+ Add to Library
+ Add to Library

C15 LSO 14

What should I do?

Iyon ang tanong ni Rebecca sa kaniyang sarili. Matatapos na lamang ang buong araw nang wala siyang ginagawa. Nang katukin siya kanina ni Nanay Marita ay nagdahilan pa siya rito na magtatahi siya. Kahit ang totoo ay buong maghapon na siyang nakahiga. Ni hindi man lamang niya ginalaw ang makina niya na pangtahi. Nagkalat rin ang mga tela sa kaniyang kwarto. Paano, kanina ay sinubukan niyang magtahi ngunit hindi naman siya makapag-focus.

She's really unproductive today. Buong araw nang laman ng isip niya si Logan at ang pinagsaluhan nilang halik sa may pampang kagabi. At kaya rin siya nagdahilan kay Nanay Marita kanina ay dahil ayaw niyang lumabas ng kuwarto at makita ang binata. Hindi niya alam kung paano ito haharapin. A fang of pain stabbed her chest upon remembering his expression last night. Kita niya sa mukha nito ang pagsisisi sa kanilang halik, at mas nakadadagdag ang ideyang iyon sa takot sa kaniyang dibdib.

Nahihiya siya. Wala siyang mukha na maihaharap kay Logan. Hiyang-hiya siya; and that's because she's not sorry at all. She enjoyed the kiss. Yes, she flinched when he cupped her breast, but it's not because she does not want him to touch her. It's because it's the first time that someone touched her intimately. She somehow felt fragile and delicate.

However, seeing Logan's face last night is really painful. Para bang natauhan ito, at siya lamang ang may gusto na ipagpatuloy pa ang halik na iyon.

I'm so stupid. Kanti niya sa kaniyang sarili. She covered her self with the sheets and slept in a fetal position. Sana naman, paggising niya, nakalimutan na niya ang nangyari kagabi, kahit na alam naman niyang imposible iyon.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulog. Ngunit nang magising siya ay napakalakas ng ulan at nang sumilip siya sa labas ay madilim na ang kalangitan. Nang sulyapan niya ang orasan ay mag-aalas sais na ng gabi at nararamdaman na niya ang pagkulo ng kaniyang sikmura. She could not believe that she slept for three hours.

Siguro naman ay wala na si Logan sa labas. After observing him for a few days, she learned that the guy does two things at night. He either sleeps early or taking a night swimming. Nang bumaba siya sa may living room ay nakita niyang nakapatay ang halos karamihan sa mga ilaw sa buong kabahayan. Saglit na kumunot ang kaniyang noo dahil doon. Wala siyang makitang ibang tao sa salas, ngunit kita niya ang maliit na liwanag na nagmumula sa may kusina. Bukas ang ilaw doon, may mabangong aroma ng nilulutong pagkain, at nakaririnig rin siya ng mga tunog ng pagkalansing ng mga kubyertos. Mukhang may nagluluto ng hapunan doon. Sa pag-aakalang si Nanay Marita iyon ay walang pag-aalinlangan siyang pumasok sa kusina.

"N-Nanay—"

Ngunit kaagad siyang natigilan nang makita ang bulto ni Logan sa kusina na nakatalikod mula sa direksyon niya. At huli na para tumakbo siya o magtago. Humarap na ang binata sa direksyon niya. Nagtama ang kanilang mga mata ngunit siya ang unang nag-iwas ng tingin. Kung gayon ay ang binata pala ang nagluluto.

"You're awake," anito sa mahinahon na boses.

Dahil sa halik na iyon, maging ang boses ng binata, tila iba na ang dating sa kaniyang pandinig. It sound so sweet, so intimate...

No, no. She can't be like this. This is not acceptable. She can't be attracted to him. That's against to the contract.

Ah, tama! She needs to convince herself! Parang na siyang baliw na kinakausap ang kaniyang sarili sa loob ng kaniyang isip. She's just being like this because he got her first kiss. She's just an old-school, hopeless romantic type of woman. Dahil hindi naman siya umaalis sa islang iyon at dahil wala naman siyang nakikilala na ibang lalaki, she values that first kiss. And that's the thing. Siya lamang ang nagpapahalaga at masyadong affected doon.

Alam naman niyang marami nang nahalikan na babae si Logan, at wala nang halaga rito kahit ilang beses pa silang maghalikan.

But why is that thought making her sad?

"I... I'm s-sorry. I thought y-you're Nanay Marita." She needs to get the hell out of the kitchen right now. Kung anu-ano naman kasing senaryo ang pumapasok sa kaniyang isip. Mga mainit na senaryong silang dalawa ng binata ang bida. "I-I will just g-go."

Akmang tatalikuran na niya ito nang nagmamadali itong lumapit sa puwesto niya. Hinawakan ng binata ang kaniyang braso.

"Wait, don't leave," agad na pigil nito. "Eat first. I'm sure you're hungry. Buong araw ka nang hindi lumalabas ng kuwarto mo."

"N-No, it's o-okay." Piniksi niya ang kaniyang braso upang mabitawan iyon ng binata. Huminga siya nang malalim dahil nagkakanda buhol na naman ang dila niya. "I, uh, I will j-just tell Nanay to... t-to bring food at my r-room."

"They aren't here. Umalis sila Nanay Marita at Tatay Saul about two hours ago, before it even started raining. They said there is an emergency. I don't know what that is. Hindi na nila nasabi sa akin dahil nagmamadali silang umalis. But they said they will try to come back as soon as possible."

Umalis? No.

"B-But... they did not t-tell me? W-Why?"

"They did actually. I was there. Ilang beses kumatok si Nanay Marita sa kuwarto mo. Before they left they told me to take care of you just until they comes back."

Natigilan siya sa sinabi nito. Logan? Taking care of her? No, that's the worst thing possible. Hindi na nga siya lubos makapaniwala na sila lamang ng binata ang kasalukuyang magkasama sa bahay na iyon.

She felt as if she's in danger. Mali, baliktad. Logan's the one in danger. Baka kung ano ang sumapi sa kaniya't hatakin na lamang bigla ang binata at halikan ito. She mentally pulled her hair. Ano ba naman itong mga ideya na pumapasok sa isip niya!?

"Rebecca."

Napaigtad siya. "Y-Yes?" Kanina pa ba nito tinatawag ang pangalan niya?

"I've been calling your name. Are you okay? You're jumpy." May kunot sa noo na sabi ng binata.

"Y-Yeah, I am."

"Come on. Matatapos na akong magluto. Sabay na tayong kumain."

Nasundan na lamang niya ng tingin ang binata. Ngunit nang mapansin nitong hindi pa rin siya bumabago ng pwesto ay muli itong lumapit sa kaniya, hinawakan ang kaniyang kamay at hinatak siya patungo sa may mesa. Pinaghatak pa siya nito ng upuan, kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang umupo roon.

Naramdaman niya ang paghinga ng binata sa gilid ng kaniyang pisngi. "Just a moment."

Tinalikuran na siya nito at nagpatuloy sa pagluluto. Hindi niya maialis ang tingin dito. Ito ang unang beses na makakatikim siya ng luto ng ibang tao maliban sa luto ni Nanay Marita.

"D-Do you... c-cook a lot?"

"I do actually." Nang matapos ang binata magluto ay hinubad nito ang apron at isinabit iyon sa gilid ng refrigerator. Pagkatapos ay naghatak ito ng upuan sa tabi niya at naupo roon. "I cook a lot, but I like Manang Alberta's food more than my own. So I'm really hoping you'll like these."

Inayos nito ang mesa at pinagsandok siya ng pagkain. It was almost a dream to her. Hindi niya mapigilan ang pagbilis ng kabog ng kaniyang puso. Nababasa niya ang mga ganitong klase ng senaryo sa mga librong tungkol sa pag-ibig. Pero bakit? Bakit iyon nangyayari sa kaniya ngayon?!

Rebecca almost wish for Logan to not be this sweet. Natatakot siya na bigla na lamang mahimatay dahil sa bilis ng kabog ng puso niya.

"Here." Inilapit niya sa plato niyang may kanin na ang mga ulam na niluto nito. May chicken curry doon, pritong manok, at sides na gulay. "I do not know what you like so I just scrambled on the ingredients in the fridge and cook something I know."

Hindi na siya sumagot, bagkus nagsandok na lamang siya ng ulam at nagsimulang kumain. Masarap ang luto nito. She's pretty impressed by it. Kaya naman nagtuloy-tuloy siya sa pagsubo. Ngunit agad din siyang natigilan nang makita ang hitsura ng binata. Hindi pa rin ito kumakain, bagkus nakatingin lamang sa kaniya na animo'y nanghihingi ng compliment.

"Is it good?" tanong nito.

"Y-Yeah." Tumango-tango siya at binigyan ito ng ngiti. "I l-like it."

Isang malaking ngiti ang sumilay mula sa labi ng binata. Para bang satisfied na satisfied ito sa sinabi niya. Lihim siyang natuwa roon. He's like a kid who is easy to please.

"That's good to hear," anito. Nagsimula na rin itong kumain pagkatapos.

"W-Who is Manang A-Alberta, by the way?"

"She's like Nanay Marita. She takes care of us."

"Us...?"

"Yeah. My sister, my nephew and I."

So he has a sister and a nephew.

"Although I shouldn't have said that. We cannot disclose a personal information you, know," dugtong pa nito. "How 'bout you? Any sisters? Nephews?"

"N-Nephew? I don't k-know. B-But I do have a b-brother and two s-sisters." Saglit na natigilan ang dalaga na para bang may naalala. "And... I-I actually have many stepsiblings."

"In Britain?"

Tumango-tango siya bilang pagsagot.

"If you have a lot of siblings in Britain, how come you're here in this island with Nanay Marita and Tatay Saul?" Napuno ng kuryosidad ang mukha ng binata. "Why aren't you with your siblings?"

Natigilan siya sa tanong nito. Natigil siya sa pagkain at humigpit ang hawak sa mga kubyertos sa magkabila niyang kamay. Hindi niya masabi sa binata na kaya wala siya sa Britain ay dahil ipinatapon siya ng kaniyang pamilya sa islang iyon.

She aren't with her siblings because they abandoned her for being a disappointment.

Nakita naman ni Logan na hindi siya kumportable sa usapang iyon. "You don't have to answer that. Just continue your food."

Natahimik na ang hapag pagkatapos niyon. Hindi na muling nagtanong ang binata tungkol sa pamilya niya at hindi na rin siya nagtanong ng kahit ano tungkol sa buhay nito. Umikot na lamang ang pag-uusap nila sa mga random na bagay katulad ng hobby niyang pananahi, at mga librong nabasa na nila pareho.

Pagkatapos kumain ay inilagay nila ang mga natirang ulam sa tupperware at itinabi ang mga iyon. Pinagtulungan nilang ligpitin ang mga pinakainan at hinugasan ang mga iyon. Siya ang naghuhugas at nagbabanlaw, samantala ang binata naman ang nagpupunas at nagtataob ng mga iyon sa dish rack. Logan actually offered to wash the dishes on his own, dahil alam daw nitong hindi siya sanay doon, but she insisted on helping anyway. Bukod kasi sa gusto niya iyong matutuhan, may malaking parte sa kaniya na gusto pang makausap at makakuwentuhan ang binata.

She has to admit, she never wash the dishes before. It's a first. At kinailangan pa siyang turuan ng binata tungkol doon. She enjoyed it though, and she's thankful that she did not break anything.

Pagkatapos niyon ay nagpaalam na siya na matutulog na, kahit sigurado siyang hindi naman siya kaagad makatutulog. Malakas pa rin ang ulan sa labas at kahit ang mga tunog ng mga sumasayaw na puno ay naririnig na niya. Hindi lamang ito basta ulan, mukhang bagyo na ito.

Hinatid siya ni Logan hanggang sa may hagdan. "Good night," sabi nito.

"G-Good night..." aniya sa binata.

"Rebecca." Nakasampa na siya sa unang baitang ng hagdan nang marinig niya ang muling pagtawag nito. Kaya naman napalingon siyang muli sa rito.

"Hm...?"

"Your practice today. You did a good job." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Today's your big day remember? And you 've gone through conversing with me this whole time, without using a pen and paper, and your magic sticky notes."

Oo nga, ano? Doon lamang niya iyon napagtanto.

He's been talking to him this whole time, like an almost normal human; almost, because she's still stammering a lot. Ngunit proud siya na miski isang segundo habang nag-uusap sila ng binata ay hindi man lamang pumasok sa isip niya na kumuha ng papel at panulat upang masabi ang mga gusto niyang sabihin.

"T-Thank you. I..." she took a deep breath. "I w-would not be able to d-do it of it wasn't f-f-for you."

"You're welcome, Madamme." Para itong isang butler na tumango sa kaniya. "I am glad to be at service."

Isang ngiti ang ibinigay nito bago tuluyang nagpaalam. May ngiti rin siya sa labi nang makarating sa kaniyang kuwarto at humiga sa kaniyang kama. Tonight, she felt closer to him. At hindi na niya maitago ang kasiyahan na naramdaman doon. She changed her clothes into a nightwear, and when she lied in bed, she felt a huge relief inside her chest.

Ngunit panandalian lamang iyon, dahil ilang oras lamang ang lumipas ay naalimpungatan siya at nagising. Napakadilim ng paligid. Hindi lamang madilim, talagang totally, walang kuryente! Fear instantly crept inside her. She grabbed her lamp and hastily went into the only person with her in the house.

She went to Logan's room.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height