I'm NOT That Girl

I'm NOT That Girl

Author: AedanShann
"Sabi nila, posible raw na may anim na tao sa mundo na kamukhang-kamukha mo. Dati, hindi ako naniniwala. Pero simula no'ng mapagkamalan akong Lauren ng isang lalaking hindi ko naman kilala, naniwala na'ko. Nagbago na rin ang buhay ko nang makilala ko siya. Si Dominic. Ang lalaking halos ipagpilitan na ako si Lauren kahit hindi naman talaga."
Sabrina dela Cruz. Isang simpleng babaeng sumasabay lamang sa agos ng buhay. 
Nang isang beses na sinamahan ni Sabrina ang pinsan niya sa mall, bigla nalang may guwapong lalaki na tinawag siya sa pangalang Lauren. Na-confuse siya ng sobra at todo paliwanag dito na hindi siya si Lauren pero imbes na maniwala ang binata, nagalit pa ito sa kanya dahil akala nito ay nag-sisinungaling lamang siya. 
Lumipas ang isang araw ay muli silang nagtagpo. Binigyan siya ng cold attention ng binata sa pag-aakala pa rin na siya si Lauren pero hindi na nakapag-tiis si Sabrina. Nagdesisyon na siyang kausapin na ito dahil hindi na niya maatim ang galit nito sa iba na sa kanya na naibubunton. 
Hanggang saan ang kaya niyang gawin mapatunayan lang dito na hindi siya si Lauren? Maniwala naman kaya ito? 
At maibabalik pa kaya ang dati niyang tahimik na buhay gayung napagtanto niyang may kamukha siya?
Isang babaeng nag-ngangalang Lauren. 
Si Lauren na minahal nang sobra ni Dominic.
9.5
(11 Ratings)
Romance(ph)
28
Ongoing
READ
+ Add to Library