You're Still My Man/C5 Unpleasant Encounter
+ Add to Library
You're Still My Man/C5 Unpleasant Encounter
+ Add to Library

C5 Unpleasant Encounter

RED

Naghahanap sya ngayon ng parking space sa di kalayuan ng boarding house ni Garrie. Gusto nya kasing surpresahin ito sa pagpunta nya at alamin na rin kung totoo nga ang sinasabi nito na meron na syang ka date na tall,dark and handsome. Pero sa nakikita ng mga mata nya parang kabaligtaran yata ang mga sinasabi nito. Sumakay kasi sya sa isang SUV na may kasamang dalawang lalaki, kung kaya ganon nalang ang paghihinala nya.

Nang tumawag sa kanya ang kapatid ni Garrie na si Jastine para ayain sana syang doon sa bahay nila mag celebrate ng Valentines day,tinanggihan nya ito. Naisip kasi nyang hindi nya muna siguro babantayan si Garrie dahil wala pa naman syang dapat ipag-alala sa kanya. Ang alam kasi nya na out of town si Brandon. Pero nang makita nya ang isang SUV na naka park sa harap ng boarding house ni Garrie,bigla naman syang kinutoban. At ganon nalang din ang kanyang pagkagulat ng makita nya si Garrie na sumakay sa SUV kasabay nong dalawang lalaki. Now,he jump into conclussion that the tall and handsome she‘s referring to is no other than,Brandon Harlem.

Ang ipinagtataka lang nya kung bakit walang bakas na takot sa mukha ni Garrie kahit paman may dalang baril ang mga lalaki na yon at sa nakikita nya, mukhang kalmado lang naman itong sumakay sa SUV.

Napamura naman sya sa nakikita at agad na sinundan ang humaharurot na sasakyan. Nang mapahinto sila sa isang traffic light,agad nyang tiningnan ang kanyang mini GPS tracker at ina-activate ito. While checking at the digital numbers through his in-dash car monitor, napamura ulit sya ng matuklasan nyang hindi sinuot ni Garrie ang kwentas na bigay nya.

Kinuha nya agad ang kanyang cellphone and dialled a number from his contacts.

Sumagot naman kaagad ang tinatawagan nya.

"Yes" sabi ng malumanay na boses sa kabilang linya.

"Kilala mo ba ako?"tanong nya.

"Of course! why you asked me handsome? and what can I do for you?"

"I need a favor"

GARRIE

Pumasok ang sinasakyan nilang SUV sa underground parking garage ng isang mataas na building. Matapos ma parked ito ay agad naman syang pinababa ng kasama nyang dalawang lalaki. Dinala sya ng mga ito sa isang elevator kung saan ang may special key lang ang mka accessed nito. Napag-isip nya na kung ganyan ang sistema ng mga elevator sa lugar nato hindi talaga sya basta-basta nalang makakatakas.

Yong isa sa dalawang lalaki ang nag pressed sa markang B***, and in a few seconds the door opened wide at pumasok na sila. Pinindot ng isa ang 25th floor hanggang sa nakarating sila doon. Pinindot na naman nong isa ang markang B*** at bumukas ulit ang pintuan ng elevator. Pagkalabas nila sa elevator ay bumungad sa kanya ang isang malaking living room na puro glass ang wall at mula sa kinatayuan nya,matatanaw na nya ang view ng Manila Bay. Napalingon naman sya sa may gilid at nakita nga nya doon si Brandon,standing near the glass wall,dressed in a tuxedo while talking in his cellphone.

"Siguradohin nyong matutuloy ang deal dahil kung hindi--" galit na sabi ni Brandon at napalingon ito sa kinatayuan nya,pero nang makita sya nito agad naman nyang ibinaba ang kanyang cellphone. Ang narinig nyang mabangis na boses kanina ay bigla itong naging maamo habang nakangiti naman si Brandon sa kanya.

"Mabilis ka lang yatang nakarating dito" his smile widened and walked towards her.

"Miss Javier. How very nice of you to join me."

"Tumigil ka nga Mr. Harlem,nice ba ang tawag mo non na sapilitan nyo akong pinapunta rito."

Napansin din nya na binigyan ni Brandon ng fiery look ang dalawang tauhan nya,blocking her at any attempt of an escape. Then,ngumiti ito ng makahulugan sa kanya.

"Alam kung intimidating ang itsura ng dalawang bodyguard ko Garrie,but I assure you that they mean no harm" sabi ni Brandon,extending a hand to her in greeting.

Hindi nya tinanggap ang pakikipaghandshake sa kanya ni Brandon,at wala rin naman syang pakialam kung harmless nga ang mga bodyguard nito or hindi."Eh kung ganun,bakit sapilitan nila akong dinala dito kahit na sinabi ko pa sa kanila na meron akong importanteng lakad. They gave me no choice and that's kidnapping."

Tinangoan ni Brandon ang dalawang bodyguard nya,signaling them to depart.

"May importante kang lakad?"tanong ulit ni Brandon sa kanya at hinawakan ang siko nya,guiding her into the room kung saan makikita ang full view ng boulevard.

"Sa totoo lang Mr. Harlem,tinanggihan ko pa nga ang isang taong nag aya sakin ng date dahil meron talaga akong importanteng lakad. Samantalang ikaw sapilitan mo akong pinapunta rito. Sino ka ba sa inaakala mo ha?"

"Ako lang naman ang lalaking higit na nagkagusto sayo Garrie."

"Sandali,ikukuha muna kita ng maiinom,gusto mo ba ng wine?" tanong nito sa kanya.

Kailangan nyang huminahon, kailangan rin nyang makaisip ng valid na rason nang sa ganon ay makawala sya kay Brandon.

Kahit hindi man sya sumasagot,binigyan pa rin sya nito ng champagne glass na may wine."Saan nga pala ang lakad mo? makipagkita ka ba sa sister mo na si Jastine?"

"Kung nagtataka ka kung bakit kilala ko si Jastine,well pasensya na,gusto ko lang kasi malaman ang tungkol sayo at sa pamilya mo Garrie" sabi ni Brandon habang iniinom ang kanyang wine.

"Tikman mo to please. I'ts a delightful California zinfandel I just discovered"

Uminom sya ng kaunti sa wine at nagustohan naman nya ang lasa nito.

"Shall we sit?" tanong sa kanya ni Brandon.

"Ok na sa akin ang nakatayo. Salamat nalang"

"As you wish" sagot ni Brandon at dumistansya ito ng konti sa kanya."San ba ang plano mong mag celebrate ng Valentines?"

"Wala akong planong mag celebrate ng Valentines..at syangapala ibabalik ko sayo ang mga pinapadala mo sa akin na gifts. Gaya ng sinabi ko sayo,Im involved with someone else."

"Pero hindi naman yan ang napag-alaman ko"

"Tinago lang kasi muna namin ang aming relasyon sa ngayon"

"At bakit naman? Is he a married guy?"

"Syempre hindi noh"

"My dear Garrie,parang hindi ka naman yata honest sakin"

"I'm not playing games with you Mr. Harlem"

"But you are"

She flinched ng hawakan nito ang buhok nya.

"Sinabi ko na sayo na nakakachallenge ka pag ganyan ka diba? Gusto kita Garrie,gustong-gusto..nandito ka naman lang,bakit nga ba hindi natin gawin ang dapat mangyari." sabi ni Brandon sa kanya.

"Hindi pwede ang gusto mong mangyari, because I‘m on my period." mabilis na sagot nya.

Pero tinawanan lang sya ni Brandon "Hindi naman ako ganon ka rude Garrie kung yon ang inaakala mo..Ang gusto ko lang sana mangyari ay ang ayain ka ng isang dinner date tonight."

"At pano kung hindi ako pumayag?"

"Pwes,hindi ka pwedeng umalis kapag hindi ka pumayag na maging ka date ko this Valentines day."

"Sir Brandon please,may importante talaga akong lakad ngayon. Besides,hindi ako interesado sa invitation mo."

Napatawa si Brandon ng hilaw at bigla nalang syang hinila nito at pinaupo sa couch. "Then I must regretfully insist. Inaya kita sa magandang paraan Garrie kaya wag mo akong sisihin kung anuman ang pwedeng magawa ko sayo."

Sa tono palang ng pananalita ni Brandon ay talagang galit na ito sa kanya. Alam nyang makukuha ni Brandon ang gusto nito,kung gugustohin talaga nya.

Nakikita na rin nya ang galit sa mga mata nito. Sya naman ay nanginginig na sa takot sa pinapakitang reaksyon ni Brandon sa kanya. Pero naisip nya na kahit anong mangyari ay ipagtatanggol talaga nya ang kanyang sarili sa mapangahas na lalaking kaharap.

"Hindi ako natatakot sayo Mr. Harlem"

Kumalma naman ang mukha ni Brandon sa sinasabi nya.

"Pasensya ka na Garrie sa mga nasabi ko sayo,gusto lang kasi kitang makasama ngayong araw."

"Kung ganon,hayaan mo akong tawagan ang kapatid at mama ko dahil alam kong sa mga oras na to nag-alala na ang mga yon sakin."

"Ang secretary ko na ang bahalang mag informed sa kanila. Now,shall we go?"

"Saan naman tayo pupunta?"

Hinawakan ulit ni Brandon ang siko nya,guided her toward the elevator. Bigla namang sumulpot yong dalawang bodyguard nya at hindi nya matukoy kung saan ang mga ito nanggaling.

"Patungo sa rooftop nitong hotel. Wag kang mag-alala isang restaurant ang pagdadalhan ko sayo. Doon kasi tayo maglalunch."

A public place meant safety,napag-isip nya. She sighed as a sign of relief. Atleast now,she could manage this,she could manage him. Ang pag-isipan nalang nya ay kung pano sya makawala kay Brandon at sa higpit ng bantay ng mga bodyguards nito.

*****

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height