C17 INTG
“Nic, siya 'yong sinasabi kong nagligtas kay Matthew,” biglang baling ni Krystal kay Sir.
“Really?”
Lumapit si Krystal sa huli at pinulupot ang mga kamay sa braso nito.
“Sab ang name niya,” nakangiting pahayag pa niya kay Sir. Nginitian siya nito at pagkatapos ay bumaling sa'kin na blangko na naman ang ekspresyon. Nginingitian niya ang iba pero pagdating sa'kin, nakakainis ang mukha niya