+ Add to Library
+ Add to Library

C5 INTG

"Ate?" biglang tawag ng boses ni Kyla mula sa labas ng kwarto ko. Napabaling naman ako sa pinto.

"Ano 'yon?"

Nakahilata lang ako sa kama ko. Wala akong ibang magawa, e. I was trying to sleep pero ayaw naman akong dalawin ng antok.

"May naghahanap sa'yo."

"Huh? Sino?" pagtataka ko.

"Labas ka nalang, Ate. Dali na."

"Eh sino nga? Sige ka, hindi ako lalabas hangga't hindi mo sinasabi."

Hinintay ko siyang sumagot pero wala na akong narinig. Walangyang babae, umalis na yata. Bumangon ako at humarap sa salamin.

Sino naman kaya ang naghahanap sa 'kin? Wala naman akong maisip na puwedeng bumisita rito sa bahay na kakilala ko, e. Dumako ang tingin ko sa wall clock. Nine thirty ng umaga. Itinali ko into ponytail ang mahaba kong buhok. Inayos ko rin ang oversized t-shirt ko na nagusot dahil sa kakahiga.

Kaya siguro umalis agad si Kyla kasi napuyat 'yon kagabi at inaantok pa. I think katatapos lang mag-break fast no'n tapos matutulog ulit. Late na nagising. Hindi na rin namin ginising kanina para sumabay sa aming mag-agahan dahil anong oras na umuwi iyon kagabi.

Mabilis akong lumabas na ng kwarto ko. Baka naman kasi dating kaklase o kaibigan lang 'yong bumisita.

Nang pababa na ako ng hagdan, nahuli ng tenga kong parang may kausap si Jello sa salas.

"Parang hindi ka naman po kayo pamilyar sa'kin. Sino ka ba tsaka anong kailangan mo sa Ate ko?" rinig ko pang sabi ng kapatid ko.

"Mayroon lang akong isusuli sa Ate mo."

Kumunot ang noo ko. Napatigil rin ako sa paghakbang pababa. 'Yon ba'yong kausap ni Jello na bisita ko rin? Napaka-pamilyar ng boses...

Dahil sa sobrang kuryoso, nagmadali na akong pumunta sa salas.

Pagkarating ko roon...

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

***

"Ang bilis mo namang maningil. Kagabi lang ako umutang sa'yo tapos ngayon agad 'yong bayad?" pabiro kong saad.

Kanina pa kasi siya tahimik, e. Para sa'kin iba ang aura niya ngayon. Hindi naman siya ni isang beses nagbalandra ng ngiti, pero may iba talaga sa kanya. Hindi na siya mukhang suplado...

Mag-kaharap kami ng upo. Katabi ko si Jello na tila walang pakialam sa mundo at kumakain lang ng cookies na kasama sa hinanda kong meryenda para sa hindi ko inaasahang bisita ko.

"Hindi 'yon ang pinunta ko rito," mahinahon na tipid niyang balik.

Hay, iba na talaga siya ngayon pramis. Hindi na antipatiko ang dating ng pananalita niya, magaan na! Gusto ko tuloy mag-ala nagdi-dream sa harap niya.

Anyway, buti nalang wala sina Mama ngayon dahil kung hindi, kanina pa tinadtad ng tanong 'tong lalaking 'to.

"Eh, ano palang sadya mo? Tsaka paano mo nalaman na dito ako nakatira?" sabay ngumiti ako ng magaan kunyari. Parang gusto ko tuloy kabahan dahil hindi raw 'yong utang ang pinunta niya rito?

"Because of this..." sabay inabot niya sa'kin ang...

Purse ko?

"Naiwan mo 'to kagabi sa kotse ko. Dahil sa I.D.'ng nandyan sa loob, natunton kita."

Kinuha ko ang purse ko mula sa kamay niya. Hindi ko man lang napansin kanina na hawak-hawak niya pala 'to.

Tumingin muli ako sa kanya at teka lang ah...

Kanina pa 'to titig nang titig sa'kin, e.

"Kanina ka pa ah?"

"H-Huh?" he stammered.

"Kanina ka pa titig nang titig sa'kin. May dumi ba ako sa mukha?"

Inilayo niya naman ng mabilis ang tingin.

"I'm sorry. Kamukhang-kamukha mo lang talaga siya. Si Lauren. I can't believe na... magka-ibang tao kayo." Nakaiwas pa rin siya ng tingin at para bang konti nalang ay mapapayuko na.

Wait...

Tama ba iyong narinig ko?

Nag-sorry siya at naniniwala na siyang hindi ako si Lauren?

Napangiti ako nang malapad.

"Hay, buti naman at naniniwala ka na." I sighed. "Pero paano? Bakit naniniwala ka na?"

Dumapo ulit ang mga mata niya sa'kin.

"Well, hinalungkat ko ang purse mo just to know kung sino ang may-ari, then I saw your I.D. at iba pang mga proof na ikaw talaga si Sabrina dela Cruz.

"I am so sorry sa inasta ko. Sobrang magka-mukha lang talaga kayo ng kaibigan ko. Hindi ko sinasadyang mapagkamalan ka," he said in a super sincere tone.

Umangat ang isang kilay ko. And it's like on cue na may pumasok namang idea sa utak ko pagkatapos no'n.

Umayos ako ng upo sabay humalukipkip. "Sige, tatanggapin ko ang apology mo, but in one condition."

Grabe rin 'yong pag-turing niya sa'kin 'no. Hindi puwedeng porket nag-sorry na, okay na agad. Saglit na nagsalubong ang kilay niya kasabay ng bahagyang pag-angat ng sulok ng kanyang labi.

"Anong kondisyon naman?"

"Magpakita ka sa'kin ng litrato ni Lauren para—"

"Mapatunayang nag-e-exist talaga siya?" sabat at dugtong niya sa sinasabi ko. Nahuli ko ring bahagyang umangat ang isang kilay niya.

Tumango ako. "Oo, malay ko bang nanloloko ka lang."

Kinalikot niya ang phone niya at napahaba naman ako ng leeg para madungaw kung anong ginagawa niya doon. Maya-maya'y sa wakas ay inabot niya na ito sa'kin kasi sa totoo lang wala akong nakita. Tinignan ko naman agad ang screen nito.

Bigla akong napatigil. Naramdaman ko pang unti-unting gumuhit ang mga linya sa noo ko. Pinakatitigan ko ang babaeng nasa picture.

Naka-uniform siya. Mahaba ang straight na buhok.

Nakangiti na parang ako.

At sa totoo lang ay parang ako rin ang nakikita ko. Ang babaeng ito.

Buhok lang ang kaibahan namin dahil natural na may malalaking curl ang akin samantalang sa kanya ay straight. At alam kong malabong ako rin mismo ang nasa picture dahil iba ang uniform niya sa uniform ng mga dati kong eskwelahan. Kamukha ko... Hindi ako... Ibang tao...

Dahan-dahan akong lihim na napalunok. P-Possible ba 'to?

Paano?

Paano nangyaring magkamukha kami ng sobra?

"Edited lang yata 'yan, eh," nasabi ko nalang, tila pagpapaniwala ko rin sa sarili sabay lapag no'ng phone sa mesa malapit sa pwesto niya.

Kinuha niya iyon at tumayo.

"Hindi kita pipiliting maniwala. Basta't humingi na ako ng tawad at ginawa ang kondisyong hiningi mo," aniya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height