+ Add to Library
+ Add to Library

C6 INTG

"Ka-anu-ano mo si Lauren?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng gate ni Dominic. Aalis na kasi siya kaya kailangan ko nang ihatid sa labas.

Hindi siya tumigil sa paglalakad pero alam kong narinig niya ang tanong ko. Diretso lang siya palabas at nakasunod naman ako sa lilkuran niya.

"Sabi ko nga, matalik na kaibigan ko siya," walang lingon-lingon niyang sagot.

Nakalabas na kami ng gate at bubuksan na sana niya ang driver seat ng kotse niya nang magsalita ulit ako.

"Nasaan siya ngayon?"

Humarap siya sa'kin. Padabog, kung hindi ako nagkakamali.

"Hindi ko alam. Wala na akong balita sa kanya," sagot niya, blangko lang ang mukha.

Ow. May kaduda-duda...

Napasingkit ako ng mga mata. "Akala ko ba matalik kayong magkaibigan? Paano nangyaring hindi mo alam kung nasaan na siya ngayon?"

Binigyan niya ako ng buntong-hininga bago muling nagsalita.

"Ang dami mong tanong. And as far as I know, hindi ko obligasyon na sagutin lahat ng tanong mo. Lalo na't masyado nang personal."

Inalis ko ang tingin sa kanya kasi may point siya. Sino nga ba ako para tanungin siya ng kung anu-ano? Pero naku-kuryoso lang naman talaga ako, e. And at the same time, nagdududa. Kaduda-duda naman kasi siya.

"Okay. Sorry naman," sabi ko, sarcastically.

Pero mukhang ayaw na niyang pansinin pa ang sinabi at tono ko.

"Mauna na nga pala ako. Again, it was nice meeting you Miss Sabrina dela Cruz. Sana kalimutan nalang natin 'yong nangyari, tutal, nakapag-paliwanagan naman na tayo," at agad na siyang tumalikod upang ituloy na ang pagbukas ng pinto ng kotse niya.

Wow lang, ah. Conceited na nga, bossy pa!

Napahalukipkip ako sabay tingin ng masama sa kanya dahil hindi rin naman niya malalaman.

Sana kalimutan nalang natin ang nangyari, tutal, nakapag-paliwanagan naman na tayo.

Kapal! Para lang siyang nag-uutos. Pumasok na siya sa sasakyan niya at binuhay ang makina. Hindi nagtagal ay pinapanood ko na lamang ang takbo nito papa-alis.

Pero, hindi pa lang nakakalayo ang sasakyan, hinabol ko ito.

"Sandali!" sigaw ko habang tumatakbo.

Huminto ito 'di kalayuan. Mabilis naman akong tumakbo palapit doon. Agad din itong nagbaba ng bintana pagkalapit ko.

"Bakit?" ani Dominic, bumabalandra ang pagtataka sa buong mukha.

Hinihingal man, "'Y-Yong utang ko, hindi ko pa nababayaran. Sandali lang, kukunin ko. Dito ko lang."

Tatakbo na sana ako papasok ng bahay para kunin 'yong bayad ko sa kanya kaso pinigil niya ako. "Huwag na! Hindi mo na ako kailangang bayaran. Hindi ko kailangan 'yong pera."

Napaharap ulit ako sa kanya.

"Huh? Utang 'yon, 'yon 'yong kasunduan natin kagabi,'diba? Kaya babayaran ko," pag-apela ko.

Aamba na naman sana akong tatakbo kaso...

"Kahit bayaran mo pa ako ngayon, hindi ko rin naman tatanggapin. Aalis na ako."

Aktong patatakbuhin na niya ulit ang sasakyan niya.

"Teka lang! Ang gulo mo! Sabi mo kagabi, kailangan kitang bayaran tapos ngayon ayaw mong tanggapin?" 'Yon 'yong sabi niya, 'diba? 'Diba?!

Nahuli ko ang saglit na pag-ngisi niya.

"Babayaran mo ako sa ibang paraan. Sa paraang gusto ko," aniya bago ngumiti nang nakakaloko.

Pinatakbo na niya ang sasakyan at tuluyan nang umalis. Naiwan akong puzzled. Tulala.

Anong ibig niyang sabihin?

***

"O, Ate? Bakit ngiting aso ka diyan?"

Inirapan ko lang si Kyla sabay binalik ulit ang tingin sa screen ng bago kong phone. Binilhan ako ni Papa kanina. Alam niya raw kasi kung gaano ito ka-importante sa paghahanap ko ng trabaho.

Gabi na at nandito ang babaetang Kyla na 'to sa kwarto ko. Dito talaga siya mahilig tumambay tuwing pagkatapos ng hapunan. Nakikigamit ng laptop. Hayst.

Hindi pa kasi siya binibilhan ng laptop dahil wala pa siya sa kolehiyo. Nasa senior high palang ang babaeng 'to. Bakasyon naman ngayon kaya obviously hindi tungkol sa eskwela ang ginagawa niya sa laptop ko. Kung anu-ano lang, tulad ng pag-so-social media. Lalo na yata ang pakikipag-video call. Kay Frank.

Pero hindi iyon ang ginagawa niya ngayon. Nakikipag-chat lang yata siya.

Napangiti nalang ulit ako dahil sa—

"Ayiee. Siguro dahil do'n kay Kuya Dominic kaya ka nagkaka-ganyan, no? Naku, humaharot ka na talaga, Ate. Grabe," aniya na pumawi ng ngiti ko sa labi.

Kumuha ako ng unan at binato sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya't nanigas nang tumama sa mukha niya 'yong unan. Sa laptop kasi nakatuon 'yong tingin niya kaya hindi niya namalayan na babatuhin ko pala siya.

"Ate naman, e! Ang sakit no'n, ah!" reklamo niya na hinihimas ang bridge ng ilong.

"Huwag mo kasi akong ginagaya sa'yo, 'no. Hindi porket nakangiti ako ngayon, si Dominic na agad 'yong dahilan. Hay, naku. Ano pa bang i-eexpect ko sa'yo, eh puro lovelife o kapusukan lang naman ang laman ng utak mo. Para sabihin ko sa'yo, nakangiti ako ngayon kasi may tumawag na sa akin para sa interview bukas!"

Tumamlay naman 'yong mukha niya.

"Wow, ang harsh mo naman magsalita, Ate. Walang pakundangan. Malay ko ba, eh may pagbisitang naganap kanina. Malamang, 'yon talaga iisipin ko. Duh."

Itinuon na niya ulit ang tingin sa screen ng laptop.

"Dapat kasi nagtatanong ka muna. Tsaka hindi ka pa ba babalik sa kwarto mo? Anong oras na, o?" Tumingin ako sa wall clock saglit bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Kailangan ko nang matulog."

"Hehe, hindi naman ako mag-iingay, e, pramis. Puwede ka nang matulog diyan, Ate," ngiti niya sa akin na halatang ayaw pang lumabas ng kwarto ko.

"Hay, istorbo ka naman e." Marahas na napakamot ako ng ulo.

Hindi niya pinansin ang tantrum ko kaya humiga nalang ako habang nakasimangot. Siguraduhin niya lang talaga na hindi niya ma-iistorbo ang tulog ko, ah.

"Teka, Ate. Ano nga pala pinunta ni Kuya Dominic dito kanina? Nabigla ako kanina no'ng sabihin ni Jello na may bisita raw tapos paglabas ko si Kuya Dominic pala. Pero mas nabigla ako no'ng sabihin niya na gusto ka raw niyang makausap," maya-maya'y biglang tanong ni Kyla na hindi inaalis ang tingin sa laptop.

"Hindi ka maniniwala kapag sinabi ko sa'yo," mabilis ko namang sagot sa kanya dahil hindi pa ako dinadalaw ni antok. Dilat na dilat pa nga mga mata ko, e.

Lumingon siya sa'kin na may mukhang katulad ng sa'kin no'ng kinukulit ko si Dominic kanina kung sino si Lauren.

Ikenwento ko kay Kyla 'yong buong usapan namin kanina ni Dominic. Nagulat siya tapos sinabi niya pang baka nang-go-good time lang daw ako. Nilapitan ko naman at binatukan kaya ayun, parang naniwala na rin.

Tinanong niya sa'kin kung kamukha ko ba talaga 'yong babae sa litrato at inamin ko namang oo. Carbon copy talaga kami, e. Parang ang hirap na ngang paniwalaan. Imposible naman kasi masyado 'yong gano'n, 'diba?

Okay sana kung hawig lang, kaso hindi, e. Sobrang kamukha ko talaga siya. Wala yata kaming pagkakaiba, e.

Hindi na rin masyado pang nag-comment si Kyla kasi parang pati siya, hindi niya alam kung maniniwala ba siya. Pero sinabi niyang imposible naman daw na magsinungaling si Dominic. Isang Dominic daw ba magsasayang ng oras sa walang katuturang bagay?

Ewan, hindi ko rin alam. Hindi ko naman siya kilala kaya hindi ko alam ang pagkatao niya.

Kinabukasan, hinatid ako ni papa sa kompanyang tumawag sa'kin kahapon para sa interview ngayong araw. Pagbaba ko ng kotse, agad akong napatitig sa buong building. Napaawang ang bibig ko. Ito na ata ang pinakamalaking building na nakita ko sa buong buhay ko...

“Bye na, anak. Mag-ingat ka, ha.”

Napabalik ang tingin ko kay papa saka ngumiti. “Kayo rin ho, papa. Babye po.”

Pinatakbo na ni papa ang kotse at habang papalayo siya, kumaway pa ako.

Mabilis din naman akong pumihit na ulit paharap sa building at tinignan ito. Grabe, ang taas at lapad talaga ng building ng kompanyang 'to. Isa itong kompanya na nag-mamay-ari ng hotels sa iba't-ibang parte ng Maynila. Hindi ako makapaniwalang ganitong klaseng kompanya ang tatawag sa'kin.

Parang nag-dalawang isip pa nga ako no'ng magpasa ako dito ng employment application kasi parang wala naman akong pag-asa. Pero tignan mo nga naman, nandito ako para sa isang interview.

Huminga ako ng malalim. Nakaka-kaba. Sobra.

Naglakad na ako para pumasok sa loob at dumiretso sa reception desk.

"Hello, Ma'am. How can we help you?" agad na tanong no'ng isang receptionist.

"I'm Sabrina dela Cruz. Nandito ako para sa isang interview with Mr. John Sebastian."

Ngumiti siya bago may tinawagan sa telepono.

Mukhang agad namang sumagot 'yong nasa kabilang linya. Pinaalam niya sa kausap niya na nandito ako para sa interview. Bigla siyang natahimik na parang nakikinig nang mabuti at napasagot nalang ng...

"Yes, Sir."

Nakangiting binalingan niya ulit ako.

"Hatid ko na po kayo, Ma'am."

Lumabas siya sa reception desk.

"Sumunod po kayo sa'kin," aniya bago nagsimulang maglakad.

Sumunod naman ako. Sumakay kami ng elevator at pinindot niya ang 30th floor.

Ilang minuto rin kami sa loob ng elevator bago kami nakarating sa paroroonan. Nang makalabas kami, diretso lang sa paglalakad 'yong receptionist at tahimik lang akong nakasunod. Napaka-professional naman niya. Hindi niya talaga ako kinakausap. Gusto ko na tuloy isipin na suplada siya, ngumi-ngiti-ngiti lang kasi trabaho.

Pero maya-maya'y nawala rin sa isip ko ang katahimikan no'ng receptionist dahil nalula na ako sa mga estruktura at designs na nakikita ko. Ang ganda... Ano pa nga bang ikagugulat ko, eh mga hotels nga ang bussiness ng company na ito.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa pumasok kami sa isang double glass door na nakabukas. Malaking pwesto ng lugar ang bumungad sa akin. May table at swivel chair sa gilid na bakante pero malinis naman.

May konting mga gamit. May shelf na puno ng mga folder na may lamang mga dokumento. May mga naka-display din na mga halaman na nakapaso sa gilid.

Tumigil kami sa isa pang double glass door na nakasara. Halos katabi lang ito no'ng table na bakante.

Hindi lang basta glass door itong isa dahil mirror siya kaya nakikita ko ang kabuoan ko. Unlike doon sa naunang nakabukas na double door na ordinary glass lang talaga.

In fairness, ang ganda ko ngayon. Pormal kasi.

Kumatok ang receptionist sa pinto ng tatlong beses.

"Come in," boses na galing sa loob.

Kinabahan ako lalo. Siya na kaya si Mr. John Sebastian?

Malamang, oo.

Binuksan na ni receptionist girl ang left side ng pinto at sinenyasan akong sumunod.

Pagkapasok naming dalawa...

Ang laki ng loob tapos ang gaganda pa ng mga materyales. Na-realize ko rin na one way mirror pala ang salamin ng pinto. Nakikita mula rito sa loob ang labas.

Lumapit kami sa table kung saan mayroong lalaking nakaupo sa swivel chair na nakatalikod. May nilalaro itong rubik's cube sa kamay. Eh?

"Sir, siya po 'yong applicant na nag-a-apply for secretarial position."

"You may go. Maiwan mo na kami," sagot naman nito.

Teka, parang—

Napatingin ako sa receptionist na mabilis nang pumanhik para lumabas.

"Take a seat," may authority na saad ng lalaki na nagpabalik ng tingin ko rito.

Umupo naman agad ako sa upuan na nasa tapat ng table niya.

"So, Ms. Sabrina dela Cruz, nag-apply ka pala sa company ko," sabi niya na nakatalikod pa rin.

Huh?

Gosh, kailangan ko bang sumagot?

"A-Ah—"

Kakapalan ko nalang sana ang mukha ko at sasagot nalang ng kung ano, kaso bigla siyang humarap at...

"I-Ikaw?" hindi makapaniwalang bulalas ko.

Ngumisi lang siya sa akin.

P-Paanong..?

"Ako nga. It's nice to see you again, Ms, Sabrina."

Inilapag niya ang rubik's cube sa table niya, napahabol ako ng tingin dito at napako nalang ang mga mata ko sa pangalang nakapatong sa table niya.

DOMINIC R. IGNACIO. CEO.

What?! CEO?!

You must be kidding me...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height