+ Add to Library
+ Add to Library

C10 LSO 9

Rebecca's heart is beating fast. Why is that? She clutched her chest, trying to slow down her heart, but doing so did not help. It is the first time that it happened to her just because of someone's smile.

At talagang dahil pa iyon sa ngiti ng Logan na iyon. Nababaliw na ba siya?

"Becca, anak?" Napaigtad siya sa pagtawag ni Nanay Marita sa kaniyang pangalan. Kumunot ang noo nito. "Anong ginagawa mo riyan sa may pinto?"

Isinenyas niya ang mga kamay upang sabihing 'wala.' Sinabayan pa niya iyon ng sunud-sunod na pag-iling.

Lumapit sa kaniya ang ginang, pagkatapos ay saglit na sumilip sa bintana. Nakita nito si Logan na nakaupo pa rin sa may bangkito at nakatalikod sa kanilang direksyon.

"May nangyari ba?" Muli nitong tanong sa kaniya. "Aba'y pulang-pula iyang mukha mo ah. May sakit ka ba? May masakit ba sa iyo?"

"I-It's really n-nothing, N-Nay..."

Nakita ni Rebecca kung paano saglit na matigilan ang ginang. Pero sigurado siyang hindi iyon dahil sa pagsasalita niya. Halos ito na at ang asawa nitong si Tatay Saul ang nagpalaki sa kaniya. Bago ang aksidente, orihinal na nagtratrabaho para sa pamilya ng pinsan niya sa England ang mag-asawa. At nang maaksidente nga siya noong magli-limang taong gulang pa lamang, na siya ring naging dahilan ng hirap niya sa pagsasalita ngayon, saka pa lamang niya nakilala sina Nanay Marita at Tatay Saul. Dalawampu't siyam na taong gulang na siya ngayon, at masasabi niyang talagang napakatagal nang naninilbihan sa kaniya ng mag-asawa.

Ibinibigay ng mag-asawa ang lahat ng gusto at kailangan niya. Ito na ang tumayong mga magulang niya sa nakalipas na halos tatlumpung dekada. Naalala pa niya ang mga paghihirap nito, lalo na noong hinahanap siya ng mga ito ng guro na magtuturo sa kaniya, at talaga namang hindi iyon naging madali. She was entirely homeschooled. Dahil sa layo ng kanilang isla, at dahil sa hirap niyang pagsasalita, walang mga guro ang nagtatagal sa kaniya, kahit na gaano pa kalaki ang kanilang ibayad.

Hindi na niya mabilang sa kaniyang daliri kung ilang beses siyang nagpapalit-palit ng mga guro na walang tiyaga sa pagtuturo, lalo na noong highschool. Mabuti na nga lamang at noong kolehiyo ay nakahanap sila ng professor na magaling at matiyaga.

"W-Wala ho talaga."

"Ang tagal na noong huli kitang marinig magsalita ng Tagalog. Akala ko nga'y nalimutan mo na e." Nakangiting sabi nito.

"H-Hindi ho."

Hindi naman talaga niya nakalimutan. But she often struggles speaking the language that's why she only use it sometimes. Mas sanay pa rin siya sa wikang ingles. Pero dahil palaging Tagalog ang pagsasalita ng mag-asawa, mabilis na sa kaniyang maintindihan iyon.

"Nagkausap na ba kayo ni Sir Logan?"

Sunud-sunod na tango ang isinagot niya.

"Ano? Paaalisin mo pa ba siya?" Muling tanong nito.

Hindi siya nakasagot kaagad doon. Bagkus, muli siyang napasulyap sa binata sa labas. Nakita niyang tumayo ito, saglit na tinignan ang mga bulaklak niya, at pagkatapos ay nagtungo sa pinakamalapit na puno ng niyog. Sumandal ito roon, at tingin niya ay nakatitig na sa mga hampas ng dagat sa dalampasigan. Napatingin na lamang siya sa mapuputi nitong mga paa na walang sapin. Tumataas na ang sikat ng araw. Maya-maya lamang ay iinit na ang buhangin, at kapag hindi pa pumasok ang binata sa loob ng bahay, paniguradong mapapaso ang mga paa nito.

Ngunit ano ba ang pakialam niya roon? Hindi dapat siya nag-aalala sa mga ganoong bagay. Ni hindi nga dapat niya ito inaalala.

Nagmamadali niyang tinalikuran ang ginang, at akmang aalis na sana nang may maalala. Ngunit kaagad din siya nitong pinigilan.

"O? Saan ka pupunta?"

Kinuha niya ang sticky note niya at nagsulat doon. Ibinigay niya iyon kay Nanay Marita pagkatapos.

On my room. I need to talk to someone.

"Huh? Ah, o sige. Nag-iwan ako ng tray ng pagkain doon. Kumain ka ha?"

Tumango-tango naman siya.

"Ah, Becca, anak."

At kakasampa pa lamang niya sa unang baitang ng hagdan ay muli nitong tinawag ang kaniyang pangalan. Kaya naman muli siyang napalingon dito.

"Gusto mo bang mag-celebrate tayo? Ipagbe-bake kita ng cake. Iyong paborito mo."

Nag-isang linya ang kaniyang labi. "Hu... H-Huwag na ho, N-Nanay," aniya, saka tuluyang nagtungo sa kuwarto niya.

Afterall, nothing in her life is worth celebrating.

***

"Ang ganda ng dagat, ano?"

Narinig ni Logan ang boses ni Nanay Marita. Nakatayo na ito hindi kalayuan sa kaniya at nakatingin din sa asul na asul na dagat.

"Oho, 'nay," nakangiting sabi niya. "Nakaka-relax. Malayong-malayo ho sa Maynila. Madumi ang hangin doon, maingay, at marami pang kawatan."

"Alam mo, iyang tanawin din na iyan ang dahilan kung bakit hindi ako nagsisi na sumama ako rito kay Rebecca."

Napatingin siya rito. Kahit hindi nakangiti ang labi nito ay kita naman niya na masaya ang ginang. Gusto sana niyang itanong kung bakit lumapit ang mga ito sa isla na iyon. Sa pagkakatanda niya, taga-Britain si Rebecca at ang buong angkan ng mga Watkins. Nabasa niya iyon sa profile ng babae. Sikat na sikat ang pamilya nito sa England dahil na rin sa isa ito sa pinakamayamang pamilya roon. Surely, Rebecca must lived a good life. Even better then living here.

But if her life was really good there, why bother moving here, in an isolated island?

Iyon ang gusto niyang itanong sa ginang pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Bukod sa wala siyang karapatang itanong iyon, alam din niyang kahit malaman pa niya ang dahilan, wala pa rin namang magbabago. He's here temporarily. After his contract, he'll disappear like the wind. Mawawala na siya sa buhay ni Rebecca at mawawalan na rin ito sa buhay niya. Just like that.

Kaya nga mas mabuting hindi na siya masyadong sumawsaw sa buhay ng mga ito. Ika nga, mas konti ang alam, mas simple ang buhay.

"Nanay, are you going to celebrate Rebecca's birthday?" Kapagkuwan ay tanong niya. When's her real birthday anyway? Naku-curious na tanong ng utak niya.

Nakita niyang saglit na natigilan ang ginang. "E tinanong ko na ho siya kanina, ayaw daw niya," sabi nito. "Magkukulong lang uli iyon sa kuwarto. Ganoon na ganoon 'yong batang iyon e."

"Why don't we celebrate for her? I'm sure, she'll like it if we surprise her," aniya.

Surprise, your ass. Now you know surprises? Since fvcking when? Sarkastikong sabi ng tinig sa loob ng utak niya. Kung puwede lamang niya iyong bugbugin ay baka ginawa na niya.

"Naku, Sir Logan. Kilala ko iyang alaga ko. Kapag sinabi niyang ayaw niya, ayaw niya talaga. Baka madagdagan na naman ang tampo niya sa akin."

"Nanay Marita, I was hired to help her communicate with other people, right? Kung hindi natin susubukan iyong mga ganito ngayon pa lang, kailan pa siya matututo?"

Nakita niyang nag-isip ang ginang. Pinag-iisipan nito ang sinabi niya.

"Sigurado ka ba, anak?" Paninigurado nito. "Naku, kapag nag-alburuto iyong si Becca, tatlong araw talagang hindi mamamansin iyon."

"Nanay, wala ka bang tiwala sa akin?" Hindi na talaga siya makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. "Plus, you don't need to worry. I can take all the blame. I'm willing to take full responsibility. I'll say I plan this."

"Alam mo, kanina ko pa talaga siya gustong ipag-bake ng cake e."

"Then do it now, 'nay." Pang-eengganyo niya. Matutuwa iyang si Rebecca. Ako ang bahala. Try to act normal as much as possible. Let us just surprise her later this evening."

Kung may award lamang na Best in Panunulsol, baka siya na ang nakatanggap.

Lumawak naman ang ngiti ng ginang. "Naku, sige. Gusto ko iyan."

Dali-dali siya nitong tinalikuran, at nang makita ang asawa na katatapos lamang ayusin ang storage, kaagad iyong tinawag ng ginang at sinenyasan gamit ang kamay.

"Saul, Saul. Halika. Tulungan mo ako't magluluto tayo."

Wala mang kaalam-alam sa nangyayari ay sumunod pa rin sa asawa papasok ng bahay. Napangiti na lamang siya roon bago ibinalik ang tingin sa dagat. Saka niya napagtanto ang lahat ng mga salitang kaniyang nasabi sa ginang.

"Logan, you are fvcking crazy," madiin niyang sabi sa kaniyang sarili.

Ito ang kauna-unahang beses na mang-susurpresa siya ng isang tao. He must be really getting crazy.

Nagtagal pa siya ng ilang minuto sa pagtitig sa dagat. At nang magsimula nang uminit ang buhangin sa ilalim ng kaniyang mga paa ay napagdesisyunan na niyang pumasok muli sa loob ng bahay. He decided to go back to his room and eat the food that Nanay Marita left earlier on his room. Pagkatapos niyon ay inihanda niya ang kaniyang isusuot saka naligo.

The day goes on as usual after that.

Eksaktong kakabihis lamang niya nang tumunog ang cellphone niya. Kumunot ang kaniyang noo nang makitang numero ni Allanic ang nakarehistro sa screen ng de-keypad na cellphone. Hindi iyon naka-save, ngunit kabisado kasi niya iyon, kaya niya alam na sa sekretaryo niya iyon.

Ang numero sa cellphone niyang iyon ay talagang pribado. Kahit ang kapatid niya, hindi iyon alam. Ngunit ibinigay pa rin niya iyon kay Allanic at sinabing tawagan lamang siya kapag talagang napakahalaga lamang ng dahilan, katulad ng mga emergency. Ibinilin din kasi niya kay Manang Alberta na kapag may nangyari habang wala siya, si Allanic ang tawagan nito. And to think that his secretary will call at this time, something bad must have happened.

Kaagad niyang sinagot ang tawag. "Allanic, what is it?" Walang paligoy-ligoy niyang sabi.

Direct to the point din naman ang sagot ng lalaki. Alam na alam kasi nito na ayaw na ayaw niya ng mga eche-bureche pagdating sa mga mahahalagang bagay.

"Sir Logan, a news just came to us. The ship the will supposedly export our premium wines did not reach Belgium. The ship cannot be detected anymore so I called your private investigators and according to them, the wines were likely stolen."

Agad na sumama ang timpla ng mukha niya. Nawala ang lahat ng ngiti sa kaniyang labi dahil sa narinig.

"Fvck." Madiin niya mura, hanggang sa magsunud-sunod na iyon. Hindi lamang premium wines iyon. Limited edition din iyon at talagang ginawa lamang para sa matataas na government official ng Belgium.

Nahilot niya ang bigla na lamang nanakit na sentido. Napakalaki ng halaga ng pera na inilabas niya para sa wines na iyon. Hindi iyong puwedeng basta-basta na lamang mawala o manakaw.

Ilang mararahas na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Nagpabalik-balik siya ng lakad sa silid upang subukang kalmahin ang kaniyang sarili. Kahit ang totoo'y nanggagalaiti na siya sa galit. Kahit ang totoo'y kumukulo na ang dugo niya at kulang na lamang ay sumabog siya sa sobrang pagkairita.

"Tell my investigators to call the customs and try to get some help. Kailangang maibalik sa atin ang mga wine na iyon." Patuloy siya sa paghilot sa sentido, pati na rin sa bridge ng kaniyang ilong.

"Noted, Sir Logan."

"And then, call the shipping company."

"What should I tell them, Sir?"

Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone.

"Tell them that I will fvcking burn their company into ashes."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height