+ Add to Library
+ Add to Library

C13 LSO 12

"No!"

Mahigpit na naiyapos ni Rebecca ang mga braso sa leeg ni Logan.

Tatawa-tawa naman ang binata at akmang bibitawan na ang dalaga sa tubig. Ngunit mabilis na hinablot ni Rebecca ang kamay ng binata sa takot. Hanggang sa dibdib na nila pareho ang taas ng tubig pero patuloy pa rin si Logan sa paghatak sa kaniya hanggang sa maging hanggang leegan na nila iyon.

"I d-don't know how t-to swim!" Nagpa-panic na sabi ni Rebecca.

"Relax, Miss Watkins." Natatawang sabi ni Logan. "Breathe. Feel the water on your skin. I'm not gonna let go of your hand."

Sinunod naman ni Rebecca ang sinabi ng binata. Unti-unti, huminga siya nang malalim at hinayaang manuot sa kaniyang balat ang temperatura ng tubig.

"That's it. Breathe, breathe." Nakangiting sabi ng binata. "I can't believe you hadn't done this in years. You've been living in this island your whole life. You are missing all the fun, do you know that?"

"B-But at... at least y-you are here to i-introduce me t... to fun things."

Saglit na natigilan si Logan sa narinig. Is that how Rebecca thinks of him? E ano naman kung ganoon nga? Why does it made his heart leap? That's not a good sign.

"L-Logan?"

"Yeah." Nginitian ito ng binata. "I'll introduce you to fun things. But first, let me teach you how to float." Iginiya niya ito sa medyo mababaw na parte ng tubig.

"O-Okay. H-How do I... I d-do that?"

"Take a deep breath first. I'll be your spotter. Here, lay carefully on my arms." Logan stretched his arms on the water. Pinahihiga niya roon ang dalaga. But Rebecca just looked at him with fear on her face.

"I might d-drown."

"Hey, don't be scared. You are not going to drown. I told you, right? I am not gonna let go of your hand."

Nagkatitigan sila.

"Trust me." Muling sabi ng binata sa mahinang boses.

"O-Okay." Sa huli ay pumayag na rin ang dalaga.

"Calm your nerves and be comfortable on the water." Huminga nang malalim si Rebecca. Sunud-sunod iyon, hanggang sa ma-relax siya sa tubig. Nang makita ni Logan na nare-relax na ang dalaga ay pumuwesto siya malapit sa likuran nito. Hinawakan niya ang likurang bahagi ng ulo nito. "Take a deep breath, and align your body in the water. Lift your feet slowly and stay center. Then, position your arms to your side."

Mariing ipinikit ni Rebecca ang mga mata nang maramdaman ang unti-unting pag-angat ng mga paa niya mula sa buhangin. May mumunting kaba sa kaniyang dibdib, ngunit mas nananaig ang tiwala niya sa binata.

"Now open your eyes..." bulong ng binata.

Nang marinig ni Rebecca ang sinabi ni Logan ay unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata. And there, she saw tiny lights twinkling on the sky. She almost gasp upon seeing those little shiny stars above.

Pretty... Her mind says.

It is as if she is seeing the world for the first time. It is as if she is being introduced to a whole new universe. Hindi niya alam na ganito pala kaganda ang langit sa islang iyon tuwing gabi, sa tinagal-tagal niyang nakatira doon.

"They are pretty, aren't they?"

Unti-unting dumako ang tingin niya kay Logan. Nakatingala rin pala ang binata sa langit. All she can see is the side view of his face. Ngunit alam niyang nakangiti ito. She could almost see it. At nang tumingin ito sa kaniya, hindi nga siya nagkamali. Nakangiti ito. His eyes are almost twinkling too.

At sa hindi malamang kadahilanan, bumilis ang kabog ng puso niya. That's not a good sign.

"Y-Yeah..." mahinang sagot niya bago tumayo na. Muli niyang naramdaman ang pinong buhangin sa kaniyang mga paa.

"Hey, don't you want to float anymore?"

Umiling-iling siya rito bago tinalikuran na ang binata at akmang magtutungo sa pampang.

"Why?" Napapitlag siya nang hawakan ni Logan ang braso niya. "Are you uncomfortable? Did I do something wrong?"

Hindi siya kaagad nakasagot. Hindi niya masabi rito na mabilis na mabilis ang kabog ng puso niya, kaya kailangan na niyang lumayo rito.

Ngunit kumunot ang kaniyang noo nang makitang natigilan din ang binata. Agad itong napatalikod; na siyang nakadagdag pa sa gatla sa kaniyang noo. Nang makita niya ang dahilan ng pagtalikod nito ay tila umakyat ang lahat ng dugo sa kaniyang katawan, patungo sa kaniyang ulo.

Dahil nabasa ang puti niyang pantulog, bakat na bakat na roon ang kaniyang panloob pati na rin ang hubog ng kaniyang katawan. Agad siyang nakaramdam ng hiya dahil doon, kaya naman nayakap tuloy niya ang kaniyang dibdib.

Nakita niyang nagpunta si Logan sa pampang at kinuha ang tuwalya nito. Nilapitan siya nito pagkatapos.

"Here." Logan looked at her straight to her eyes. Ipinalibot nito sa balikat niya ang tuwalya nito.

"T-Thank y-you."

"You should go home. Malamig na." Tinalikuran na siya ng binata at akmang lulusong sa tubig.

"Y-You?"

"Dito muna ako. I'll swim some more." Tuluyan na itong lumangoy papalayo. Ngunit hindi siya umuwi. Yakap ang tuwalya ang binata at bumalik siya sa pampang at naupo sa buhangin. Dahil basa, dumikit na sa kaniyang bestidang pantulog ang buhangin, ngunit wala naman siyang pakialam doon. Ang mga mata niya ay nakatutok sa binatang lumalangoy.

After awhile, something came up into her mind.

She does not know a thing about Logan aside from his hobby of reading books about wine. Nakilala niya si Logan dahil sa sikretong kumpanya ni Shan, ang Services; na isang klase ng kumpanya na naghahatid ng aliw sa mga kababaihan. Nang unang ipadala sa kaniya ni Shan ang mga profile ng mga hooker, Logan got her attention. Something inside her told her that he is what she needs; that he could help her.

Alam niyang dahil sa pagtratrabaho nito sa SDS, marami na ring babaeng dumaan sa buhay nito. Mga kliyente; iyon ang tamang salita. At kapag natapos ang kontrata nila, kapag natapos ang sampung araw, maging siya, magiging isa na rin sa mga kliyenteng iyon.

Thinking about it now, it somehow makes her sad. Para bang ayaw na niyang lumipas ang mga araw. Could she extend the contract? And then what? What excuse should she even say to extend it? That she needs more help, when clearly, she doesn't? After ten days, she no longer have the reason to keep Logan by her side.

She never had a man in her life, and she's okay with that. Well, before. She's okay without having a man before.

And now? Tanong ng isip niya. Muli siyang napasulyap kay Logan.

She does not know. She does not know the answer. She's not sure anymore. What she knows is that he's making her heart beat rapidly. It felt... new. This feelings are something she never felt before. She felt excited all the time. Every moment he is introducing her to something new, she learns. Everytime he shows and describes things, it felt as of she is discovering something new within her too.

"Are you okay?" Bahagya siyang napaigtad nang marinig ang boses ni Logan sa kaniyang tabi. "Tulala ka," anito.

Nakaupo na pala ang binata sa tabi niya at hindi man lamang niya iyon namalayan. She was lost on her thoughts. Nginitian lamang niya ito bago nag-thumb's up dito para sabihing okay lang siya.

"I thought you are going back to the house," muling sabi nito.

"I-I n-never said I w-will."

"Wow, look at you. You are feisty now huh, Miss Feisty." He teased her because of her feisty tone.

Napailing-iling na lamang siya ngunit may mumunting ngiti sa gilid ng kaniyang labi. "F-Feisty? Y-Yeah, feisty s-stutter."

"Hey. Don't say that." Sumimangot ang binata sa kaniya. "That's why you paid me to be here. To help you on that."

Paid.

Right. He was paid to do this. Hindi ito ginagawa ni Logan dahil gusto nito. Basically, ginagawa lang nito ang trabahong pinapatrabaho niya rito. Siya lang ang nagbibigay ng kakaibang kahulugan doon.

Napansin ni Logan ang pagtahimik niya.

"What's the problem?" tanong nito.

Umiling-iling siya. "N-Nothing."

"I can see that it's not nothing."

Natahimik siya at napatingin sa dagat. May nakita siyang shell malapit lamang sa paanan niya. Inabot niya iyon at sumulat sa buhangin. Dama niya ang pagsunod ni Logan ng tingin sa kaniyang kamay.

How long have you been working on SDS? Iyon ang sinulat niya sa buhangin, at bago pa man iyon burahin ng mumunting paghampas ng alon ay nabasa na iyon ng binata. Ni hindi niya alam ang pumasok sa isip niya at tinanong niya iyon.

Saglit itong nag-isip. "Uhm, about... twelve, thirteen years, I think?" sagot naman nito kapagkuwan. "Why?"

Imbes na sagutin ay isa pang tanong ang isinulat niya sa buhangin.

Do you know how many clients have you handled?

"To tell you the truth? No. And to tell you another truth, you are the only client who never asked for a sexual favor. I'm sure, alam mo naman ang ginagawa namin sa Services, hindi ba? Before you contact us for help, alam kong alam mo ang orihinal naming ino-offer na serbisyo. And if you don't know it, I am not planning to hide it from you. We originally offer sexual services." Tapat na sagot nito.

Nagkatitigan sila. He did not even budge upon saying everything he just said. He looks so serious. Kitang-kita niya rito na seryoso ito sa sinabing wala itong balak na itago kung anuman ang trabaho nito sa SDS. Of course, alam naman niya iyon. At wala naman iyong kaso sa kaniya. Who is she to judge? She does not know anything about him.

And vice versa.

Wala rin itong alam na kahit ano sa buhay niya. Oo nga at nagkakasama at nagkakausap sila nang ganito. But technically, they are still strangers to each other. Why in the world is she even thinking about this? Pinapagod niya ang utak niya sa pag-iisip ng mga bagay na hindi naman niya dapat iniisip.

"I am actually surprise about these questions of yours. You are the only client who asked me about the Services. All of them just wants kissing, touching and..." Tila nahihiya itong sabihin ang kasunod na salita dahil sa magiging reaksyon niya.

"...and s-sēx." Kaya naman siya na ang tumapos sa pangungusap nito.

"Yeah. And sēx." Humina ang boses ng binata.

I'm sure you have kissed and touched lots of girls. Parang gustong magpalamon ni Rebecca sa dagat. Hiyang-hiya siya sa naisulat ng kaniyang kamay. Ngunit huli na. Nabasa na iyon ng binata.

"Clients. To be precised." Wala na ang ngiti sa mukha ng binata.

Natahimik sila pareho. An awkward atmosphere suddenly embraced them both. Muli nang binura ng alon ang isinulat ni Rebecca sa buhangin.

Pasulyap-sulyap naman si Logan kay Rebecca. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ng dalaga. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Nakatingin lamang ito sa dagat, hinihintay ang bawat mumunting hampas ng mga alon.

Her pretty face looks at ease. Kalmado ang ekspresyon nito, kasing kalmado ng mga alon, kaya naman hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip nito at tinanong siya tungkol sa Services. None of his clients before have done that.

"W-What does it... i-it feel?" Biglang tanong ng dalaga na ikinakunot ng kaniyang noo.

"Hm? Feel what?"

Tumingin sa kaniya ang dalaga. Nagtama ang kanilang mga mata. There is something in her eyes. Hindi niya maipaliwanag kung ano.

"T-To be... to be kissed?"

Fvck. Natigilan siya. He never expected that question. Never in any way. At mas lalong hindi niya in-expect na mapapalunok siya ng laway dahil lamang sa tanong na iyon.

How does he even answer that fvcking question? It feels good? Iyon ba ang dapat niyang isagot? E hindi na nga siya nakakaramdam ng ganoon sa mga kliyente niya. Nakatingin pa rin si Rebecca sa kaniya, tila naghihintay ng kasagutan.

Mas lalo pa siyang napalunok ng laway nang mapatitig sa labi ng dalaga. Something inside him urges him to touch it... to kiss it.

Kaya naman sinunod niya iyon. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng dalaga, at walang sabi-sabing siniil ng mainit na halik ang labi nito...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height