I'm NOT That Girl/C1 I'm NOT That Girl
+ Add to Library
I'm NOT That Girl/C1 I'm NOT That Girl
+ Add to Library

C1 I'm NOT That Girl

SABRINA

"Ano ba kasi 'yong bibilhin mo at kailangan ko pang sumama?" nasusungot kong tanong sa pinsan ko.

Pinilit kasi akong sumama sa kanya dito sa mall kahit may mas importante akong dapat asikasuhin. Tapos ayaw niya pang sagutin 'yong paulit-ulit kong tanong kanina pa.

Ayaw niyang sabihin kung anong bibilhin niya. Argh! Nagsasayang lang ba ako ng oras dito sa pagsama sa kanya?

"Hay, gagi naman, ate Sab. Ang kulit mo rin, eh, 'no?" sagot niya sa nasusungot ding tono. Wala sa'kin ang tingin niya kundi nasa paligid.

Anong karapatan niya, ha?

Kamuntikan pang ikahulog 'yon ng panga ko.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at napipilitan naman akong sumabay. Palinga-linga siya sa paligid habang napapakamot pa ng ulo. Dahil sa dami ng tao sa mall, minsan hinahawakan ko pa siya para iiwas na mabangga sa mga taong nakakasalubong namin. Wala lang sa sarili, eh.

Noong nasa isang maluwag na hallway ng mall na kami, humalukipkip ako.

"Huwaw, at talagang galit-galitan ka rin? Ano ba naman 'yong sagutin mo nalang 'yong tanong ko. Ikababawas ba 'yon ng laway mo? Hindi naman, 'diba?" and I tsk-ed. I know late pero malutong pa rin 'yong sagot at tono ko, 'diba? Yes naman!

Huwag kalimutan, pati 'yong pa-tsk at pa-rolled eyes din.

Napatigil siya sa paglalakad at humarap sa'kin. Nag-iba 'yong expression ng mukha niya. Hindi ko naman mapuna anong meaning kaya nagtatanong na tinignan ko nalang siya.

"Kasi... Uhm... W-Wait... Pa'no ba 'to...?" putol-putol niyang sabi habang kinakagat ang kuko ng daliri niya. Malikot din ang mga mata niya.

Mas ikina-kunot noo ko 'yon.

Parang may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang-isip siya kung ibi-break niya 'yon sa'kin.

Kung anu-ano pa 'yong lumabas sa bibig niya na hindi naman malinaw kaya nainip na ako. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.

"Ano ba 'yon? Sabihin mo na nga."

Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago napabuntong-hininga.

"K-Kasi, ate Sab... B-Birthday na ni Frank bukas... T-Tapos hanggang ngayon... H-Hindi pa ako nakakabili ng regalo para sa kanya..." ilang beses siyang napapalunok sa pagitan ng pagsasalita.

Napabitaw ako sa balikat niya.

"Sino si Frank?"

That moment, napakagat siya ng labi.

"Hehe. B-Boyfriend ko."

Napatakip ako ng bibig.

What?!

"Kailan ka pa nagka-boyfriend?" hindi makapaniwalang tanong ko habang tinitignan ang kabuoan niya.

Ngumiti siya ng alanganin.

"N-Nito lang?"

OMG. Lagot siya sa parents niya. Hindi pa siya pinapayagang mag-boyfriend. At talagang tinago niya pa sa amin? Hindi ako makapaniwala sa batang 'to.

Seventeen lang, pumasok na sa isang relasyon?

Er. You can't blame me. Ako nga twenty-one na, hindi ko pa nararanasang magka-boyfriend, eh. Talagang pinagbawalan ako ng mga magulang ko habang nag-aaral pa. Magtapos daw muna. Kaya ito, hindi ko ma-absorb ang nalaman ko rito sa pinsan ko.

Kahit sina Mama at Papa, palagi siyang pina-aalahanan na huwag muna makipag-relasyon. Sa amin kasi siya nakatira at hinabilin ng mga magulang niya na sa labas ng bansa nagta-trabaho.

Parang pati mga magulang ko rin ay sinuway niya. Baka kami pa ang sisihin ng mga magulang nitong babaeng 'to. Sabihin na kesyo hindi nabantayan ng maayos ang anak nila, which is sila naman dapat gumawa. Pero oo nga naman, sa amin pa rin siya pinagkatiwala. We should have done our part.

Saglit kaming nag-usap ni Kyla tungkol sa secret boyfriend niya. At ayun, malapit na pala silang mag-isang taon. Asan na 'yong' 'nito lang' na sinabi niya?

Grabe siya. Nagawa ba namang itago 'yon sa'min ng gano'n katagal?

'Tong batang 'to talaga, o!

As expected, pinagalitan ko siya. Mali naman kasing nagtatago siya ng gano'ng bagay. Sa amin na siya lumaki kaya para ko na siyang totoong kapatid at nakakasama ng loob na pinaglilihiman niya na kami.

Pero teka, bago ko makalimutan. I'm Sabrina nga pala. Sab, for short.

Nanggaling ako sa pamilyang dela Cruz!

O, enough na.

Balik sa pinsan ko.

Humingi ng sorry si Kyla dahil sa paglilihim niya. Nangako siyang mag-iipon siya ng lakas ng loob para sabihin kina Mama at Papa, lalong-lalo na sa mga magulang niya na may boyfriend na siya.

Nag-patuloy kami sa paghahanap ng regalo para sa boyfriend niya. Kawawa naman kasi kaya tutulungan ko nalang.

"Sapatos kaya? O relo?" suggestion ko habang patuloy pa rin kami sa pag-iikot sa mall.

"Sige. Try..."

Pumasok kami sa isang shoe store. Pagpasok pa lang namin, parang buo na ang desisyon ni Kyla na sapatos na ang iregalo sa boyfriend niya. Kung anu-ano na kasi 'yong sinasabi niya. Tapos lahat, maganda para sa kanya.

"Ate, ang gaganda! Do you think okay nang regalo para sa boyfriend ang sapatos?"

"Why not? Hindi na rin naman masama. Anong klaseng teenager ba 'yang nobyo mo? If nagba-basketball siya, try mo 'yong—”

Hindi ko na tinapos ang sinasabi ko kasi hindi naman nakikinig si Kyla. In fact, lumayo siya sa'kin. Distracted kakatingin sa mga sapatos sa paligid.

Tumitingin-tingin na rin lang ako habang ini-enjoy ang song na pini-play ng store.

Hindi ko namalayang naaaliw na pala ako kakatingin hanggang sa tuluyan na akong nalayo kay Kyla.

"Lauren?"

It's as if para sa'kin 'yong tawag na 'yon pero hindi naman ako si Lauren kaya hindi ako lumingon.

May biglang humawak sa balikat ko at hinarap ako sa kanya.

"Uy, Lauren."

Isang guwapong nilalang ang sumalubong sa mga mata ko. Sa tangkad niya napa 'wow height!' nalang ang brain ko.

Sunod na umagaw ng pansin ko ang balat niya na talo pa ang sa akin sa puti at sobrang kinis. Gray shirt na pinatungan ng black maong jacket, Ecru colored skinny jeans, at white sneakers ang pormahan niya.

Nang ibalik ko ulit ang tingin sa mukha niya, napansin kong kakaiba ang ngiti at tingin niya sa'kin. Magka-kilala ba kami?

Pero ni konti hindi siya pamilyar sa'kin.

"Excuse me?" pagtataka ko.

Inalis niya ang kamay sa balikat ko at ngumiti ulit ng matamis.

"Ano ka ba? Si Dominic 'to. Don't tell me, hindi mo na ako naaalala?"

Unti-unting napawi 'yong ngiti niya. Napalitan ng disappointment 'yong natutuwa niyang expression.

Pero ano raw?!

Paulit-ulit akong napa-pilikmata. Sino ba itong lalaking 'to na pinagkamalan pa akong Lauren?

"Uhm... Teka lang, ah... Lauren ba 'yong tinawag mo sa'kin?" tanong ko nang mahimasmasan ako. Tinuro ko pa 'yong sarili ko.

Nakakunot ang noong tumango siya.

Nagtatakang tinitigan ko siya bago muling nagsalita.

"Sorry, pero hindi kasi ako si Lauren. Sabrina 'yong pangalan ko. Nagkakamali ka lang yata."

Nagsalubong 'yong kilay niya pero hindi ko na ito pinansin pa.

Tumalikod na ako para umalis na sana kaso..

"Ano kamo? Sabrina pangalan mo? Pinaglololoko mo ba 'ko?" medyo malakas na biglang sabi niya.

Napaharap ulit ako sa kanya. Parang nagalit yata, eh.

"Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa'kin to the point na umaarte ka nang ibang tao ka?" mababa na ng konti ang boses pero mariin ang pagsasalita niya.

Natameme ako.

Teka, ano bang pinagsasabi niya?

Bakit siya nagagalit?

Anong ginawa ko sa kanya?!

"W-Wait.. Hindi ko alam ang sinasabi mo. Nagkakamali ka lang talaga. Hindi ako 'yong Lauren na tinutukoy—"

"Cut it out, Lauren," pagputol niya sa sinasabi ko.

Ang sama na ng tingin niya sa'kin.

Pero, teka nga...

Sino ba siya para umasta ng ganyan sa harap ko?

Ni hindi ko nga siya kilala.

"Ate! Nakapili na ako ng ireregalo kay—"

Biglang sumulpot si Kyla sa tabi ko. Hindi na niya naituloy ang sasabihin matapos mapansin ang lalaking kaharap ko.

"You know what? Ang tigas ng ulo mo. Sinabi nang hindi ako si Lauren, eh."

Nakakairita na ang estrangherong 'to. I don't even know him.

Nag-soften 'yong expression niya. Parang natauhan.

Habang si Kyla naman ay palipat-lipat lang ang tingin sa'ming dalawa. Takang-taka na siguro siya sa napapanood niya.

Nag-pamulsa 'yong lalaki.

"Fine, I'm sorry. Don't worry, hindi mo na ako makikita ulit," sabay nag-walk out siya.

Napabuga ako ng hangin. Ano ba 'yong nangyari ngayon lang? Hindi ako makapaniwala.

"Alam mo, ate, linis-linisan ka. Eh, ikaw rin pala, may tinatagong sekreto. Sabagay, puwede ka na rin naman mag-boyfriend. Pero bakit parang galit siya, ate? May LQ ba kayo? In fairness, ang guwapo niya."

Habang sinasabi 'yon ni Kyla, nakatitig siya sa exit door kung saan lumabas 'yong lalaki kaya hindi niya namalayan na masama na ang tingin ko sa kanya. Bahagyang naka-lean pa ang mukha niya sa'kin.

Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Ah! A-Aray... Tama na, ate, please. Masakit..."

"Kung anu-ano pinagsasabi mo. Hindi ko 'yon kilala, okay?" I said bago siya binitawan.

"Hindi raw kilala. Eh, ba't nag-uusap kayo kanina?" banat niya pa habang nakahawak sa tagiliran niya.

Bahagya siyang lumayo nang tignan ko na naman siya ng masama.

Ikwenento ko sa kanya 'yong nangyari pero in the end, parang ayaw naman niyang paniwalaan. Bahala siya. Pareho lang sila no'ng lalaking 'yon. Matigas ang ulo.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height