C22 SPECIAL CHAPTER 2: CLAYTON'S POV
Hindi niya magawang kontakin muli si Faith nang ilang araw.
Galit siya at hindi niya alam kung kanino niya ibubunton ang galit niyang iyon. Hindi niya naman masabi sa kapatid niyang si Red ang pinag-awayan nila ni Faith. Ayaw niyang isali pa ito sa problema niya lalo't nag-aaral pa ang kapatid niya.
Hindi na rin naman tumawag or nag-text man lang si Faith sa kanya