+ Add to Library
+ Add to Library

C4 INTG

Si Dominic.

Nakatuon ang buong atensyon niya sa pagpupunas ng tissue sa kanyang suit na puno rin ng wine.

S-Siya ba 'yong sumalo sa'kin?

C-Confirm.

Napasulyap ako sa paligid at nakitang may iilang tao nang pinagtitinginan ako.

Napayuko nalang ako dahil sa hiya.

Napakagat-labi ako. “I-I'm sorry.”

'Yon nalang ang tanging nasabi ko bago naglakad palayo.

Pero bumalik ako..

At kinuha ko 'yong phone ko na nasa wine glass parin no'ng lolo.

“Kunin ko lang po 'yong phone ko,” paalam ko.

Inirapan ako no'ng babae na sinigawan ako kanina.

At ayun, naglakad na ako palayo roon. 'Yong totoo na talaga.

Pumasok ako sa restroom at inayos ang sarili ko. Well, natapunan din kasi ako ng wine. Hindi ko alam kung paano. Siguro 'yong hawak no'ng Dominic.

Napasimangot ako at tinitigan ang reflection ko sa salamin. Ang dungis ko na. Tsaka 'yong phone ko, sira na. Ayaw nang gumana.

How am I gonna go home now? Nakakahiya ang hitsura ko. Nakakahiya na rin lumabas matapos masubaybayan ng ilang tao ang kahihiyan ko kanina.

Ngayong nandito na ako sa loob ng restroom, namumutawi na sa buong katawan ko ang hiya.

Kusang naging masama ang tingin ko sa reflection ko nang maalala ang Dominic na 'yon.

Sa tingin ko sumo-sobra na siya, eh.

Hindi ko na siya puwedeng pabayaan na ituring ako na parang kakilala niya.

Kailangan ko nang patunayan sa kanya na hindi ako 'yong Lauren na sinasabi niya.

Huminga ako nang malalim. I have to do this.

Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon para silipin ang labas.

Mas lalong naging maingay at halos lahat yata nagkakatuwaan na.

Siguro naman hindi na nila naaalala 'yong kanina at hindi na rin nila ako mapapansin neto.

Lumabas na ako at hinanap 'yong Dominic na 'yon.

Bahagya akong nakayuko habang naglalakad. Nakaka-concious pa rin talaga.

Nang makabalik ako sa lugar kung saan ako napahiya kanina, wala na 'yong Dominic. Sa pagkakaalam ko kasi dito siya nakaupo sa table kung saan nakaupo 'yong lolo at babae na sinigawan ako.

Nilibot ko ang paningin ko. Saan na ba 'yon?

Wala nang hiya-hiya. Hinanap ko siya nang hindi na nakayuko. Kailangan ko siyang makita at makausap. Hindi na ako makakapayag na ako ang pagbuntungan niya ng problema nila ng Lauren na 'yon.

Patakbo na akong naglalakad habang hinahanap siya. Nasaan na ba 'yong lalaking 'yon?

Baka naman umuwi na?

Napatigil ako sa naisip. Baka nga nakauwi na 'yon.

Babalik nalang siguro ako sa table namin.

The moment na pumihit ako para maglakad pabalik sa table namin ni Kyla, nakita ko si Dominic na naglalakad papunta sa kung saan.

Mabilis naman akong tumalima para sundan siya. Mabilis siyang maglakad kaya hindi ko siya magawang abutan.

Hanggang sa mapansin kong nakalabas na kami ng event ay sinusundan ko pa rin siya.

Hindi kaya uuwi na itong lalaking 'to?

Namalayan ko nalang na nakarating na kami sa parking lot at 'di nagtagal, tumigil siya sa tabi ng isang kotse at aktong bubuksan na ang driver seat.

“Wait!” sigaw ko.

Agad siyang napalingon sa direksyon ko. Kumunot ang noo niya bago isinarang muli ang pinto ng kanyang sasakyan. Tinitigan nalang niya ako habang naglalakad palapit sa kanya.

“Mag-usap tayo,” diretso kong sabi habang nakataas ang isang kilay.

Mula sa pagkaka-kunot noo, nagbago ang expression ng mukha niya. Naging blangko.

“Tungkol saan naman ang pag-uusapan natin? Eh 'diba nga, hindi tayo magkakilala?”

At talagang in-emphasize niya pa 'yong huli niyang linya.

“Well,” sabay flip ng hair. “Obviously, tungkol sa ating dalawa ang pag-uusapan natin.”

He smirked. Naglakad siya papunta sa kabilang side ng sasakyan at wala sa sariling sumunod naman ako.

“Dahil gusto mo, ehdi sige. Mag-uusap tayo. Get in,” nakangisi niyang turan matapos buksan ang pinto ng passenger seat.

Pinansingkitan ko siya ng mata.

“Bakit may ganyan ka pang nalalaman? Hindi ba puwedeng dito nalang tayo mag-usap?”

“Kung gusto mong mag-usap tayo, pwes doon sa lugar na maayos. Hindi dito. Ngayon kung ayaw mong sumama, ehdi huwag. I'm completely fine with it,” aniya bago isinara ang pinto niyon at naglakad ulit pabalik sa kabila para pumasok sa driver seat.

Suplado naman ng taong 'to. Hindi na ba talaga niya ako pipilitin?

Nang makapasok na siya sa loob ng sasakyan, hindi makapaniwalang napatingin siya sa'kin.

“O? Ano pang hinihintay mo? Tara na nang makapag-usap na tayo,” turan ko para ilayo na niya ang tingin sa akin.

Inayos ko naman na agad ang seat belt ko.

This time, he grinned habang napapa-iling.

***

Tahimik siyang nakatitig sa akin na halatang hinihintay lang na magsalita ako.

“Ma'am, Sir, here's your order po,” sabay lapag no'ng barista ng dalawang kape sa table namin.

Hay, salamat. Dumating na rin 'yong hinihintay ko. Puwede na akong magsimula.

Uminom ako ng kaunti sa coffee ko. Antok is real na kasi talaga, eh.

Nandito kami sa isang mabulaklaking coffee shop. Kahit saan ka yata tumingin, mayroong halaman, eh. Dito ako dinala nitong Dominic.

Humalukipkip siya sa harap ko sabay buntong hininga.

“So?” pag-initiate niya ng usapan.

Bumuntong hininga rin ako.

“First of all, gusto kong huwag mong isarado 'yong utak mo. Second, hindi ako sinungaling at mapag-kunwari. And third, hindi talaga ako si Lauren. Sabrina dela Cruz ang pangalan ko. 'Yon ang totoo, maniwala ka,” sincere kong saad.

Tumingin siya sa ibang direksyon.

“Heto na naman ba tayo? Ide-deny mo na namang ikaw si Lauren?” walang gana niyang sabi sabay balik ng tingin sa'kin.

Napabuga ako ng hangin. Nagsasabi naman ako ng totoo, ah?

Bakit ang hirap niyang maniwala?

“Kakasabi ko lang na huwag closed minded, eh.”

Napairap ako. Ang hirap pala talaga niyang kausap. Ang tigas ng ulo.

“Alam mo, hindi ko alam kung sino 'yang Lauren na sinasabi mo or kung nag-e-exist ba talaga siya. Pero puwede ba, kapag sinabi kong hindi ako siya, HINDI TALAGA. Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala kang hindi talaga ako si Lauren? Na Sabrina talaga 'yong pangalan ko?”

He gave me death glares. Luh?!

“Masyado nang nakakatawa na nagpapanggap kang Sabrina. Hindi mo naman ako maloloko dahil wala namang nagbago sa mukha mo. You still look exactly the same no'ng high-school palang tayo. Hindi na nakakatuwa 'to. Hindi na nakakatuwa na ginagawa mo'kong gago na satingin mo maloloko mo,” aniya sa padabog na tono.

Gosh. Satingin ko uusok na ang ilong ko sa sobrang inis. Ano bang kahihinatnan ng usapang 'to?

“Satingin mo ba hindi ako mukhang tanga ngayon na nag-e-explain sa harap mo, to think na hindi naman talaga tayo magkakilala? Na hindi kita kilala. Sorry to say this pero wala naman sana akong panahon makipag-usap sayo, eh. Like the hell I care kung masama ang loob mo dahil feeling mo dine-deny ka ni Lauren, when in fact hindi naman talaga siya ang kaharap mo ngayon. Kaya hindi ko obligasyon na mag-explain sa'yo pero heto ako, nagpapaliwanag at nag-sasabi ng totoo para maliwanagan ka. Kung tutuusin, ang laki na nga ng atraso mo sa'kin dahil sa pag-aakala mong magkakilala tayo eh. Wala akong kinalaman sa inyong dalawa kaya puwede ba respetuhin mo'ko? Hindi 'yong sa'kin mo ibinubunton 'yong galit mo sa Lauren na 'yan. FYI, hindi ako siya kaya mahiya ka naman.”

Sumabog na talaga ako, eh. Hindi ko na na-kontrol.

Muling naging blangko ang mukha niya. Sasagot sana siya nang muli akong nagsalita.

“And do'n sa part na baka hindi talaga nag-e-exist 'yong Lauren na 'yon, baka naman ako talaga 'yong ginagawa mong gago kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako si Lauren. Ako si Sabrina kaya ikaw dapat ang kini-kuwestiyon ko,” dagdag ko. This time, mas mariin ang pagkakasabi ko.

Agad siyang bumwuelta.

“Sa tingin mo, bakit naman ako magsasayang ng oras kung hindi talaga nag-e-exist si Lauren? Bakit kita pag-aaksayahan? Sino ka ba... sa akala mo?”

Na-off guard ako sa tinuran niya.

Natameme nalang ako. Siya naman, napasandal sa upuan niya.

“Mas lalong naging magulo lahat. Lalo akong naguluhan. Ngayon, kung tapos ka na...”

Tumayo siya.

“I'm out of here,” aniya bago naglakad paalis.

Dumaan siya sa gilid ko. Nasa likuran ko kasi ang daan palabas.

Napayuko ako at napahawak sa ulo.

Tama siya. Mas lalong naging magulo.

Well, kung hindi nga nag-e-exist si Lauren, bakit niya naman ako guguluhin?

Hmm.. Napa-angat ako ng ulo.

Baka may gusto siya sa'kin?

I rolled my eyes. Ang assuming ko, oo.

Ang lakas naman ng loob kong isipin 'yon samantalang hindi ko 'yon masabi sa mukha niya kanina.

Naisip kong umalis na kaya tumayo na ako.

Napasinghap ako nang maalala ang...

Napatingin ako sa table at...

Wala roon 'yong...

Nasaan na 'yong purse ko?!

Hala... Lagot na...

Tumingin ako sa ilalim ng table kung naroon ba ang purse ko pero wala!

Hindi ako sumuko agad. Hinanap ko sa paligid hanggang sa mapansin ako ng barista.

“Ma'am, may problema po ba? May maitutulong po ba ako sa inyo?” untag nito sa'kin.

Namumutlang bumaling ako sa kanya.

Ang laki ng problema ko! Hindi ko kayo mababayaran!

Saan ako pupulutin nito?!

Hindi ko alam kung matutulungan ba ako ng baristang 'to pero susubukan ko parin. Magsasalita na sana ako kaso nagsalita muli siya.

“Nga po pala, nabayaran na po 'yong bill niyo. Binayaran na po no'ng lalaki kanina na kasama ninyo,” aniya.

Parang mahihimatay ako sa pagkaka-palagay ng loob. Jusko, buti nalang!

“G-Gano'n ba? Kung gano'n, salamat,” nakahingang maluwag kong saad at umupo ulit.

Alanganing ngumiti siya sa'kin bago ako iniwanan na roon.

***

Tulala akong lumabas ng coffee shop. Nawala talaga 'yong purse ko. Hindi ko nahanap.

Anong gagawin ko ngayon?

Paano ako uuwi?

Napasabunot ako sa sarili ko. Ang clumsy ko talaga!

Ni hindi ko maalala kung saan ko iyon naiwala at kailan ko iyon huling hawak.

Problemadong naglakad-lakad ako sa gilid ng kalsada. Pilit nag-iisip ng paraan kung paano ako uuwi. Kahit wala talaga akong mahagilap na way. Siguro kasalanan din ng nakakabwisit na klase-klaseng tunog ng mga sasakyang dumadaan.

Paano nga ba? Huhu!

Literal akong napatalon nang biglang may bumusina sa akin.

Bwisit! Sino ba 'tong—

Napairap ako nang mag-baba ng bintana ang sasakyang tumigil sa tabi ko. Siya na naman!

“Bastos ka rin, eh, 'no? Bigla-bigla ka nalang nambubusina!” singhal ko sa kanya.

Sobrang nagulat talaga ako eh, plus nakita ko na naman ang mukha niya.

Umismid siya sa'kin.

“Of course, I had to do that para malaman kung sino 'yong pulubing naglalakad,” walang emosyon niyang saad habang nakatingin sa harap para iwasang tignan ako. 'Yong parang pati siya, nabi-bwisit na rin sa mukha ko. Hah! How dare he!

“Anong sabi mo?!” I snapped.

Tumingin siya sa'kin.

“Wala, 'di na,” walang gana niyang saad.

“Anong wala?! Alam mo, ikaw?! Nananahimik ako dito tapos bigla mo akong bubusinahan?! Sumo-sobra ka na talaga!” high blood kong sigaw sa kanya.

Umismid na naman siya.

“Eh, bakit ka ba naglalakad?” mahinahon niyang tanong na halatang ayaw na akong patulan.

Muli akong umirap at humalukipkip.

“Paki mo.”

“Wala naman akong paki kaso nga lang... Hindi naman puwede na hayaan lang kitang maglakad dito mag-isa. Madilim.”

Bakit parang sincere sa pandinig ko ang boses niya?

Duh. Imagination ko lang yata.

Hindi ako nakasagot dahil sa confusion.

“Bakit ka nga kasi naglalakad? Marami namang dumadaang taxi, ah?”

“Wala akong pera, eh. Nawala 'yong purse ko. Hindi ko alam kung saan ko naiwan. Kasama na rin 'yong phone ko kasi ando'n 'yon sa loob no'n,” diretso kong sagot. Tinatanong niya, eh.

“Hop in.”

Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya.

“Are you gonna stand there forever? Pasok ka na sabi. Hatid na kita.”

“A-Ayoko.”

Umiwas ako ng tingin.

“At bakit ayaw mo?”

Pilit ko siyang tinignan.

“Hello? Bakit mo naman ako ihahatid? Eh, hindi ba, galit ka sa'kin? Kaya huwag na. Salamat nalang.”

Ngumiti siya. Ngiting ngayon ko lang nakita. Parang namangha pa nga ako sa ngiting 'yon dahil hindi ko namalayang napatitig na pala ako nang matagal sa mukha niya.

“So, nahihiya ka?” nakangiti niyang tanong.

Tinaasan ko siya ng kilay.

“Hiya ka diyan. Ang ibig kong sabihin, wala akong tiwala sa'yo. Baka i-murder mo pa ako this time 'no.”

At na-bad trip na naman siya.

“Ang labo mo. Ikaw na nga tinutulungan. Bahala ka na nga.”

Isinara niya muli ang bintana at pinatakbo na ang sasakyan niya.

Antipatiko. Hindi naman ako nag-sisisi!

Hindi nga ba?

Pero hindi pa lang nakakalayo 'yong sasakyan niya, umatras na naman ito pabalik sa direksyon ko.

Nagbaba ulit siya ng bintana.

“Hindi ka ba talaga magpapahatid?” napipilitan niyang tanong.

“H-Huwag na. S-Salamat nalang talaga,” sincere kong sagot.

Nag-e-effort na siyang tumulong, eh. Ayaw ko na siyang sagutin nang pabalang. Pero hindi ko talaga kayang magpahatid, eh. Hindi kami magkakilalang talaga at nagkasagutan pa kami kanina sa coffee shop at pati na rin dito. Pumipigil 'yong pride ko.

Sandali siyang natahimik na parang binabasa ang laman ng utak ko. Sa huli, napabuntong hininga nalang siya.

“Bibigyan nalang kita ng pera,” turan niya habang may kinukuha sa wallet niya.

“Babayaran kita. Ang pangit naman no'ng term na bibigyan mo'ko. Ano ako, pulubi?” I said.

Nagsasaya ang kalooban ko sa kaalamang makakauwi ako. Hulog din pala ng langit ang isang 'to. Pero ngayon lang. Atleast.

Tinitigan niya ako dahil sa sinabi ko.

“Sige, bayaran mo'ko. Ikaw na ang bahala kung paano dahil wala na rin namang kasegurohan na magkikita pa tayo.”

Ini-abot niya sa'kin ang dalawang libo. Ang laki naman yata masyado ng binibigay niya.

Pero tinanggap ko na rin. In case rin, hindi ba?

Ang conceited lang ng dating. Mayaman? Gano'n?

“Mauna na ako.”

“S-Salamat.”

“Huwag kang magpa-salamat. Gaya ng sabi mo, babayaran mo'ko,” he said bago isinara ang bintana niya.

At ayun, umalis na siya.

Mabilis naman akong sumakay na ng taxi. Napaisip ako sa sinabi niyang wala na raw kasegurohan na magkikita pa kami ulit. Hmm, meron naman.

Through Frank.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height