C13 KABANATA 13
Seryoso siya sa ginagawa niyang reports nang bigla siyang kausapin ni Mrs. Dominguez. Wala na naman kasi si Clayton sa office.
" Alam mo ba'ng kinausap ni Clayton ang lahat ng tauhan sa labas?" panimula nito.
Clayton lang ang tawag nito sa lalaki kapag walang ibang nakakarinig sa kagustuhan na rin ni Clayton.
Napatigil siya sa ginagawa niya at napatingin sa matanda