+ Add to Library
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 PROLOGUE

SHINEITTHE's POV.

"Aray!" Mahinang sabi ko habang nakatitig ng masama sa lalaking pumatid sa akin. "Anong kasalanan ko sayo at ginawa mo sa'kin iyon?" Kalmadong tanong ko rito. Sanay na ako na kahit nakikipag-away ay nananatili parin akong kalmado.

"Gusto kong gawin eh, may magagawa ka ba?" Maangas na sagot ng lalaking nasa harapan ko ngayon.

Andami nang nakatingin sa amin, karamihan sa kanila ay nagbubulong- bulungan pa. May mga kasama pa siyang dalawang mga lalaki na sa tingin ko ay mga kaibigan niya.

"Ah ganon pala hah!" Maangas na sabi ko tsaka ko siya dinapuan ng malakas na suntok sa kanyang labi dahilan para magsigawan ang mga tao sa paligid namin, tila ba hindi sila makapaniwala sa aking ginawa. Ang iba naman ay pasimpleng natawa.

Heto ako nakatayo lang sa harapan ng lalaking tinutulungang patayoin ng mga kaibigan niya.

"Bakit mo yun ginawa? Nahihibang kana ba? Hindi mo ba ako kilala?" Galit na tanong nito sa akin. Parang gusto ko na lamang matawa dahil sa mukha niyang tila ba nangangamatis na dahil sa inis.

"Anong magagawa mo eh gusto kong gawin? Nagawa ko na eh may magagawa ka ba?" Pang-aasar ko. " Tsaka hindi kita gustong makilala. Ano ka sinuswerte para pag-aksayan ko ng oras at atensiyon?" Sabi ko, na talagang diniinan ang salitang oras at atensiyon.

Magsasalita pa sana siya ngunit nagsimula na akong maglakad paalis sa pwesto ko kanina.

Habang naglalakad ako ay madami paring mga mata ang nakatitig sa akin,siguro kung nakakamatay ang masamang titig ay kanina pa ako pumanaw.

Nagtungo ako sa library dahil alam kong nandoon ang isa kong kaibigan na si CRIZA ME VENDE. Siya ang pinakapandak sa aming magkakaibigan ngunit siya ang pinakamatakaw sa pagkain. Yung tipong kakatapos pa lamang niyang kumain eh gutom na naman siya. May maiksi siyang buhok, matangos na ilong, maputi, actually lahat naman kaming magkakaibigan ay mapuputi. Madaldal din siya pero medyo mataray din kagaya ko at higit sa lahat matalino siya.

"Andito ka pala, tara na sa cafeteria gutom na ako, baka andun na din yung dalawa" bungad niya agad sa akin. Oh diba? Kita niyo na puro pagkain nasa utak neto.

"Tara. Ako din gutom na, nagutom ako bigla dahil sa nangyari kanina" walang gana kong sambit. Siya naman itong napatigil at tumingin sa akin na tila ba nagtatanong.

"Sasabihin ko nalang mamaya sa cafeteria,tara na." Dagdag ko.

Andito na kami ngayon sa cafeteria at kasama na din namin ang dalawa pa naming mga kaibigan. So heto kami ngayon kinukulit nila akong sabihin kung ano bang nangyari kanina.

"Ano na Shineitthe? Curious ako kung ano bang nangyari kanina" saad ni Zeiana with matching nagpapacute ang mukha tsk.

"Oo na sasabihin ko na" Sabi ko. Inirapan ko muna sila bago ako magsimulang magkwento.

"Ganito kase yun, habang naglalakad ako kanina nakatingin ako sa hinahawakan kong wattpad book tapos bigla nalang may isang lalaking pumatid sa akin. Sino ba naman ang hindi maiinis diba?" Kalmadong sabi ko.

Habang nag-uusap usap kami ay biglang may nagtapon ng tubig sa aking damit. Itinaas ko ang aking paningin at hindi nga ako nagkamali. Siya na naman, ang unggoy na nakaaway ko kanina.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko habang pinupunasan ang damit kong nabasa.

" You! You are the problem!" Mataray na sagot niya sa aking sinabi.

" Huwag mo akong ma english english diyan dahil sayang lang din laway mo. Anong mapapala ng pag-english english mo kung hindi ko naman naiintindihan?" Sabi ko pero hindi totoo yan hah. Matalino kaya ako, sinabi ko lang yun para maasar siya.

"So inaamin mong bobo ka nga?" Tatawa-tawang saad nito.

Andaming nagsitigil sa pagkain at halatang nanonood sa amin.

"Pake mo kung bobo ako? Ikaw nga tanga tsaka pangit pero hindi ko pinagkalat." Kalmadong sagot ko. Bakas sa kanyang mukha ang pagkainis dahil sa sinabi ko.

"Ang lakas ng loob mong pagsabihan ako ng pangit without knowing na lahat ng mga babae dito may crush sa-" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at ako naman ang nagsalita.

"For your information hindi lahat. Dahil hindi naman kita gusto. Ampanget mo na nga lang, ampanget pa ng ugali mo nakakasuka." Sabi ko na dahilan para magtawanan ang mga tao dito sa loob ng cafeteria.

"Alam mo ikaw kanina pa ako napipikon sayo" akmang itatapon na niya ang spaghetti sa akin ng bigla siyang awatin ng isa sa mga kaibigan niya.

"Enough pre! Babae yan, huwag mo nang patulan." Sabi netong medyo gwapo din huh.

"Huwag ka ngang makialam Xavier." Sigaw ni unggoy.

"Alam natin pre na ikaw ang naunang nagsimula nito kaya siguro walang may gustong magpatalo sa inyo." Dagdag pa ng isa nilang kaibigan.

Walang nagawa si unggoy kundi ang tumalikod na at magsimulang maglakad. "Tsk! Talo haahahah" pabulong na saad ko. Lumingon pa siya muli sa akin bago nagpatuloy sa paglalakad.

Buti pa yung mga kaibigan niya kahit papano may mga puso, eh yung engot na yun kinulang nalang sa buntot para magmukhang unggoy.

Hindi ko naman siya kilala pero ang lakas ng trip, at ako pa talaga ang napili niyang kalabanin. Bakit ba ganito na ang mga tao ngayon? Kahit wala kang ginagawang masama sa kanila eh ang sasama parin ng trato sayo.

"Are you okay?" Tanong ng mga kaibigan ko na halatang nag-alala.

" Okay lang, parang hindi naman kayo sanay sa mga nangyayari." Sabay upo sa aking upuan.

" Mauna na kayong kumain,punta lang ako sa CR para makapagpalit ng damit" sabi ko tsaka tuluyang nilisan ang cafeteria.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height