I'm NOT That Girl/C2 I'm NOT That Girl
+ Add to Library
I'm NOT That Girl/C2 I'm NOT That Girl
+ Add to Library

C2 I'm NOT That Girl

Isang katok ang narinig ko mula sa labas ng kwarto ko.

“Sino 'yan?”

“Ate, puwede ako pumasok?” boses ng nag-iisa kong kapatid na si Jello.

“Sige, pasok.”

Nagpatuloy ako sa paglalagay ng mga damit ko sa aparador. Kakukuha ko lang ng mga ito mula sa sampayan sa rooftop.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Naramdaman ko rin ang mga hakbang ng kapatid ko palapit sa'kin.

“Ay, busy ka, ate? Sayang...” turan niya sa malungkot na boses.

“Bakit? Ano ba kailangan mo?” sabay napaharap ako sa kanya.

Umupo siya sa kama ko sabay bumusangot. “Gusto ko kasing maglaro tayo ng basketball, eh.”

Itinigil ko muna ang ginagawa ko at tinabihan siya ng upo. “Basketball na naman? Eh, alam mo namang hindi ako magaling do'n. Palagi mo lang akong natatalo.”

Tumawa siya.

“Kaya nga gusto kitang kalaro eh,” sabay tumawa ulit siya ulit.

Napangiti nalang ako bago ginulo ang buhok niya.

“Loko-loko ka talagang bata ka.” Tapos 'yong magkabilang pisngi naman niya ang kinurot ko. Pero inalis niya agad ang mga kamay ko bago sumimangot na naman.

“Ate, hindi na'ko bata.”

False! Eight years old lang kaya siya.

“Anong hindi? Ang liit mo pa, kaya. Kaya pa nga kitang tirisin, eh.”

Bakit ba kasi iniisip niyang hindi na siya bata? Na matanda na kuno siya?

Eh, hindi pa nga siya tuli.

Tinignan niya ako ng masama. Sa'kin talaga nagmana 'tong kapatid kong 'to. Kaya mahal na mahal ko, eh.

Hindi ko pinansin ang tingin niya. Sanay na ako.

“Ganito nalang. Si ate Kyla mo nalang 'yong yayain mong maglaro. Hindi ba mahilig din 'yon sa NBA? Palagi pa nga silang sabay manood ni Papa tuwing day-off 'diba?”

Siguro kung nandito lang si Papa palagi sa bahay, siya ang yayayain nitong si Jello. Kaso wala siya rito palagi dahil sa trabaho.. Kapag day-off naman marami silang inaasikaso ni Mama.

“Niyaya ko na siya kanina pero sabi niya mag-ra-wrap pa raw siya ng gift, eh.”

'Yong babaeng 'yon. Magba-balot raw ng gift, ah. Eh, kung sana hindi niya ako pinilit sumama sa kanya kanina sa mall, natapos ko na dapat lahat ng gawain ko. Puwede ko nang kalaruin 'tong kapatid ko. Nakaka-bad trip ka, Kyla...

Naalala ko bigla 'yong lalaki sa mall. Sumama yata ang loob niya sa'kin e-este sa Lauren na 'yon. Hays. Kalimutan ko na nga lang. Baka lasing lang 'yon.

“Sorry, bunso, pero kailangan ko pa kasing mag-ayos ng mga gamit ko. Pagkatapos dito, kailangan ko pang tulungan si mama magluto sa kusina.”

Ginulo ko ulit 'yong buhok niya. Mas lalo namang lumungkot 'yong mukha niya.

“Okay lang, ate. I understand naman.”

“Sure ka?” paninigurado ko.

Pinilit niyang ngumiti bago tumango ng ilang beses. Ang cute talaga ngumiti nitong kapatid ko. Nakikita 'yong mga maliliit niyang ngipin tapos nawawala pa 'yong mga mata niya.

Pinigilan ko ang sarili kong kurutin ulit siya. Baka magalit na naman, eh.

“Pero may tanong sana ako sa'yo, bunso.”

“Ano 'yon, ate?”

“Gusto mo bang gumaling sa basketball?”

Ilang beses ulit siyang tumango bago nagsalita. “Syempre naman po. Idol ko kaya si Stephen Curry.”

“Kung gano'n, ehdi dapat magaling din 'yong kalaro mo. Hindi 'yong wala ring alam. Wala kang matututunan do'n.”

Napaisip siya. “Gano'n ba dapat 'yon, ate?”

“Oo, gano'n dapat.”

“Ah... Okay!” bibo niyang sabi. Nakangiti na siya ngayon.

“Sige, ate, labas na'ko. Babye!” sabay patakbo siyang lumabas ng kwarto ko.

Itinuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit ko. Nang matapos, bumaba na ako agad para tulungan si mama magluto.

Sabay-sabay kaming lahat na naghapunan. Kakauwi lang ni papa at halatang pagod. Sa isang kompanya siya nagtatrabaho.

“Sab, ano bang binili niyo kanina sa mall ni Kyla?” biglang tanong ni mama habang kumakain kami.

“Bumili po ako ng mga gamit sa school, auntie. Nagpasama lang po ako kay ate Sab,” sabat ni Kyla.

Hmp. Sinungaling.

Binalingan ulit ako ni mama. “Gano'n ba, anak?”

“Opo, ma,” sagot ko na rin lang.

“May pera ka pa ba, Kyla?” tanong naman ni Papa.

“Meron pa naman po, uncle.”

Palaging pinapadalhan si Kyla ng parents niya ng pera para panggastos niya sa school at sa sarili niya. Talagang generous lang si papa kaya walang problema sa kanya na bigyan ito tuwing nauubosan na. Magastos kasi.

“Sige, magsabi ka lang kapag naubos na, okay?” ani Papa.

“Opo, Uncle. Salamat po.”

Ngumiti lang si Papa kay Kyla.

“Ikaw Sab, kumusta ang paghahanap mo ng trabaho?” baling naman sa'kin ni Papa.

Medyo sumimangot ako. “Heto Papa, nag-aantay pa po ng tawag para sa interview.”

“Okay lang 'yan. Tatawagan ka rin. Basta't huwag mo lang kalimutang magdasal.”

Ngumiti ako at tumango kay Papa.

Ang bait talaga ng Papa ko. I'm so blessed.

“Papa, magaling ka bang mag-basketball?” si Jello.

“Oo naman. Ako pa, eh dati nga akong MVP noong kolehiyo ako,” pagmamayabang na sagot ni Papa.

Napangiti nalang kaming tatlo sa kanila.

“Wow... Talaga po? Papa, turuan mo naman ako, o?”

Mukhang gustong-gusto nga ni Jello ang basketball. Sa edad niyang walo lang, alam na niya ang ibig-sabihin ng MVP.

“Bakit hindi? Sige, ngayong day-off ko, anak. Tuturuan kita.”

“Yehey!” hiyaw ni Jello.

Tuwang-tuwa si Jello kaya natutuwa rin kaming lahat.

Kung anu-ano pa ang tinanong ni Jello. Si Papa naman, sagot lang nang sagot.

Ang energy ng kapatid ko ang nagbigay ng saya sa hapunan namin. Syempre, pati narin si Papa na kahit pagod ay magiliw paring nakikipag-kwentuhan.

Matapos kumain, si Kyla ang naghugas ng mga pinggan. Wala kasi siyang na-ambag sa pagluluto kanina.

Pero heto ako, sinasamahan siya kahit sobrang inaantok na ako. Ang OA kasi ng babaeng 'to. Natatakot daw siya. Pinilit niya ako kaninang samahan siya at wala na nga akong nagawa. Ang kulit eh.

Nakakairita. Dinamay pa ako sa kaduwagan niya.

“Ano Kyla? Matagal ka pa ba diyan?” inaantok kong untag habang nakaupo sa isang monoblock chair malapit sa sink kung saan naghuhugas si Kyla.

“Medyo.”

Napabuntong hininga ako. Ang tagal...

Pinikit ko ang mga mata ko dahil nakapatong naman ang mga braso at chin ko sa sandalan ng monoblock chair. Patalikod ko itong hinarap kay Kyla para maging convenient sa isang tulad kong inaantok na talaga.

“Ate, sama ka sa'kin bukas,” aniya bigla.

Bahagya kong minulat ang mga mata ko. Hindi siya nakatingin sa'kin.

“Saan?”

“Saan pa nga ba, ehdi sa birthday party ni Frank.”

Nag-rolled eyes ako. Alam ko na 'to eh. Gagamitin niya 'ko.

“Ano namang gagawin ko do'n, eh hindi naman kami magkakilala ni Frank? Malamang hindi ako invited.”

Ayoko nga. Bahala siya diyan hindi makaalis bukas.

Humarap siya sa'kin. “Ate, invited ka. Nagsabi na ako kay Frank na isasama kita.”

Tinaasan ko siya ng kilay.

“At talagang plinano mo nang isama ako nang hindi ko nalalaman, ah?”

Humarap siya ulit sa sink at minadali ang paghuhugas. “Eh, gusto kitang kasama kasi.”

“Ayoko. Wala ako sa mood umalis bukas. Ang gusto ko, matulog buong araw. Tsaka alam mo namang may iniintay pa akong tawag, eh,” walang pagdadalawang isip kong sambit.

Hindi ako magpapagamit sa kanya. Bahala ka diyan, Kyla.

Humarap ulit siya sa'kin.

“Ate, hindi ka ba nabo-bored dito sa bahay? Ilang araw ka nang nandito at nag-iintay lang ng tawag. Kung ako sayo, e-enjoy mo muna 'yong mga free time mo habang wala ka pang trabaho. Tsaka hindi naman buong araw 'yong party ate, eh. Sa gabi 'yon kaya puwede ka paring matulog buong araw. At kung may tatawag man sa'yo for interview, ehdi lumayo ka muna para sagutin 'yon,” litanya niya.

Umismid naman ako. “Alam mo, halata ka masyadong kailangan mo'ko.”

Lumambot 'yong mukha niya.

“Ehh... Nadali mo'ko, ate. Kailangan nga kita kaya please, sumama ka na...” Sa isang iglap nakikiusap na siya.

Hindi ko alam ang dapat gawin. Dapat ba kunsentihin ko siya at sumama para payagan siya bukas?

Or...

Sige na nga. Sasama na ako. Nag-iisip pa masyado, eh.

Alam ko namang hindi ako titigilan nitong si Kyla hangga't pumayag ako.

“Okay, sige. Sama na ako,” balewalang sabi ko nalang.

“Yes! Thank you at—” Napatakip siya bigla ng bibig nang marinig ang pag-shh ni Papa mula sa taas.

Tumawa ako dahil hindi niya na-realize na may sabon nga pala 'yong kamay niya. Napadura-dura tuloy siya at hinugasan ang bibig.

On second thought, titignan ko muna siguro sa sarili ko kung aalis ba ako bukas.

Nakakatamad talaga eh. Tsaka hindi naman ako interesado sa party na 'yon.

Though, curious ako kay Frank na boyfriend nitong si Kyla.

Kung sasama ako bukas, makikilala ko na siya.

Ewan, tignan ko muna talaga kung anong mood ko bukas.

Hindi pa ako sigurado kung sasama nga ako.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height