+ Add to Library
+ Add to Library

C3 CHAPTER 1

LAWRENZE POV.

Hindi ako makapaniwala na yung babaeng yun pa ang kinampihan ng mga kaibigan ko nakakainis.

"Bakit mo ba ginawa yun pre?"

"Oo nga pre wala namang kasalanan sayo yung tao" so ayun sinesermonan na naman ako ng mga mokong kala naman nila papakinggan ko sila tsk.

"Ano bang problema niyo kung gusto kong pagtripan yun? Teka nga type niyo ba yun?" Inis na tanong ko sa kanila.

" Hindi ah" sabay-sabay nilang sagot

Kung maka react naman sila kala mo may tinatago.

"Ano tara na? Baka mapagalitan tayo kapag nalate tayo sa klase, mala dragon pa naman yung professor natin." Tatawa-tawang sabi ni Alexander.

Naglakad na kami patungo sa aming silid, as usual madaming nakatingin sa amin pero wala akong pakialam sa kanila.

"Bakit late kayong tatlo?" Mataray na bungad ng bakla naming professor pero ako dere-deretso lang sa pag-upo.

"Sorry sir hindi na po mauulit" ani Xavier.

"You may take your seat! First day na first day late kayo." Galit na sambit nito.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagpapakilala sa aming sarili ay biglang may apat na babaeng bumungad. At mas lalo pa akong nainis ng makita ko ang isa sa kanila.

Napatayo ako sa kinauupuan ko "Don't Tell me kaklase namin ang isang yan" inis na sabi ko sabay turo sa babaeng panget na kaaway ko.

"May problema ka?" Maangas naman na tanong niya pabalik sa akin. Argh umiinit tuloy ulo ko. Talagang napakataray ng babaeng ito.

"Bakit ka ba nandito? Sinusundan mo ba ako?"

" At bakit naman kita susundan? Ano ka cellphone kong nawawala? Asa ka ampanget mo nam-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil umawat na ang professor namin.

"Enough! Magkakilala ba kayo at ganyan nalang kalaki ang galit niyo sa isa't-isa?" Galit na tanong nito.

" Ikaw nga hindi ko kilala pero ang lakas ng loob mo para sigawan ako." Sagot netong mataray na kaaway ko pero walang nagbago sa mukha niya, kalmado parin siya.

"What did you say Miss?" Professor namin

"Kayong tatlo pumasok na kayo at kayong dalawa umalis kayo sa klase ko ngayon din!" Utos nito pero hindi ko siya pinakinggan bagkus ay umupo ako.

"Lagot" bulong ng isa naming kaklase.

"Ako pinapaalis mo? Eh kung ikaw kaya paalisin ko dito sa school may magagawa ka ba?" Kalmadong tanong ko, napatahimik siya at halatang nagtataka kung bakit ko iyon sinabi.

"Hindi mo ata kilala kung sinong binabangga mo" dagdag ko pa rito.

" Hindi ka naman niya binabangga, ang layo mo sa kanya para mabangga ka niya." Singit ng babaeng kinaiinisan ko.

" Pwede ba huwag kang pasulpot-sulpot hindi naman ikaw ang kinakausap ko eh!" Inis na sigaw ko rito. Ni hindi man lang nagbago ang reaksiyon niya, nananatili parin ang mukha niyang kalmado.

"Enough Shineitthe, huwag mo nang patulan yan wala ka namang mapapala." Awat ng kaibigan niyang pandak.

" Sorry Mr. Colden but may i know you?" Ani professor.

Tumayo ako ng maayos at pasimpleng inayos ang suot bago magsalita.

"Let me introduce myself. I'm Lawrence Colden, the son of the owner of this school kaya kung ayaw mong ipatanggal kita umayos ka." Cold kong sabi.

" Owk-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla ulit magsalita itong nakakainis na babae.

"Excuse me, anak ka lang ng may-ari nitong school kaya ikaw ang umayos." Sambit niya habang nilalaro niya ang isang ballpen sa kanyang kamay. Dahil sa kanyang sinabi ay muli akong nainis. Tatayo na sana ako para harapin siya pero umawat muli ang aming professor pati na ang mga kaibigan ko.

"Introduce yourself one by one."

Madami nang natapos hanggang sa nakarating na kay Xavier ang pagpapakilala.

"Xavier Bentley, 17 years old. Treat me well and I'll treat you better. Ako lang naman ang pinakagwapo sa balat ng lupa." Pagpapakilala niya habang inaayos ang kanyang buhok. Napangiwi na lamang ako sa sinabi niya.

"Alexander Sebastian, ang pinakahot sa balat ng lupa na ni isa ay walang makakatalo. I'm also 17 years old kaya kayo girls kung manliligaw kayo siguraduhin niyong madami kayong chocolates na ibibigay sa akin." Mahanging sabi nito habang nakatingin sa mga kaklase naming mga babae. Pagkaupo niya ay binatukan ko siya.

"Aray pre! Anong problema mo at nambabatok ka?" Reklamo niya. Hindi na ako muling nagsalita pa at walang sabi-sabing tumayo at nagpakilala.

"Well, nagpakilala na ako sa inyo kanina. Ang dalawang mo'kong na ito sila lang naman ang mga alalay ko." Maangas na saad ko.

" What?"sabay nilang sabi na ang mga reaksiyon ay parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa reaksiyon nilang dalawa ngunit nanatili akong kalmado.

"Criza Me Vende. Isang babaeng kayang magpatumba ng lalaki kung kinakailangan. So be nice to me if you want me to be nice with you too. I'm 16 years old ang pinaka bata sa aming magkakaibigan." Simpleng pagpapakilala nito, pagkatapos ay umupo na.

Heto na, si mataray na ang magpapakilala.

"Shineitthe Rezii Heñeza. Ayoko sa mga bully dahil hindi ako magdadalawang isip na kalabanin kayo. Oo isa lang akong babae ngunit kaya kong magpatumba ng lalaking walang modo. 17 taong gulang lamang ako ngunit kahit sino ka pa kung kinalaban mo ako hinding-hindi kita uurungan." Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Shineitthe pala ang pangalan ng maangas na ito. Siya pa lamang ang naglakas loob na kalabanin ako. Ang nakakainis pa ay babaeng katulad niya ang kumalaban sa akin, madami na akong binully ngunit ang isang to ang kakaiba.

"Zeiana Santos, 17." Maiksing saad ng babaeng maputi na medyo matangkad pero mas matangkad si Shineitthe. I think siya ang pinakatahimik sa kanila.

Sunod naman na nagpakilala ang babaeng may mahabang buhok.

"Micx Larabee 17 years old. I don’t care what you think about me. I don’t think about you at all."

Madami pang nagpakilala at dahil sa tagal ng pagpapakilala namin ay natapos na ang klase na puro pagpapakilala lang ang nangyari. Wala man lang naituro ang baklang ito.

"Class dismissed." Nagtayuan na ang lahat habang nagliligpit ng kani-kanilang gamit.

Sa wakas natapos na naman ang araw ng klase.

Nakaisip ako ng kalokohan. Tumayo na si Shineitthe, pasimple din akong naglakad. Dahan dahan kong inilagay ang paa ko sa kanyang harapan upang sana mapatid siya ngunit dali-dali niya akong sinipa dahilan para bumagsak ako sa sahig.

"WAHAHAHA! PRE ANONG GINAGAWA MO? HAAHAHAHAH." Tawang tawang sabi ni Xavier. Bwisit!

Tumayo ako at hinarap si Shineitthe. Hinawakan ko ang damit niya na parang lalaki pero hindi man lang nagbago ang reaksiyon niya. Walang kung anong inis o takot na mababakas sa kanyang mukha.

"Talaga bang hindi mo ako titigilan?" Cold na tanong niya.

" Hind-" hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil bigla niya akong sinapak dahilan para mapaupo ulit ako.

"Sinimulan mo ako kaya ngayon ako ang tatapos." Ani Shineitthe, ngayon ay halatang galit na ang kanyang boses kaya napalunok ako. Para bang kinakabahan ako sa naging reaksiyon niya.

Akmang susuntukin pa sana niya ako ngunit pinigilan siya ng mga kaibigan niya. Tsaka sila umalis.

"Pre ok ka lang?"

"Hindi niyo ba napansin? Kakaiba ang babaeng iyon. Siya pa lamang ang naglakas loob na kalabanin ang isang Lawrence Colden." Ani alexander habang tinutulungan niya akong tumayo.

"Tara na. Punta tayo sa bar ngayon libre ko." Sabi ko sa kanila. Kita ko pang nagkatitigan ang dalawa pero hindi ko na sila pinansin bagkus ay naglakad na ako palayo sa kanila.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height