C18 INTG
“Sige na nga.”
Tumayo ako at lumapit sa piano. Binuksan ko ang keyboard lid nito pagkatapos ay naupo na ako sa piano bench. Tumabi sa'kin si Matthew.
“Tapos, pwede bang sabayan mo rin ng pagkanta, Sab?” habol niya pang request habang may nagpi-please na ngiti.
Natawa ako ng mahina. “Naku! Hindi ako sigurado sa bagay na 'yan pero dahil gusto mo, sige na nga