay sa suot nya. Kaya sunod-sunod nalang ang katok na naririnig nya dahil natagalan nga sya sa pagbibihis ulit. Sa wakas ay nakapili rin sya ng damit,she settled for a clingy black dress na saktong ibabaw lang sa tuhod ang baba nito. Nang pagbuksan nya ang pinto,babatiin nya sana ang pinsan nyang si Mark kaso lang hindi si Mark ang nakikita nyang naka harang sa pintuan nya.Dalawang lalaki ito na parang mga bouncer sa club dahil sa laki ng mga katawan nito. Ang isa sa kanila ay may hawak na boquet of flowers samantalang ang isa naman ay bigla syang hinawakan ng mahigpit sa braso.

"Sino kayo anong kailangan nyo sa akin?"

"Basahin mo muna itong card miss"sabi don sa isa na may hawak ng mga bulaklak.

Tinitigan nya ng maigi ang dalawang lalaki at naisip na nya ang may pakana nito. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kanya ng isang lalaki kaya nagpupumiglas sya. Inabot naman sa kanya ng isa ang maliit na card para ipabasa ito sa kanya. Binuksan nya kaagad ito at binasa.

An unforgettable evening awaits you, so do I. - B.H.

Pagkatapos nyang basahin ito nagpupumiglas pa rin sya upang makawala sa mga hawak nila.

"Sabihin nyo kay Mr.Harlem na meron akong importanteng lakad."

But the two big men only exchanged glances. Tumikhim naman ang isa sa kanila at nagsalita."Hindi kami pwedeng aalis hangga't hindi ka namin kasama."

Nanginginig naman sya ngayon sa takot dahil nakita nyang may dalang baril ang dalawang lalaking kaharap nya,pero kailangan nya pa rin ipakita sa mga ito na matapang sya ."Sinabi ko na sa inyo diba? hindi ako pwedeng sumama sa inyo dahil may importante akong lakad."

Pero hindi nakinig sa kanya ang dalawang lalaki at sa halip ay pwersahan syang hinila ng mga ito.

Everything happened so fast,giving her no opportunity to grab her cellphone or kahit ang kumawala sa kanila dahil na rin sa higpit ng hawak sa kanya ng mga ito.

"Bitiwan nyo nga ako..tulong!..tulong!"

Huminto naman ang dalawang lalaki sa pagkakahila sa kanya at yong isa ay humarap sa kanya.

"Kung hindi ka titigil sa kasisigaw mo dyan,lalagyan namin ng busal ang bibig mo" sabi ng lalaking kanina pang nakahawak sa braso nya.

"Pano kung ayaw ko sumama sa inyo? kikidnapin nyo ako?"

"Mas mabuti pang sumama ka nalang sa amin miss para hindi ka masasaktan. Sumusunod lang kami sa utos ni boss" sabi naman ng kasama nyang lalaki.

"Samama lang ako sa inyo kung bibitawan nyo muna ako dahil nasasaktan na ako sa higpit ng hawak nyo."

Agad naman syang binitiwan ng dalawa.

"Si Mr. Harlem ba talaga ang nag utos sa inyo?"

Tumango lang sa kanya ang dalawang lalaki. Wala na talaga syang magagawa,hindi na talaga sya makakawala sa mga ito at lalong-lalo na kay Brandon.

"Sige sasama na ako sa inyo,baka magalit pa yong boss nyo kapag pinaghintay pa natin sya."

*****

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height