You're Still My Man/C9 The Only Solution
+ Add to Library
You're Still My Man/C9 The Only Solution
+ Add to Library

C9 The Only Solution

GARRIE

Natameme sya sa sinabing iyon ni Red. hanodaw? pakakasalan nya ito? She felt the blood drain from her face,samantalang di naman nya makuhang galawin ang bibig nya upang sagotin si Red.

"Hindi naman tayo magsasama sa iisang kwarto" panigurado pa ni Red sa kanya."At magpapa annul rin naman tayo kung masisiguro na natin ang seguridad mo,dahil hangga't kasal ka sakin,pwede kitang maprotektahan."

"Protektahan" inulit nya ang huling sinabi sa kanya ni Red.

"Sa pagkakaalam ko,meron kasing sinunod na sariling code of ethics si Brandon. He won't touch another man's wife and another man's leaving,dahil para sa kanya -'ang sa kanya ay sa kanya lang'..at kahit paman kinaliwa nya ang asawa nya noon."

"May asawa na sya?" gulat na tanong nya.

"Noon,pero biyudo na sya ngayon"

"Anong nangyari sa asawa nya Vince?"

"Pinatay ang asawa nya."

"Papano?" biglang tanong nya kay Red at napaisip muna sya bago pa sya nakapagsalita ulit."Pano mo nalaman ang mga ito?"

"Trabaho kong alamin ang tungkol sa kanya..ang ibig kong sabihin,trabaho kong alamin ang profile nila bilang myembro ng club. Magtiwala ka lang sakin Margarette. Hindi ko hahayaan na may taong mananakit sayo,pinapangko ko yan."

"Kailangan ko ng katibayan Vince sa mga sinasabi mong yan"

He leaned forward."Katibayan?Hindi pa ba sapat ang katibayan na pinagbantaan ka ni Brandon? at isipin mo rin na hindi natin sya mapipigilan na pumunta sa restaurant dahil nga myembro sya ng club doon. Unless may gagawin syang labag sa polisiya ng club fama at mapatalsik sya doon. Pero kung mangyari man yon baka huli na."

"Kailangan ko ng katibayan Vince dahil alam ko na ang rumors ay minsan hindi totoo..Katibayan lang naman Vince ang hinihingi ko,dahil mas higit mo naman pala syang kilala kaysa sakin."

He sat back,seeming to relax."May kasabihan Margarette that 'an ounce of prevention is worth more than a pound of cure'. Inalok ko na sayo ang solusyon. Kung magpapakasal tayo,titigilan ka na nya at sa ganong paraan mapoprotektahan kita kung sakali lang naman. Pero mas mabuti pang pag-isipan mo muna yan."

Napapikit sya sa mga sinasabi sa kanya ni Red at hinimas-himas ang noo nya dahil biglang sumakit ang kanyang ulo.

"Kailangan ko munang uminom ng aspirin" sabi nya at tumalikod na ito kay Red.

Pumunta agad sya sa kusina upang makainom ng gamot. Pagkatapos nyang inomin ang dalawang tableta ng aspirin ay pumasok agad sya sa banyo at humarap sa salamin. Napaisip naman sya sa sinabi ni Red kanina. She was tempted to accept his offer,let Red handle everything and to take care of her. Natukso nga sya sa alok na yon pero ayaw din naman nyang basta-basta nalang pumayag.

Oo nangarap talaga sya na makasal sa lalaking mahal nya at yong mamahalin din sya ng wagas. She even dreamed walking down the aisle with him,pledging to love,honor and cherish him forever.

Nangarap rin sya na makatagpo ng isang lalaki na katulad ng kanyang pumanaw na ama,na mapagmahal at responsable. Higit sa lahat naniniwala sya sa iisang lalaki,iisang pag-ibig at sa iisang kasal na pang habang-buhay.At parte ng pangarap na yon ang isang makabulohang marriage proposal which her husband-to-be declared his undying love and devotion.

Kaya hindi talaga nya ma imagine ang sinabi ni Red kanina.

"Pakasalan mo ako"

"Pakasalan mo ako"

"Pakasalan mo ako"

Fantasy had no place in reality as of the moment,lalo na sa kasalukuyang sitwasyon na hinaharap nya ngayon.

Red wanted her to trust him but he did'nt trust her. Pano ba sila magkaroon ng temporaryong pagsasama kung wala naman silang tiwala sa isa't isa?

Just temporary. Nakatunganga lang sya ngayon sa sink. Ang totoo kahit na wala pa si Brandon,kahit na wala pa syang tiwala sa kanya or kahit na hindi sya nito mahal,gugustohin pa rin nyang makasal kay Red.

At last may label na rin ang relasyon nila at hindi lang ito basta label because they act as married couple kung papayag lang sya sa inalok na kasal ni Red. Abot kamay na nga nya si Red bakit pa nya tatangihan ito? Siguro kung mag-asawa na sila,she could use this time to create a home with him. They would share the same space,sabay na rin silang kumain at makapag kwentohan na sila ng matagal. Pero kung pumayag man sya,syempre hindi nya pwedeng sabihin kay Red ang rason nya. She needed his own fantasy of protecting her. Sa tingin nya tama rin naman si Red na baka nga tatantanan na sya ni Brandon once makasal na sila.

Sinuri nyang mabuti ang ayos nya sa salamin at sinuklay ang basang buhok. Perfect. Ngayon kailangan na nyang humarap ulit kay Red at kailangang ipakita nya nito na sa ganitong sitwasyon malakas sya at hindi mahina.

RED

Namalayan nalang nya na nasa likuran na pala nya si Garrie. Nasa malalim na pag-iisip kasi sya ng bumalik si Garrie,like imagining himself living with her. Hindi nya alam kung bakit nasabi nya yon,kung bakit sa lahat pa ng bagay kasal pa ang inalok nya kay Garrie bilang solusyon. Pwede naman nya itong e-convince na tumira muna sa safehouse.

Bakit nga ba yon ang nasabi nya? or dahil ayaw nya lang itong mawala sa paningin nya?

Pero sa nakikita naman nya sa mga mata ni Garrie,he can saw refusal on it,at parang nabigla nga sya sa sinabi nya kanina.

"Nagbago na ang isip ko Vince" biglang sabi ni Garrie."Sige,magpapakasal ako sayo ngayong gabi."

"Wag muna ngayon Margarette..kailangan muna nating paghandaan to,kailangang malaman ng mga tao na magpapakasal tayo,kung kinakailangan ipa published natin sa newspaper ang ating kasal gagawin natin yon,magpapagawa rin tayo ng mga wedding invitations.. At higit sa lahat kailangang malaman ni Brandon ang pagpapakasal natin."

"Kailangan muna itong malaman ng pamilya ko. At kailangan rin na ako mismo ang mag design para sa wedding gown ko, dahil alam ni Jastine na isa sa mga pangarap ko ang makapag design sa wedding gown ko.

"So kung ganon,kailangan mo ba ng sapat na oras?"

Lumapit si Garrie sa kalendaryo at binuklad nya ito.

"March 31. Siguro sapat na ang isang buwang paghahanda. Tapos na rin ang klase ko non at pwede rin natin ipalabas na mag ha-honeymoon tayo pagkatapos ng kasal. At isa pa,kailangan muna nating e-convince sina mama at Jastine na nag-iibigan talaga tayo,ng sa ganon maniniwala sila sa madaliang pagpapakasal natin."

"Ako na ang bahalang magbayad sa wedding gown mo Margarette at--"

Bigla namang naputol ang sasabihin nya ng mag interrupt sa kanya si Garrie.

"No,ako na ang magbabayad sa wedding gown ko Vince"

"Ako na kaya ang magbabayad Margarette,wala naman sigurong rule na dapat yong bride talaga ang magbabayad sa wedding gown nya."

"Base kasi sa mga nababasa kong wedding article,yong bride talaga ang magbabayad sa mga wedding gown nila..Hindi mo ba alam yon Vince?"

"Bakit ko naman malalaman yon?" at tinaasan nya ito ng boses."Hindi naman ako ikinasal noon"

"Pwes,ipaubaya mo nalang sakin ang wedding gown ko,meron din naman akong sapat na pera na ipang bayad eh."

"Pero--"

"Wala ng pero-pero Mr. Macho. Isipin mo nalang na ginawa mo yang pabor sakin. Magpapakasal ka sakin dahil gusto mo akong protektahan. Well,the least I can do is pay for it."

"Ahhmm..Margarette,kung yon talagang dream gown mo ang e-dedesinyo mo,pano nalang kung ikakasal ka na sa lalaking para talaga sayo?"

GARRIE

Parang may namuong luha sa kanyang mga mata ng sabihin yon ni Red. Pwede bang hayaan mo muna akong magpantasya Vince kahit ilang minuto lang? sabi nito sarili.

Naibagsak nya ang kalendaryo mula sa kinalagyan nito.

"Pagod ako Vince para pag-usapan ang mga yan. Pwede bang pag-usapan nalang natin ulit to bukas?"

Bigla namang hinawakan ni Red ang magkabilang balikat nya,turning her to face him. He lifted her chin,at sinuri yong mukha nya. Hindi sya makatingin ng diretso kay Red kaya sa halip ay tumingin nalang sya sa gilid ng mga mata nito. Pilit kasi nyang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang lumabas sa kanyang mga mata dahil ayaw nya itong makita ni Red.

"At sa palagay mo ba,basta-basta nalang kitang iiwan dito mag-isa?" sabi ni Red sa malumanay na boses.

"Diba sinabi ko sayo na hangga't maari poprotektahan kita. Bukas,papalitan natin ng lock ang pinto mo at meron din akong ipa install dito na security system. Kaya wag ka ng mag-alala at matulog ka lang ng maayos ngayong gabi, dahil dito lang ako at babantayan kita..So do you have any objections?"

Umiling lang sya,being relieved and comfortable at the same time. One pressure removed and one has gained. Sana ganito nalang habang-buhay,sabi nito sa sarili.

"Meron pala akong sofa-bed sa kabilang kwarto" yon lang ang nasabi nya."Teka kukunin ko muna yon para sayo."

"Ok lang sakin ang humiga sa couch Margarette kaya wag ka nang mag-abala pa.Bigyan mo nalang siguro ako ng unan at tsaka kumot."

Kumuha sya ng bedding mula sa kanyang closet at sinimulan na nyang lagyan ng bedding ang sofa na hihigaan ni Red. Samantalang aware naman sya na nakatingin lang sa kanya ang binata mula sa likuran nya. At pagkatapos nya itong ayosin,humarap naman sya kay Red.

"Salamat sa lahat Vince"

Tumango lang si Red bilang tugon. "Goodnight"

RED

Sinundan nya ng tingin si Garrie hanggang sa makapasok ito sa kanyang kwarto. Napabuntong-hininga na lamang sya,still fighting his need to take her in his arms,alam kasi nya na sa mga oras na to kailangan talaga ni Garrie ng isang tao na masasandalan.

Dali-dali nyang pinatay ang ilaw sa sala at agad nyang kinuha mula sa kanyang ankle holster ang nilagay nyang baril doon. Inilapag nya ito sa coffee table at tinakpan nya ito ng kumot. Lumapit naman sya sa may bintana para matingnan ang buong paligid sa labas.

Lumalalim na ang gabi at sa tingin nya ay baka tulog na nga si Garrie. Nasa harap sya ngayon sa pintuan ng kwarto ni Garrie dahil bigla nalang nyang naisipan na silipin ang dalaga habang ito ay natutulog. Maingat nyang pinihit ang seradura ng pintuan upang pagbuksan ito. Nang tuloyan nya itong mabuksan, sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng chamomile and it so relaxing. Don nalang nya na realized na nasa loob na pala sya ng kwarto ni Garrie.

GARRIE

Nararamdaman nyang may pumasok sa kwarto nya kaya nagkukunwari syang tulog. Naririnig rin nyang papalapit na ang mga yabag nito kaya bigla nalang syang kinabahan lalo na‘t umupo ito sa gilid ng kama. Nagkunwari syang gumalaw at nag-iba ng posisyon. Ngayon nakatagilid syang nakaharap sa taong nakaupo sa kama. Marahan nyang binuksan ang mga mata at tama nga sya ng hinala na si Red ang pumasok sa kwarto nya. Nakita nyang nagulat si Red pero nanigas pa rin ito sa kinaupoan nya. Bumangon naman sya para ilapat ang katawan nya sa katawan ng binata. Hinimas-himas nya ang muscles nito,pababa,pataas at nilalaro ng kanyang mga daliri ang maliliit na nipples nito habang hindi nya inalis ang mga titig kay Red. She followed an imaginary line from his throat to his navel and up to his back. Nararamdaman nyang mas lalong tumigas ang pangangatawan ni Red marahil dulot ito sa tinatawag na touch therapy. Pero bigla nalang syang natauhan sa kanyang ginagawa kaya madali nyang naitulak si Red.

"Sino ka ba talaga Vince?"gulat na tanong nya.

"Hindi ko alam kung bakit tinatanong mo yan"

"Kanina pa kitang minamanmanan Vince,pagkapasok mo pa lang sa kwarto ko." Tumikhim muna sya at nagpatuloy sa pagsasalita "Hindi ko ma imagine na ang tigas pala ng pangangatawan mo."

"Bakit hindi ka nalang nag model Vince kung binayayaan ka naman ng ganyan ka yummy na katawan,gaya nalang ng pangangatawan ng mga superheros sa pelikula" pabirong pahayag nya.

"I am what you see Margarette and I love what I'm doing."

"Mali ka Vince"

"Tama ang sinasabi ko sayo Margarette,at pwede bang wag mo akong gawin na parang isang fantasy hero or ang pinagpantasyahan mong model. Ang layo-layo ko sa kanila alam mo ba yon."

"Alam mo para kang status sa facebook,ang complicated mo,suggestion lang naman yon ang sa akin. Matipuno kasi ang pangangatawan mo kaya pwede kang mag model. Ma prinsipyo kang tao at parang alam mo ang lahat ng bagay,pero kontento ka lang sa ginagawa mo at kung ano ka ngayon."

"Wag mong pakunotin yang noo mo Vince dahil hindi naman yon isang puna kundi isang obserbasyon."

Tumigil muna sya sa pagsasalita para naman maka react si Red,pero ng hindi pa rin ito kumikibo ay agad nalang syang nagpatuloy sa pang aambush interview kay Red.

"Meron ka bang goals or mga pangarap sa buhay Vince? Kontento ka lang ba sa pagiging waiter mo?..sa palagay ko kasi marami ka pang kakayahan eh." sunod-sunod na tanong nya habang nilalaro nya ang mga daliri sa buhok ni Red. OMG! feeling close agad? sabi nya sa sarili. Napalunok naman sya ng kunin ni Red ang kamay nya and entwined his fingers to hers.

"Ginawa ko lang ang dapat kung gawin. Kaya ayokong magkamali sa mga desisyon ko. Ang pagpapakasal natin Margarette will be strictly in name only and do not try to change that,dahil masasaktan ka lang sa huli."

Kumalas naman sya sa pagkakahawak sa kanya ni Red and instead,she teasingly pressed her palm to his hardness.

"Ano naman ang gagawin mo nito?" pabulong nyang sabi.

"Kokontrolin" sagot ni Red at inalis nito ang kamay nya.

"Go to sleep Margarette and sweet dreams"

"Alam kong gusto mo rin ako Vince"

"Bakit ano bang gustong mong mangyari ha?” at inilapit ni Red ang mukha nito sa mukha nya."Wala lang yon para sakin Margarette."

"Hindi ako susuko sayo Vince"

"Sana respetohin mo rin ako Margarette,at wag mong gawin tong mahirap sakin. May limistasyon lang ang kontrol ko at gusto kong panatiliing malinis ang konsensya ko habang tayo'y magsasama. Im counting on you na hindi mo na uulitin yon."

"Hindi talaga kita maintindihan Vince"

"Para rin yan sa kapakanan mo Margarette"

RED

Hindi nakaimik si Garrie sa huling sinabi nya kaya tinalikuran na nya ito at agad syang lumabas sa kwarto.

Humiga sya sa sofa at pinilit nyang ipikit ang mga mata. Pabalik-balik kasi sa isipan nya ang ginawa sa kanya ni Garrie. Ni hindi nya ma imagine na ganon pala ito ka agresibo. Atleast ngayon alam na nya."Sabi ko na nga ba,makamandag talaga ang babaeng yon"sabi nito sa sarili. Pero ang totoo,gustong-gusto talaga nya ang mga ginagawa ni Garrie sa kanya.

*****

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height