+ Add to Library
+ Add to Library

C3 INTG

“I wanna say thank you to all of you na dumalo dito ngayon para samahan akong i-celebrate ang birthday ko. Sana mag-enjoy kayong lahat. 'Yon lang po. Again, thank you,” litanya ni Frank sa stage bago ngumiti ng ubod ng tamis. Pasimple pa siyang sumulyap kay Kyla na katabi ko.

Nagpalakpakan ang lahat ng mga bisita sa party'ng 'to na hineld sa labas ng isang hotel.

Nang bumaba na si Frank ay niyakap siya ng Papa niya na kanina'y kasama niya sa stage. May yumakap ding babae sa kanya na satingin ko'y Mama niya.

Umalingawngaw sa paligid ang isang party music. Nagsitayuan na ang mga bisita para kumuha ng pagkain na naka-buffet.

Walang ganang sumandal ako sa upuan ko. Mali nga talaga na sumama ako sa Kyla na'to. Boring para sa'kin itong party na 'to. Tsaka feeling ko hindi ako belong.

Hindi naman talaga ako belong. Ano o sino ba ang pinuntahan ko dito? Wala naman akong dahilan eh.

Pinaglaruan ko nalang sa kamay ko ang phone ko. This is gonna be a looong night.

Nakaupo kami ni Kyla sa table na panglimahan. Pagkarating namin dito, basta't pinaupo nalang kami dito no'ng organizer ng event.

And 'yang boyfriend ni Kyla na si Frank, hindi man lang kami hinarap o inasikaso kanina. Ngayon lang siya lumabas sa pinagtataguan niya.

Bakit ba kasi ako nagpapilit sa pinsan kong 'to?

Ayoko na talaga rito.

Six palang ng gabi pero inaantok na ako sa party na'to, eh. I wanna go home already.

Sinundot ako bigla ni Kyla. Bored ko siyang binalingan.

“Ate, nagugutom ka na ba?” tanong niya sa'kin.

“Malamang. Umalis kaya tayo sa bahay nang hindi pa naghahapunan,” balewala kong sagot.

Pero totoong nakakaramdam na ako ng gutom.

“Ehdi tara. Kumuha na tayo ng pagkain,” sabay tayo niya.

Tumayo na rin ako.

“Kyla.”

Napalingon kami sa taong nagsalita.

“Frank,” ani Kyla.

Nakatayo si Frank hindi kalayuan sa'min. Humakbang rin naman siya palapit.

“Happy birthday, ah,” ngiting asong saad ng pinsan ko nang tuluyan nang nakalapit sa'min ang boyfriend niya.

“Thanks,” ngiti rin nito sa kanya.

Hindi naman halatang sobrang inlove sila sa isa't-isa 'no? Parang may nakikita na akong mga hearts na pumapalibot sa kanila, eh.

Tsaka konti na lang, maiisip ko nang nakalimutan na nila 'ko dahil may naririnig na silang love song sa mga tenga nila.

Buti at binalingan naman ako ni Frank kalaunan. That's the sign for Kyla na ipakilala ako.

“Si Ate Sab nga pala, Frank. Pinsan ko pero para ko naring totoong kapatid.”

“Hi,” I said smiling sabay kaway ng kamay kay Frank.

Parang magaan na ngayon ang loob ko sa kanya. Mukhang mabait naman kasi siya sa malapitan, eh. Ers? Sa malapitan lang? Ngayon ding nasa malapitan siya ay napagtanto kong sakto lamang ang tangkad niya. Hindi gaanoong matangkad ngunit 'di rin gaano kaliit. Kanina kasi sa stage, parang ang tangkad-tangkad niyang tignan. I also wonder if natural bang makintab ang buhok niya gayung parang naka-gel din naman siya.

“H-Hi po, Ate Sab. Frank po, b-boyfriend ni Kyla. Nice to meet you po,” sabay lahad niya ng kamay habang unti-unti ring kumurba ang naiilang na ngiti sa makapal niyang mga labi. Pati rin ang mga mata niyang may mahahabang pilik-mata ay parang hirap tumingin sa mata ko.

Tinanggap ko naman ang kamay niya.

“Nice to meet you rin. Tsaka happy birthday,” magiliw kong sagot.

“Salamat po,” mahina niyang saad at bahagya pang umiwas ng tingin.

Mukhang nahihiya siya sa'kin, ah.

“Uhm, puwede ko po bang hiramin si Kyla, ate Sab? Gusto po kasi sana siyang makilala nila Mama,” namimilipit dila niyang sabi. Dahil pa rin yata sa ilang.

Saglit na umasim ang mukha ko sa narinig.

“Eh, Frank, sasamahan ko pa kasi si Ate na kumuha ng pagkain eh,” sabat ni Kyla.

“Gano'n ba? Sige, mamaya nalang.”

Balak niya palang hiramin si Kyla kaya siya lumapit. Ako na naman mag-aadjust. Ako nalang palagi. Tse!

“Uh.. Kyla, huwag mo na akong samahan. I can manage naman. Sumama ka na kay Frank.”

Kailangan ko mag-adjust. Moment 'to ni Kyla. Sabit lang naman ako rito. Bruha kasi, sana hindi nalang talaga ako sinama.

“Sigurado ka ba, Ate?” tanong ni Kyla.

“Ate Sab, okay lang naman, eh,” saad naman ni Frank.

“Hindi, okay lang talaga sa'kin na umalis muna kayong dalawa. Gusto ko rin kasing mapag-isa,” I assure them.

“O-Okay,” pagpayag ni Kyla.

“Uh, sige. Mauna na ako sa inyo,” paalam ko sa kanila para kumuha na ng pagkain.

“Sige, Ate Sab. Salamat,” pahabol na sabi ni Frank bago ako makaalis.

Nginitian ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa buffet.

Pagkarating ko roon, nilingon ko sila at nakita kong patungo na nga sila sa table kung saan naroon ang mga magulang ni Frank.

Konti lang ang kinuha kong pagkain. Bumalik ako sa table namin kanina ni Kyla para doon kumain. Ang loner ko. Crap.

Naubos ko 'yong pagkain na kinuha ko at parang nakulangan pa ako kaya kumuha ulit ako. This time, mga dessert na ang inilagay ko sa plate ko. Mga dessert na hindi ko alam ang pangalan. Basta dinamihan ko.

Nasa buffet table parin ako nang may makita akong weird na pagkain. Green 'yong kulay niya at nakatuhog siya sa toothpick. Namangha ako kaya kumuha ako ng isang piraso at sinubo iyon.

Lumaki ang mga mata ko hindi dahil sa lasa ng pagkain.

KUNDI, DAHIL SA TAONG NAKITA KO 'DI KALAYUAN!

Muntik pa akong mabilaukan. Agad akong tumalikod.

Seriously?! Dito ko pa talaga siya ulit makikita?!

***

“Ate, punta muna akong restroom. Dito lang kayo ni Frank, ah. Balik ako agad,” ani Kyla.

Tinanguan ko lang siya.

Kasama ko na sila ngayon sa table at ayun nga, umalis muna si Kyla para mag-restroom.

Mas nakilala ko na si Frank. Nakapag-usap na kasi kami kanina.

Tahimik lang si Frank sa tabi ko, habang ako, panay ang titig sa lalaking umiinom ng red wine habang kausap ang mga lalaking naka-office attire rin katulad niya. Medyo may kalayuan sila pero malaya ko parin silang napapanood.

“Frank,” tawag ko kay Frank na nakatuon lang sa restroom kung saan pumasok si Kyla.

“Bakit po?”

Ang hirap kapag nakakatanda ka. Panay ang pag-'po' nila sa'yo.

Whatever.

“Uhm.. Nakikita mo 'yong lalaking 'yon?” sabay turo ko sa lalaking napagkamalan akong Lauren sa mall.

Hinanap ni Frank ang tinuturo ko at nang mahuli ng mata niya iyong lalaki ay tumango siya bago tumingin ulit sa'kin. Nahalata ko ang pagtataka sa mga mata niya.

“Kilala mo ba siya?” tanong ko.

Tinignan niya muli ito.

“Well, anak siya ng business partner ni Dad. Si Kuya Dominic Ignacio.

“Bakit mo naman natanong, Ate Sab?” sabay baling niya muli sa'kin.

Saglit akong ngumiti ng pilit. Ngiting sinasabing walang malisya ang pagtatanong ko tungkol sa lalaking iyon.

“Hmm.. W-Wala lang. He looks interesting kasi.. 'Yon lang.”

Ngumiti si Frank. Ngiting mahirap basahin.

Habang lihim na pinapanood 'yong Dominic, nagkaroon ako ng time na titigan siya.

Ang kilay niya'y makapal at maganda ang kurba. 'Yong para bang lalaking-lalaki ang dating. Mapupungay ang kanyang mga mata. Parang sa isang espanyol naman ang kanyang ilong sa tangos. Ang labi naman niya ay manipis na kulay pink. 'Yong panga niya ay katamtaman.

Pero ang pinaka-kapansin-pansin sa kanya ay ang adam's apple niya.

Oo na.

Siya na ang guwapo.

Makikita mo rin sa kilos niya na confident siyang tao. Taas-noo at chill lang naman siya habang kausap ang tila mga kasosyo niya sa negosyo.

Maya-maya pa, bumalik na si Kyla.

Hindi rin nagtagal, si Frank naman ang umalis. May pupuntahan daw siya saglit.

“Hindi na talaga ako nag-eenjoy dito Kyla. Umuwi na kaya tayo?” aya ko.

“Ate, hindi pa puwede. Tsaka hindi ka naman talaga mag-eenjoy kung nakaupo ka lang dito. Tumayo ka kaya tapos makipag-mingle ka?”

Umisimid ako sa suhestiyon niya.

“Pa'no ko naman gagawin 'yon, eh, wala naman akong kilala rito?”

“Ehdi, makipag-kilala ka,” aniya.

Nag-make face ako sa kanya. Walang kwenta kausap. I really regret na sumama ako sa kanya.

Biglang bumalik na si Frank.

“Ate Sab, Kyla, may gusto akong ipakilala sa inyo,” aniya.

Napansin ko ngang may tao sa likod niya. Tumayo kami ni Kyla.

Kaso.. Dahil sa ka-clumsy-han ko, nahulog 'yong purse ko kaya pinulot ko pa.

“Si Kuya Dominic nga pala...” rinig kong saad ni Frank na pagpapakilala sa kasama niya.

Natigilan ako sa narinig.

Teka... Hindi ba 'yon 'yong pangalan no'ng...

Nang mag-angat ako ng tingin, napamaang nalang ako sa taong nasa harap namin ng pinsan ko. Literally, kami talaga ang magkatapat no'ng Dominic, eh.

Hindi makapaniwalang napatitig siya sa'kin at gano'n din ako sa kanya.

“Wait.. You look familiar...” rinig kong sambit ni Kyla.

Hindi namin iyon pinansin no'ng Dominic dahil nakatulala pa rin kami sa isa't-isa.

Marami akong nakikitang emosyon sa mukha at mga mata niya pero hindi ko mapuna dahil hindi ko naman siya kilala.

At ako, hindi ko alam ang magiging reaskyon ko...

Hindi namin namalayan na nakatitig na pala sa aming dalawa sina Kyla at Frank na ngayon ay magkadikit na. Pareho na yata silang naguguluhan sa nakikita.

Naunang bumawi ng tingin 'yong Dominic. Doon may napuna akong pamilyar na emosyon sa mukha niya. Disappointment. Ulit. Napaiwas na rin lang ako ng tingin.

“Uh.. Kuya Dominic.. Si Kyla nga pala, girlfriend ko. Tsaka si Ate—”

“Nice to meet you, Kyla. Maiwan ko na kayo. Excuse me,” pagputol no'ng Dominic sa sinasabi ni Frank bago kami mabilis na iniwan na roon.

Nakangiti naman niyang sinabi 'yong tinuran niya. Ngiting fake nga lang. Tsaka umalis siya na hindi na muling tumingin pa sa'kin.

Natulala na lamang ako sabay hulog ng panga.

What the heck?

“Teka, 'diba siya 'yong sa mall, Ate?” hindi makapaniwalang tanong sa'kin ni Kyla.

Hindi ko siya binalingan at sinagot. Sa halip, umupo ako ulit.

Hindi na siya muling nagtanong pa dahil mukhang nahalata na niyang bad-trip ako. Kahit si Frank ay tumahimik nalang at hindi na nangahas pa na magtanong rin kahit halatang gulong-gulo siya.

Ano ba naman 'tong nangyayari? Hindi ko alam kung ano 'yong dapat kong maramdaman. Ano ba naman 'to, naguguluhan na ako. Binibigyan ba naman niya ako ng cold attention sa pag-aakalang ako 'yong Lauren na iyon. Walangya talaga. Nadadamay ako sa issue nilang dalawa. Ugh!

***

And here I am again, mag-isang nakaupo rito sa table namin. 'Yong dalawa kasi ay nag-se-sweet dance.

Halos lahat yata nagsasayaw na. Kaunti nalang 'yong hindi. At ako, heto, pinapanood nalang sina Frank at Kyla na sobrang sweet na nagsasayaw. Actually, para sa'kin ang laswa.

Nilalamon na talaga ako ng boredom ko. Gusto ko nang umuwi.

Tinignan ko ang wrist watch ko. Kaka-eight pa lang ng gabi. Bakit ang bagal ng oras?

It feels like forever na tapos ang aga pa pala?

Ayoko na!

Mauuna na akong umuwi kay Kyla. Lalapitan ko nalang sila tapos magpapaalam na ako. Wala akong pakialam kung maistorbo ko sila. Duh.

Pagtayo ko, bigla nalang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko ito mula sa purse ko.

Nakita kong si Mama ang tumatawag kaya dali-dali ko itong sinagot.

“Hello, Ma?”

Patakbo akong lumakad para humanap ng tahimik na lugar. Masyado kasing maingay dito, eh.

“Anak? Hello? Sabrina?” pagsambit ni Mama nang kung anu-ano dahil mukhang hindi niya ako naririnig. Kailangan ko nga talagang humanap ng tahimik na place.

Saan ba?

Palinga-linga ako habang naglalakad.

“Ma, sandali lang...” ani ko nalang.

Napatili ako nang biglang tumayo 'yong isang lalaki na nakaupo sa isang table na dadaanan ko lang sana. Tumilapon ako matapos tumama sa'kin 'yong likod ng upuan niya. Naramdaman kong may sumalo sa'kin pero hindi muna ako nag-abalang alamin kung sino dahil natuon ang atensyon ko sa phone ko na lumilipad na.

Napaayos ako nang tayo nang makita kong na-shoot ang phone ko sa baso ng isang lalaking may edad na. I think nasa 50's na siya. Napabitaw naman 'yong sumalo sa'kin na hindi ko pa rin inaalam kung sino.

Dahil na-shoot 'yong phone ko sa wine glass no'ng lolo, tumalsik 'yong wine sa damit niya.

Dinagundong ng kaba ang dibdib ko. Napaka-elegante pa naman ng itsura niya. Naka-office attire rin siya. Lagot na.

Natulala nalang ako.

Tumayo 'yong babaeng katabi no'ng lolo na may katandaan na rin. Sosyal 'yong pananamit niya kaya halatang mayamanin. Pinandilatan niya ako ng mata bago ako sinigawan.

“Look what you've done! You stupid!”

Doon ako natauhan mula sa pagkakatulala.

Agad kumuha ng tissue 'yong babae sa table nila at pinunas iyon sa suit no'ng lolo.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako dahil sinigawan niya 'ko. Alam ko namang may kasalanan ako pero hindi ko naman sinasadya.

“S-Sorry p-po,” nauutal kong paghingi ng paumanhin.

“Dapat kasi, tumitingin ka sa dinadaanan mo,” biglang turan ng isang pamilyar na boses.

Teka...

Napatingin ako sa lalaking nasa likod ko.

What?!

Napatakip nalang ako ng bibig.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height