+ Add to Library
+ Add to Library

C12 LSO 11

Sabi ni Logan, susunod daw ito. Napatingin si Rebecca sa nakasabit na orasan. Ngunit lagpas isang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin ito bumababa mula sa kuwarto. Hindi niya alam kung nakatulog na ba ito at nakalimutan ang cake, o talagang malaki lamang ang problema na kinakaharap nito.

Wala sa sariling napatingin siya sa dalawang slice ng cake na nasa magkaibang platito. Kanina pa siya nakaupo sa may sofa at pakiramdam niya, nangangalay na rin ang pang upo niya sa kakahintay. Napabuntong-hininga na lamang siya. Kung bakit ba kasi hinintay pa niya ito.

"Anak, gusto mo bang katukin ko na siya sa kuwarto niya?"

Kinuha niya ang whiteboard na nakapatong din sa mababang mesa at nagsulat doon.

No need, Nanay. Magpahinga na ho kayo.

Kita na niya ang pagod sa mukha ng mag-asawa. Paano'y buong araw na ring nagtratrabaho ang mga ito.

"Ha? E paano ka, anak?"

Binura ang isinulat niya sa whiteboard gamit mismo ang sleeve ng dress niya. Wala na siyang pakialam kahit na nangitim na ang maliit na parte niyon dahil sa tinta.

Magpapahinga na rin ho ako maya-maya.

"Sigurado ka ha?" May paninigurado sa tono ng ginang. Tumango-tango naman siya at binigyan ito ng maliit na ngiti.

"O sige. Matulog ka na ha? Anong oras na rin e," sabi sa kaniya ni Nanay Marita.

"Good night, Rebecca." Iyon naman ang sabi ni Tatay Saul.

Kapwa nginitian na lamang niya ang mga iyon. Tuluyan na siyang tinalikuran ng mga ito at tinungo ang direksyon ng quarters pagkatapos. Isang maliit na bahay iyon sa likod ng main house na para lamang talaga sa mag-asawa. Nang makaalis ang mag-asawa ay nanatili siyang nakaupo sa may sofa. Ngunit matapos lamang ang ilang minuto ay muli siyang napatingin sa cake sa mababang mesa.

Ah, bahala na nga.

Binitbit niya ang platito at nagtungo sa kuwarto ni Logan. Kumatok siya ng ilang ulit sa pinto ngunit wala siyang narinig na sagot mula sa loob ng kuwarto. Nagtaka siya, bahagyang kumunot ang noo. Nakatulog na ba ito? Tanong niya sa kaniyang sarili.

"L... Logan?"

Muli siyang kumatok. At nang wala uling sumagot sa ikalawang pagkakataon ay hindi na niya napigilan ang sarili. Sinubukan niyang pihitin ang doorknob. Ang to her surprise, bukas iyon; hindi naka-lock.

Pumasok siya sa loob ng kuwarto ng binata. And to her surprise, it is pretty neat. Nanay Marita told her that most guys are untidy when it comes to their rooms. But Logan's room isn't untidy at all. Hindi nito pinakialaman ang disenyo ng kuwarto, maliban na lamang sa inusod nito ang isa sa mga single seater na sofa at ang center table malapit sa bintana. May mga patung-patong na libro sa ibabaw ng table na iyon na tingin niya ay hiniram nitong lahat mula sa study hall. Maayos na nakahanay ang ilang sapatos nito sa ilalim ng kama. Ang ilang gamit nito na hindi na nito inalis sa nakabukas na maleta malapit sa paanan ng kama ay organisado rin.

Lumapit siya sa mga libro. Nakita niyang tungkol iyon sa mga wine. There are books about the different kinds of wines, the process of making wine, and even books about the history of wines. He is clearly into wines. At bahagya siyang namangha roon. Sa unang tingin ay hindi mahahalata sa binata na mahilig ito sa mga ganoong klase ng libro. Isa pa, sa tinagal-tagal niyang nakatira sa bahay na iyon, ni hindi niya maalala na may ganitong klase pala siya ng mga libro sa study hall.

Logan is such a mysterious man.

"What are you doing here, Rebecca?"

Napaigtad siya nang marinig ang boses nito mula sa kaniyang likuran. Muntik pa niyang mabitawan ang platito na may slice ng cake. Mabuti na lamang at mahigpit ang hawak niya roon.

Humarap siya sa binata. And to her surprise, hubad-baro ito. Kalalabas lamang nito sa banyo na tila katatapos lamang maligo. Isang kulay dark gray na pajama lamang ang suot nito habang pinupunasan ng tuwalya ang basang buhok. Tapat na tapat sa kaniya ang matipuno nitong pangangatawan. Agad niyang iniwas ang kaniyang tingin.

"Is this for me?" Tukoy nito sa slice ng cake na dala niya. Tumango-tango naman siya bilang sagot. "Subuan mo 'ko," anito kapagkuwan, habang ang mga kamay ay patuloy sa pagpupunas sa buhok nito.

Bahagya ito yumukod upang magpantay sila, at saka inilapit ang labi sa kaniya. Bahagya itong ngumanga, na siyang ikinatitig niya rito. Parang gustong manginig ng kaniyang mga kamay. Wala sa sariling nalunok niya ang kaniyang laway nang mapatitig sa labi nito.

What's with this guy? Hindi niya maintindihan. Hindi niya alam kung bakit ganito ang epekto sa kaniya ng bawat ginagawa nito, kahit gaano pa man iyon kaliit na bagay. She should take a step back and be cautious. Ngunit sa huli ay kinuha pa rin niya ang kutsara at sinubuan ito.

"Sweet..." anas ng binata.

Hindi niya ito matingnan nang diretso at napansin naman iyon ni Logan. Napatingin ito sa sariling katawan saka napagtanto na ang kawalan nito pang itaas na kasuotan ang dahilan ng pag-iwas niya ng tingin.

"Oh, sorry. I was about to sleep before seeing you here." Tumayo na ito ng tuwid, tinalikuran siya at tinungo ang malaking antigong cabinet sa hindi kalayuan. Binuksan iyon ng binata at naglabas doon ng isang hoodie. Ibinaba naman niya ang slice ng cake na nasa platito sa tabi lamang ng mga kumpol ng libro sa mesa. Saka napatingin sa papalayong bulto ng binata.

Kumunot ang noo niya nang makita ang mga peklat sa likod nito. It was just like hers. Marami rin. But it was not ugly to her eyes. In fact, there is something in her that makes her want to touch them. Kaya naman kusang gumalaw ang kaniyang mga paa; humakbang siya patungo sa binata. Umangat ang kaniyang mga daliri upang kapain ang bawat linya ng mga peklat nito.

He flinched upon her touch. Bahagya itong natigil sa pag-aalis ng damit nito sa hanger. Napansin niya ang malalalim nitong paghinga. At pagkatapos ng ilang minuto, unti-unti itong na-relax sa haplos ng mga daliri niya.

"It was from an accident," paos namang sabi ng binata. She traced his scar. Ngunit pagkatapos lamang ng isang minuto ay humarap kaagad ito sa kaniya, at hinuli ang kaniyang kamay. "It's kinda sensitive," anito. Nagtama ang kanilang mga tingin.

Unti-unti niyang binawi ang kamay at umatras. Agad namang nagsuot ng hoodie ang binata upang itago sa kaniya ang katawan nito.

"Uhm..." Gusto niya itong kausapin, ngunit nabubulol ang dila niya. Kaya naman tinalikuran na niya ito at akmang magtutungo na sa pinto nito. Ngunit kaagad na hinablot ng binata ang braso niya upang pigilan siya.

"Wait, where are you going?" Pigil nito sa kaniya.

Napalingon naman siya rito. "I— ahm, m-my room..." itinuro niya ang pinto at saglit na napatingin doon ang binata, bago muling napatingin sa kaniya.

"Oh. Okay." Unti-unti na nitong binitawan ang braso niya. Kasunod niyon ay ang pagbalot ng awkward na atmospera sa kanilang dalawa. "Good night... I guess." Napakamot sa batok ang binata na ikinatawa niya. Natawa siya dahil halatang hindi rin nito alam ang sasabihin.

Natigilan naman si Logan ng makita ang ngiti ng dalaga. It is the first time the he heard her laugh ever since he came to the island.

"G-Good night, Lo... Logan." She managed to say. Tinalikuran na niya ito, ngunit pipihitin pa lamang niya ang doorknob ay muli nitong tinawag ang pangalan niya.

"Rebecca." Kaya naman napatingin din siyang muli sa binata. "Uh, I just wanted to say... You look beautiful in that dress."

Saglit siyang natigilan. Hayun na naman... Hayun na naman ang mabilis na kabog ng kaniyang puso.

***

A few days have passed. Now, they only have less than ten days left, before Logan leaves the island. That conversation on the garden slightly changed something. Madalas nang lumalabas ng kuwarto si Rebecca. At halos araw-araw na silang magkasama ni Logan sa study hall upang magpraktis mag-usap. She struggled at first. Ngunit tyinatyaga talaga ng binata na kausapin siya kahit na paputol-putol ang salita niya. They also created a rule. Sa isang araw, isang beses lamang siya pwedeng gumamit ng sticky note. The rest of the day, she needs to speak. Kaya naman wala siyang choice kundi ang magsalita nang magsalita kahit na gaano pa iyon kautal.

They grew closer to each other. At wala man lamang nakapansin sa kanilang dalawa niyon. They just let the moment flow. Katulad ng isang kalmadong ilog... katulad na lamang ng nangyayari ngayon.

Napatigil si Logan sa paglangoy sa dagat nang mapansin ang pamilyar na ilaw na nagmumula sa lampara ni Rebecca.

"Hey..." Nakangiti niyang pagbati rito. Nakasuot na ang dalaga ng pantulog nito. Ang paborito nitong kulay puting Victorian sleepwear. Hanggang sa pagtulog ay elegante pa rin ang kasuotan nito. Wala siyang masabi roon.

Ngumiti naman ito sa kaniya, hinubad ang sapin nito sa paa, at saka naupo sa buhanginan. Wala itong pakialam kahit na madumihan na ang suot nito. Umahon naman siya mula sa dagat. Gabing-gabi na ngunit naisipan niyang lumangoy. Bukod kasi sa hindi ganoon kalamigan ang tubig, nakare-relax ang tunog ng mga alon. Kinuha niya ang tuwalya na iniwan niya sa buhanginan, bahagyang pinagpag iyon, at saka iyon ipinatong sa kaniyang balikat.

"You should be sleeping," aniya bago naupo sa tabi nito. "We have a big day tomorrow."

Kanina kasi ay napagkasunduan na nilang dalawa na bukas ang simula ng big test ng dalaga. Hindi na ito maaaring gumamit ng kahit anong panulat. Magmula bukas ay ban na ito sa paggamit ng sticky note at whiteboard.

"I... I'm n-nervous." Pagsasabi nito ng totoo. Ang mga mata ng dalaga ay nakatutok sa malayo. Sinusundan nito ng tingin ang mga hampas ng alon.

He's nervous too. Kaya rin naisipan niyang lumangoy. These past few days had been difficult for him. Everytime he hears Rebecca's voice, he always had this urge to touch himself. And to prevent that, he focuses more on reading books. Especially about wines. It keeps his mind busy.

"You know what will ease that nervousness?" Kapagkuwan at tanong niya.

Napatingin sa kaniya ang dalaga nang marinig ang sinabi niya. Nagtama ang kanilang mga tingin. Puno ng kuryosidad ang ekspresyon nito. Dâmn those mesmerizing eyes.

"Wh... what will?" tanong naman nito.

"The sea." Maiksing sagot niya.

"W— What," she struggled on her words, but he patiently wait for her to finish her sentence. "What d-do you me... m-mean, Logan?" Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. He taught her that. Sabi niya rito, kapag pakiramdam nito ay magbubuhol ang dila nito, subukan nitong huminga nang malalim bago muling magsalita. He told her that he will patiently wait for her every word.

"The sea will ease your nervousness." Muli niyang sabi.

Kita niya kung paano kumunot ang noo nito na para bang hindi naiintindihan ang sinabi niya. Alam niya ang iniisip nito. Malamang, iniisip nito kung paano makakatulong ang dagat, gayong sanay na sanay na ito sa hitsura niyon dahil sa ilang taon nitong pagtira sa islang iyon. But he is not pertaining about that. She needs to feel the sea. Kailangan ng dalaga na maramdaman sa balat nito ang relaxation na hatid ng dagat. Iyon ang tinutukoy niya.

And so, he grabbed her hand as he stood. Maang namang napamaang ang dalaga roon. Ngunit nang makita nitong sa dagat niya ito dadalhin ay kaagad nitong sinubukang bawiin ang kamay. Umatras ito. Halatang hindi pa nito nasubukang lumangoy sa dagat sa tinagal-tagal nitong nakatira sa isla. Her expression says it all.

But this night, that will finally change. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Hindi niya hinayaang mabitawan ang kamay nito. Bagkus, hinapit niya ang bewang ng dalaga na ikinabilog ng mga mata nito. Agad niyang naramdaman ang init ng katawan nito. Nalaglag na ang tuwalyang nakasampay sa kaniyang balikat, ngunit tila nawalan na siya ng pakialam kahit na nabasa na iyon ng tubig-dagat.

"You need to feel the sea..." anas niya.

Napatili na lamang ang dalaga nang walang pag-aalinlangan niya itong binuhat patungo sa dagat.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height