+ Add to Library
+ Add to Library

C2 KABANATA 2

Alas dose ng gabi ang schedule ng pagsasayaw niya gabi-gabi. Sinusundo siya ng taxi sa mismong bahay ng baklang among tinutuluyan nilang mag-ina. Ala-una siya laging natatapos at hinahatid din siya ng taxi uli pauwi ng bahay. Ang kliyente niya ang laging nagpapatawag ng taxi na maghahatid-sundo sa kanya gabi-gabi. Sa isang condo na malapit lang sa kanila ang laging pinagdadalhan sa kanya ng taxi. Sa limang buwang pagsasayaw niya rito ay hindi pa niya nakita ang pagmumukha nito. Ang inaasahan niya talaga ay isang matandang lalaki na may malaking tiyan ang magiging private client niya. Sa postura ng lalaki ay halatang inaalagaan nito ang pangangatawan. Ni hindi niya alam ang pangalan nito, lagi lang itong tinatawag ni Diva na Mr. MC.

Hindi rin sila nagkakausap kahit kailan. Ang trabaho niya lang talaga ay sayawan ito at pagkatapos ay umaalis na ito agad at hahayaan na siyang magbihis sa kwartong may nakahandang munting stage para sa pagsasayaw niya. Walang kama sa kwartong iyon. Tingin niya ay pinasadya pa talaga ng lalaki ang kwartong iyon para magkaroon siya ng munting entablado na pagsasayawan niya.

Hindi niya pinagsisihan ang desisyon dahil malaking tulong talaga ang perang kinikita niya sa pagsasayaw lang dito. Nakakakuha na siya ng physical therapist ng inay niya. Sa susunod na linggo rin ay lilipat na sila sa sarili nilang matutuluyan dahil nahihiya na siya kay Diva at sa partner nitong si Jeremy. Tumanggi pa ito nang magpaalam siyang lilipat na sila ng ina niya pero naiintindihan nito ang desisyon niya.

Nakalipat nga sila ng ina niya sa isang maliit na bahay na nirerentahan lang din nila. May dalawang kwarto iyon at maliit na sala at kusina. Ang physical therapist na babaeng kinuha niya ay pumupunta sa bahay nila ng alas otso ng umaga at umuuwi ng alas singko ng hapon. Tahimik naman ang lugar na iyon kaya't hindi siya masyadong nag-aalala kapag naiiwan niya ang ina nang mahigit isang oras kapag sumasayaw siya kay Mr. MC. Nakita niya ang malaking improvement sa mga kilos ng ina mula nang kumuha siya ng professional na tulong para rito.

Tuwing Sabado ay pumupunta siya ng Mall para bumili ng mga kakailanganin nila sa bahay. Routine na niya iyon. Kabaliktaran naman ang mga suot niya kapag hindi siya nagsasayaw. Lagi na ay balot ang katawan niya. Paborito niyang suot ay ang mahabang damit na hanggang sakong-sakong niya. Alam niyang mukhang Manang ang mga damit niya pero hindi pa rin noon naitatago ang angkin niyang ganda kaya't marami pa rin ang napapalingon sa kanya kahit mukhang pangmatanda ang mga suot nya.

Kasalukuyan niyang bitbit ang limang packs ng sanitary napkin at papunta sana siya malapit sa cashier para kumuha ng trolley basket na mapaglalagyan ng mga bibilhin niya nang biglang may bumangga sa kanya. Nabitawan niya ang mga bitbit kaya't agad siyang yumuko para pulutin ang mga iyon.

" Oh! I'm sorry, Miss," hinging paumanhin ng lalaking nakabangga sa kanya. Yumuko rin ito para tulungan siya sa pagpulot.

Namumula ang mukhang kinuha niya ang inabot nitong napkin.

"Okay lang. Salamat," sagot niya na hindi tumitingin dito.

" Ahm, Miss, tulungan na muna kitang bitbitin iyan baka mahulog mo uli," alok ng lalaki.

Bumaling na siya rito para tanggihan ito. Nakita niya na parang natigilan ang lalaki na napatitig sa mukha niya. Napatitig din siya sa gwapong mukha nito. Tingin niya ay hindi nagkakalayo ang edad nila.

" Kaya ko na ito," sagot niya nang hindi na nagsalita pa ang lalaki.

" No, I insist," sagot nito at kinuha nga ang ibang dala niya at sinamahan siya sa pagkuha ng trolley basket.

" Salamat," nakangiting bumaling na uli siya rito nang mailagay ang bitbit niya kanina sa loob ng basket.

Ngumiti ang lalaki at mas lalo itong naging gwapo sa paningin niya.

" I'm Red, by the way," pagpapakilala nito na inabot pa ang kamay sa kanya.

" Sam. Samantha," matipid na sagot niya at nakipagkamay din dito.

Naramdaman pa niya ang pagpisil nito sa kamay niya bago iyon bitiwan.

" Can I ask for your number?" ngumiti pa ito na parang nagpapa-cute sa kanya.

Matagal na pinagmamasdan niya lang ang nakangiting mukha nito. Nagdadalawang isip siya pero sa tingin naman niya ay mukha itong mabait kaya't pumayag na rin siya. Ibinigay nito ang phone nito sa kanya para ma-save niya ang number niya roon. Nakangiting kinuha nito ang phone nang ibalik niya.

" Okay, I'm going to save it and put your name as Nap," nangingislap ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

" Nap?" nagtatakang tanong niya.

" Short for napkin. Kung hindi pa dahil sa mga bitbit mong iyan ay baka hindi pa kita nakilala," nakatawang sabi nito.

" Hoy, ang bantot naman pakinggan," nakatawa na ring sabi niya.

" No, it's cute," sumeryoso nang sabi nito.

Napatingin ito sa relo nito saka tumingin sa kanya.

" Oh, no! Malalagot ako nito kay Kuya. I'm going to call you later, if it's okay? Aalis na muna ko dahil baka namuti na ang mga mata ng bossy kong kapatid," tumawa pa ito pagkasabi nu'n.

" Okay," kiming ngumiti na rin siya sa lalaki.

Tumalikod ito pero humarap uli.

" Nice meeting you, Nap," nanunukso ang mga matang sabi nito saka nagmamadali nang tumalikod at umalis.

Napapailing na nangingiti na rin siya habang sinusundan ng tingin ang papalayong lalaki.

Tumawag nga ito kinagabihan bandang alas diyes ng gabi. Palabiro ito kaya't masaya itong kausap. Hindi niya tuloy namamalayan na malapit nang mag-alas onse. Kailangan niyang maghanda para sa trabaho nya kay Mr. MC.

" Red, tawag ka na lang uli bukas may gagawin pa kasi ako," napipilitang paalam niya rito.

" What are you going to do at this hour?" tanong nito.

" Ahm, kailangan ko pa kasing asikasuhin ang inay ko. Na-mild stroke kasi siya," sabi niya lang dito dahil tinitingnan niya naman talaga ang ina bago siya maligo at bago siya sunduin ng taxi.

" Oh, I'm sorry to hear about your Mom. Okay, good night then."

" Thank you. Bye, Red. Good night," agad na ibinaba niya ang phone.

Dumiretso siya sa kwarto ng ina at inayos ang kumot nito. Mahimbing na itong natutulog. Mabilis na naligo siya at nagbihis. Lumalabas siya lagi na naka-jacket at pantalon. Dinadala lang niya ang damit na susuotin niya sa pagsasayaw. Ang mga sexy na damit at underwear na sinusuot niya ay bigay lahat ni Diva.

Bago pa man dumating ang taxi ay naka-ready na siya. Muli ay hinatid siya ng driver sa isang condo. Nasa 10th floor ang kwartong pinupuntahan niya gabi-gabi. May susi na siya ng kwarto at lagi ay wala ang lalaki doon pagdating niya dahil hinihintay lang nitong patunugin niya ang phone nito para ipaalam na handa na siya at saka lang ito pumapasok.

Nagbihis siya sa banyo ng kwarto. Isang manipis na nighties ang susuotin niya nang gabing iyon. Request nito iyon. Madalas din kasi siya nitong binibigyan ng mga susuotin niya sa pagsasayaw. Ang nighties na susuotin niya nang gabing iyon ay binigay nito kagabi pagkatapos ng trabaho niya. Pinapadalhan siya nito ng text sa mga requests nito. Never pa niya talagang narinig ang boses ng kliyente niyang ito.

Nag-text ito na huwag siyang magsuot ng bra. Kahit naiilang ay sinunod niya ang kahilingan ng kliyente. Ang underwear naman na ipapasuot sa kanya ay T-back na itim. Manipis na manipis ang tela ng puting nighties kaya't alam niyang maaaninag ang mga dibdib nyang walang bra na nakatakip.

Brand new ang mga binibigay nito sa kanya at lagi ay mamahalin at sikat na brand. Ayaw nitong maglagay siya ng make up kaya't tanging lipsick lang ang kolorete niya sa mukha. Pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin. Kahit sino'ng lalaki nga ay maaakit sa inosenteng mukha niyang iyon. Tayong-tayo ang mga malulusog na dibdib niya na bakat na bakat ang nipples sa suot.

Ang undies niya naman ay halos iyong hiwa na lang ng ari niya ang tinatakpan. Dahil hindi niya naman nakikita talaga ang mukha at reaksiyon ng kliyente ay hindi na siya gaano'ng nahihiya. Noong una ay halos ayaw niyang lumabas ng banyo kapag suot niya ang mga ganoong damit pero sa limang buwan na lagi nang ganu'n ang ginagawa niya ay nasasanay na rin siya.

Lumabas na agad siya ng banyo. Nagulat pa siya dahil hindi pa man niya pinindot ang number ng phone nito ay andun na ito sa upuan at nakaupo. Halatang hinihintay na siya. Suot uli nito ang mask at isang sweatshirt na may Bugs Bunny. Hindi niya alam kung ilang sweatshirts nito na ganu'n ang design pero pare-pareho ang mukha nu'n at kulay lang ang nag-iiba. Nakita niyang may hawak na isang baso ito na may lamang alak.

Napalunok pa siya nang pumunta sa harap nito. Pwede rin siyang mag-pole dancing sa stage na iyon kapag gugustuhin niya. Makailang ulit na rin niyang sinubukan iyon. Bigla ay nagsimula na ang tugtog na sasayawin nya. Ito lagi ang namimili nu'n.

Sinimulan na rin niyang igalaw ang beywang nang dahan-dahan. Hindi niya inaalis ang tingin dito. Iyon ang natutunan niya sa ibang dancers ng bar. Mas gusto raw ng mga lalaki ang eye to eye contact kapag inaakit mo ang mga ito. Habang gumigiling sa nakakakiliting tugtugin ay nararamdaman din niya ang pag-alog ng mga suso niya. Sinisimsim ng lalaki ang alak sa baso habang nakatitig sa kanya.

Dumako ang kamay niya sa leeg niya habang tumitingala. Inaawang pa niya ang mga labi habang naglalakbay ang mga kamay sa katawan niya. Maingat na dinakma niya ang dalawang suso at pinisil-pisil ang mga iyon. Sinabayan niya iyon ng ungol. Payo ni Diva ay kailangan din niya ng mga paungol effect para ganahan ang kliyente niya. Nilalamas niya ang malalambot na dibdib habang nilalakasan ang ungol.

Dumilat siya at nakita nga niya na parang hindi mapakali ang lalaki sa inuupuan nito. Ibig sabihin nu'n ay nalilibugan na ito sa sayaw niya. Tinukso pa niya ito lalo. Lumapit siya sa pole at idinikit ang parang tumitibok-tibok na hiyas sa gitna ng mga hita niya. Hindi niya alam pero parang nagsisimula na ring bumasa ang parteng iyon sa ginagawa niya. Humawak siya sa pole at ikinikiskis ang sarili lalo na ang ibabang bahagi ng katawan sa malamig na pole. Para siyang nakikipagtalik du'n.

Tinungga ng lalaki ang lahat ng laman ng baso at inilagay iyon sa mesa sa gilid nito. Ang isang daliri nito ay nasa labi na nito at humahawak-hawak du'n habang nakatitig sa ginagawa nya. Bigla siyang tumalikod at tumuwad at hinihimas ang binti nya pataas sa dalawang hita. Alam niyang kitang-kita nito ang maumbok nyang puwet na hindi kayang takpan ng T-back na suot.

Umupo siya sa sahig at ini-imagine na ang lalaki ang inuupuan niya gaya ng mga nakikita nya sa porn. Pinilit niya talagang manood nu'n nang tanggapin niya ang trabahong iyon. Iniangat niya ang balakang habang nakahawak sa sahig ang dalawang kamay. Naisip niyang mas maganda yata na nakaharap siya sa lalaki kapag gagawin iyon kaya't tumayo siya uli at saka dahan-dahang umupo sa sahig. Iniisip nyang katawan nito ang inuupuan niya. Humawak na uli siya sa sahig habang nakaangat ang balakang. Maya-maya ay gumagalaw na ang katawan niya na para bang may aring nakapasok sa loob niya. Kinakagat niya ang pang-ibabang labi habang nakapikit at gumiling-giling nang dahan-dahan.

" Ungghhh...Ohhhh..." sinasabayan niya rin ng ungol ang bawat galaw niya.

Binabasa na niya ng laway ang parang nanunuyong mga labi. Ramdam niya ang pag-iinit ng katawan.

" Damn!"

Napadilat siya nang marinig ang mahina pero marahas na boses ng kliyente. Iyon ang unang beses na narinig niya ang boses nito. Paos na paos ang dating nu'n sa pandinig niya. Nakita niyang nakaupo pa rin ito. Itinuloy niya ang pagsasayaw. Bigla siyang humiga sa sahig. Nakaangat ang dalawang hita niya. Muli ay pinaglakbay niya ang mga kamay sa katawan. Nilalamas niya uli ang mga dibdib. Sarap na sarap siya habang ginagawa niya iyon kaya't kusa nang humuhulagpos ang mga halinghing sa bibig niya. Naging mas mapangahas siya at bumaba ang kamay niya sa bandang tiyan. Never pa niyang ginawa ang gagawin niya sa loob ng limang buwan niyang pagsasayaw sa harap nito. Baka darang na darang na siya kaya't kusang dumausdos pababa ang isang kamay niya at sinalat ang hiwa niya.

Awtomatikong napaangat ang katawan niya nang masalat ang namamasang pagkababae. Alam niya ang ibig sabihin nu'n dahil laging tungkol sa sex ang pinag-uusapan ng mga dancers sa bar. Bumangon siya uli pero nanatiling nakaluhod sa sahig. Alam niyang parang nagliliyab ang mga mata niya habang hindi inaalis ang tingin sa lalaking nasa harap niya. Ipinasok niya ang kamay sa loob ng undies.

" Ungghhh... Ahhhh!" hindi niya mapigilang mapaungol nang hawakan ng daliri ang namamasang bukana ng ari niya. Mariing napapapikit pa ang mga mata niya sa ginagawa.

Napadilat uli siya nang biglang lumikha ng ingay ang upuan ng lalaki. Nakikita niyang parang hinihingal na ito sa kinauupuan. Para siyang nahihimasmasan sa ginagawa kaya't tumayo siya uli at sumayaw.

Hinayaan niyang umalog-alog ang mga dibdib habang kumikembot ang beywang. Hind na niya tinangka pang hawakan ang nasa pagitan ng mga hita niya. Baka kasi ay hindi na niya mapigilan ang sarili at biglang ilabas-masok ang daliri sa loob ng kaselanan niya.

Nag-pole dancing na lang siya hanggang sa tuluyang tumigil ang tugtog. Isang oras kasi lagi ang non-stop music na pinapatugtog nito. Iyon ang nagsisilbi nilang timer.

Mabilis na umalis siya sa harapan ng lalaki. Nang makapasok siya ng banyo ay biglang tumunog ang phone niya. Binasa nya ang text na natanggap.

THAT WAS INTENSE! I JUST SENT A BONUS TO YOUR BANK ACCOUNT

MC

Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa at agad na tiningnan ang account online. Nakita nga niya doon ang fifty thousand na nilagay nito. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nang mga sandaling iyon. Nag-reply na lang din siya sa kliyente.

THANK YOU, MR. MC

Naghintay siya saglit kung may matatanggap uling reply galing dito pero wala na siyang natanggap. Nagbihis siya kaagad. Gagamitin niya ang pera para sa mga gamot ng ina at buwanang bayad sa PT nito.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height