+ Add to Library
+ Add to Library

C8 LSO 7

"Shan!" May galit sa tinig ni Logan nang tawagin ang walanghiyang kaibigan. Sa wakas, sinagot na rin nito ang tawag pagkatapos ng ilang beses niyang pag-dial sa numero nito.

"Logan—"

"—what the fvcking hell is this?" agad niyang bungad. Pabalik-balik siyang naglakad sa labas ng bahay. Kanina pa talaga siya nasa labas. Napakabagal kasi ng reception sa islang iyon, kaya naman lumabas pa siya upang makasagap ng signal.

"What?" Halatang hindi nito naintindihan kaagad ang sinabi niya.

"I did not come here to be a babysitter. You know I can't do that. I'm an asshôle. Alam mong sa sêx lang ako magaling. I did not come here to deal with other people's issue."

"Logan, you know we've been paid. The money has been transferred to you days ago. Even before you came on that island."

"I have been paid to do sêx. Nothing else." He gritted his teeth in annoyance. "And you really think I fvcking care about that money? Pwedeng-pwede ko iyong ibalik—"

Natigilan siya nang mapansin ang maliit na liwanag mula sa hindi kalayuan. Nanggagaling ang liwanag sa isang lumang lampara na hawak ni Rebecca. Mukhang sa backdoor dumaan ang dalaga. Hindi na nito suot ang kulay dark green nitong suot kanina. Bagkus, isa iyong victorian nightgown na high neck frilly ruffled at mahaba ang sleeves.

Kumunot ang noo niya nang makitang nagsimulang maglakad palayo ang babae. Ang tinatahak nitong daan ay ang masukal na parte ng isla. Saan pupunta ang babaeng iyon? Hindi niya namalayan na naibaba na niya ang tawag.

Tila kusang gumalaw ang mga paa niya upang sundan ito. Madilim ang paligid, at ang tanging nagbibigay lamang ng ilaw doon ay ang maliit na liwanag na nagmumula sa lampara ni Rebecca. Hindi niya hinahayaang mawala ang dalaga sa kaniyang paningin, at sinisigurado rin niya na hindi siya nito makikita.

Sumuot ang babae sa matataas na bato. Kita niya ang pagtaas nito sa laylayan ng dress nito. Doon lamang niya nakita na nakayapak pala ito. Hindi ba nasaktan ang paa nito sa paglalakad nito sa sukal? Halos mapugto naman ang kaniyang paghinga nang lumingon ito sa direksyon niya. Mabuti na lamang at nakapagtago kaagad siya sa matataas na dahon. Nang magsimula itong maglakad ay muli niya itong sinundan.

Isang tagong parte pala ng isla ang pinuntahan nito. Iba't iba ang hugis ng mga bato doon, banayad ang hampas ng mga alon, at hindi basta-basta mapupuntahan dahil tago ang daan. Mula sa madilim na bahagi ng mga bato ay pinagmasdan niya ito.

Ang kulot nitong buhok na kanina ay naka-braid ay nakaladlad na ngayon sa balikat ng dalaga, at hinahayaan lamang nitong tangayin ng hangin na nanggagaling sa dagat. There is serenity on her face. Malayo iyon sa kabadong ekpresyon nito kanina nang magkausap sila sa study hall kanina.

I guess she likes being alone.

Nakita niya na ibinaba ng dalaga ang lamparang dala sa pinong buhangin. Pagkatapos ay nagtungo ito sa mga bilugang bato na magkakapatong. Hugis snowman iyon, yun nga lang, gawa sa bato. Kumuha ang babae ng matalas na bato at akmang may iginuguhit sa mga bilog na bato na nagmimistulang ulo. He narrowed his eyes to see what she's doing.

Nakita niyang smiley face ang idino-drawing ng dalaga sa mga bato. Inuukit iyon ni Rebecca gamit ang matalas na bato na hawak nito. Halos lahat iyon ay nilagyan nang ganoon ng babae.

Maya-maya pa lumayo nang ilang hakbang doon ang dalaga, binitawan ang matalas na bato na hawak nito, at saka naupo sa buhanginan, sa tabi lamang ng lampara nito. Bahagya itong nakatagilid sa direksyon niya, kaya naman kita niya ang pagtitig nito sa mga nakangiting mukha sa bato.

Maya-maya pa ay bumukas ang bibig nito. "H-hello. Ah.. I— I, ahm... I am R—rebecca."

Namilog ang kaniyang mga mata sa narinig. Agad na bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang marinig ang boses nito. She could talk! She isn't completely mute. She could talk even though she's stuttering.

Hinintay pa niya na muli itong magsalita ngunit hindi na iyon nasundan. Ah, he wants to hear her voice again. Bagkus, nakita na lamang niyang bumagsak ang balikat nito at niyakap ang mga tuhod. Maya-maya pa ay nakita niya marahang paggalaw ng balikat nito, tanda na umiiyak ang dalaga. Itinago ng mga hampas ng alon ang hikbi nito, at tila ba kinurot ang puso niya roon.

Fvck. Kumuyom ang kaniyang kamao. He may not see her tears, but just knowing that she's crying makes him regret everything he said earlier.

Hindi niya namalayan na kusa na palang gumalaw ang kaniyang mga paa upang lapitan ito. Napaigtad ang babae at napaupo sa buhangin nang maramdaman ang presensya niya. He did not mean to startle her. Shît, he did not even know why he come to her in the first place. Para bang kusang gumalaw ang katawan niya at dinala siya sa dalaga. Naupo siya sa tabi nito.

"Y-you—" nauutal nitong sabi. Agad nitong itinikom ang bibig nang ma-realized nito ang pagsasalita. More... He wants to hear more.

"You... you could talk," titig na titig siya sa dalaga. Agad na sumama ang timpla ng mukha nito at sinimangutan siya.

Marahas nitong pinunasan ang luha bago kumuha ng manipis na bato at nagsimulang magsulat sa buhangin. Why are you here? Iyon ang isinulat ng dalaga. Are you following me?

"Yes." Walang paligoy-ligoy niyang sagot. "I saw you leaving the house, and unconsciously followed you here. Why didn't you speak earlier?"

"W-why? S-so you could p-pity me...?"

Saglit itong natigilan. Kahit madilim ay kita niya ang inis sa maganda nitong mukha. Nagsulat ulit ito sa buhangin.

I don't need your pity. Mabilis nitong binura iyon gamit mismo ang kamay nito at muli itong nagsulat doon. Go home.

Nagmamadali itong tumayo at binitbit ang lampara nito.

"Wait!" Pigil niya. Sinubukan niyang abutin ang kamay nito ngunit hindi ito nagpapigil. Mabilis itong lumayo. Tumakbo ito at wala na siyang nagawa kundi titigan ang papalayo nitong pigura. Paliit nang paliit ang ilaw na nanggagaling sa lampara nito, hanggang sa tuluyan na iyong mawala sa kaniyang paningin...

***

Kinabukasan.

Magdamag hindi nakatulog si Logan. Magdamag din kasing nasa isip niya si Rebecca at ang nangyari kagabi sa may pampang. Suddenly, he wants to stay. But not because of what Rebecca says. It's not because of pity. It's because he wants to hear her voice.

Tânginâ. Mababaliw na yata siya. At ang babaeng iyon ang magiging dahilan ng kabaliwan niya.

Nabulabog ang isip niya ng malakas na tunog na nanggagaling sa kung saan. Agad siyang bumangon at sumilip sa bintana. At mula sa kinatatayuan niya ay kita niya ang pagdaong ng isang yate sa pampang. Kumunot ang noo niya nang mapagtanto na iyon din ang yate na naghatid sa kaniya sa islang iyon.

Go home.

That's what Rebecca had written on the sand last night. Kung gayon, balak na pala talaga siya nitong paalisin. At kapag umalis siya, anong mangyayari? Kukuha ang dalaga ng ibang tao na tutulong dito? Ng ibang lalaki mula sa SDS o sa kung saan pa mang lupalop ng mundo? Why the hell that idea stirred his blood? The idea made his blood boil in pure annoyance.

Ilang segundo lamang ang lumipas nang bulabugin siya nang malakas na pagtunog ng cellphone niya. Kumunot ang noo niya nang makitang code number ni Shan ang nakarehistro sa screen. Well, he kinda expected that because of the yacht outside. Kahit wala sa mood ay sinagot niya iyon.

"The hell? Why are you calling me this early." Asar na asar niyang sabi.

"I called to tell you that your dream finally come true. The captain of the yacht told me that they have arrived at the island. Para sunduin ka. You can now go home."

"What?" Kumunot ang kaniyang noo. "Right this second?"

"Yeah. Ms. Watkins called me last night. She told me that she does not want your service anymore. She requested to replace you."

Natigilan siya. Iniisip pa lamang niya iyon kanina, at ngayon ay nangyayari na. He muttered a curse. Hanggang sa sunud-sunod na ang naging pagmumura niya.

"Language, please." Tinawanan siya ni Shan na mas ikinaasar pa niya. "Good thing, Gregory has an open schedule. He can replace you once you comes back to Manila."

"Shut up," aniya at walang sabi-sabing ibinaba ang tawag.

He'll be replaced? Nope. That's not happening. That's not fvcking happening. Dahil hindi niya hahayaang mangyari iyon. Binayaran siya ng dalaga. Tatlong linggo ang nakalagay siya sa pinirmahan niyang kontrata, kaya tatlong linggo rin niyang guguluhin ang buhay nito kung kinakailangan.

Inis siyang bumangon. Ni hindi na siya nagsuot pa ng pang itaas na damit. Tanging ang cotton na gray pajama lamang ang suot niya. At saktong pagbukas niya ng pinto ay kakatok pa lamang sana doon si Nanay Marita. Nasa ere ang kamay na agad nitong naibaba nang makita siya.

"Sir Logan, good morning ho," nakangiting bati nito. "Gigisingin ko pa lang ho sana kayo para kumain ng umagahan e."

"Good morning, Nanay." Pilit niyang bati sa matanda kahit na banas na banas siya. Para ngang gusto niyang bumalik saglit sa Maynila upang parehas balian ng leeg si Shan at Gregory.

Tila napansin naman ng matandang babae na hindi maganda ang mood niya.

"Sige ho, Sir Logan. Kapag gutom na ho kayo, punta lang ho kayo sa kusina at ipaghahain ko ho kayo." Akmang tatalikod na ito nang muli itong humarap sa kaniya nang may alanganin na ngiti sa labi. "Ah, siya nga ho pala, Sir. Ang totoo kasi niyan, pinapunta talaga ako rito ni Becca para sabihan kayo na nasa labas na ho ang sundo ninyo. Pagkatapos niyo raw hong mag-empake ay pwede na raw ho kayong umalis."

Kita niya sa mukha ng ginang na hindi rin nito gusto ang sinabi. Kita niya sa mukha nito na hindi rin nito gustong paalisin siya ngunit walang magawa kundi ang sumunod sa sinabi ng amo.

"Nasaan ho ang kuwarto ni Miss Watkins, Nanay Marita?" Walang emosyon niyang sabi.

"Ah, nasa attic ho, Sir. Bakit— Sir Logan?" tinalikuran na niya ang matandang babae at malalaki ang hakbang na tinahak ang direksyon patungo sa attic ng bahay. Sinundan naman siya ng matandang babae. "Ah Sir Logan, ayaw ho kasi ni Becca na may ibang pumupunta roon bukod sa akin."

"Don't worry, Nanay Marita. I'll just talk to her," aniya nang hindi tinitignan ang matandang babae.

Inakyat niya ang hagdan patungo sa pintuan ng attic. At nang makarating sa tapat ng pinto ay sinenyasan niya ang matandang babae upang ito ang magsalita. Alam kasi niyang hindi siya pagbubuksan ng dalaga kapag narinig ang boses niya.

"Becca, si Nanay Marita ito. Nagdala ako ng umagahan," pagsisinungaling ng ginang.

Ilang segundo ang lumipas ay nakarinig sila ng mga yabag. Kasunod na iyon ay ang pagbukas ng pinto. Bumungad sa kaniya ang magandang dalaga na suot pa rin ang mahaba nitong pantulog na suot nito kagabi. Halata ang pagkabigla sa mukha nito nang makita siya imbes na ang matandang babae. Unti-unti namang umatras ang ginang, hanggang sa tuluyan na itong bumaba sa hagdan at iniwan silang dalawa, upang hayaan silang mag-usap.

Saglit siya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa. At hindi pa man niya naibubuka ang bibig upang magsalita ay agad siyang sinaraduhan ng pinto ng dalaga.

He gritted his teeth. "Miss Watkins, open the door. Let's talk!" galit na sigaw niya. Sunud-sunod ang pagkatok na ginawa niya. "Open the goddamn door, will yah? Or else I will fvcking break it!" Hindi niya namalayan na kusa na palang lumalabas ang mga mura sa bibig niya dahil sa sobrang pagkairita.

Saglit lamang siyang natigil nang makita ang paglabas ng maliit na papel mula sa maliit na siwang sa ilalim ng pinto. Yumukod siya at pinulot iyon.

Stop cursing, jerk!

Segundo lamang ang lumipas nang muling may lumusot na papel sa ilalim ng pinto. Muli siyang yumukod.

And why are you naked? Get some clothes, you pêrvêrt!

Ngunit imbes na sundin ito ay mas binigyan pa niya ng pwersa ang bawat katok. Kulang na lamang talaga ay gibain niya ang pinto. "Miss Watkins, open the door! Or I will really break it!"

Sisipain pa lamang sana niya iyon nang bigla iyong bumukas. Nagmamadali siyang pumasok doon sa takot na masaraduhan na naman siya ng dalaga. Bumungad sa kaniya ang galit din nitong mukha. Tanginâ, galit na pero maganda pa rin.

"You..." humakbang siya papalapit dito at humakbang naman ito paatras. "Bakit atat na atat ka na paalisin ako ha?" inis niyang tanong.

"Y-you... You w-want to g-go home, r—right?" Nakita niya ang pagguhit ng frustration sa mukha nito nang mautal-utal sa pagsasalita. Dahil nauutal ito ay hindi niyon mag-justify ang inis na kasalukuyan nitong nararamdaman. Nagmamadali tuloy nitong kinuha ang sticky note at ballpen at nagsulat doon. Kita pa niya ang mumunting panginginig sa mga kamay nito habang nagsusulat. Nang matapos ito magsulat ay idinikit iyon ng babae sa pisngi niya.

Then go home. I'm already giving you a favor. You have been replaced so there's no need for you to stay.

"No," aniya sa malamig na tinig. Nilakumos niya ang sticky note at itinapon iyon sa sahig. Muli siyang humakbang papalapit sa babae, habang papalayo naman ito nang papalayo sa kaniya. Abante, atras. Abante, atras. At sa kaaatras nito, hindi nito namalayan na kama na pala ang nasa likuran nito. Napaupo roon ang dalaga. Hindi nila maalis ang titig sa mga mata ng isa't isa. Para bang kapwa sila hinahatak ng hindi nakikitang pwersa.

Hinawakan niya ang mga balikat nito at seryoso itong tinitigan sa mga mata. "I won't go home. You paid me, so I will stay and be whatever you need me to be. Three weeks. That's what was written to the contract I signed so I will stay whether you like it or not. I will stick to you for three weeks like a fvcking glue, and after that? Get rid of me however you want."

Walang emosyong mababakas sa kaniyang mukha nang sabihin niya ang bawat katagang iyon. Binitawan na niya ang mga balikat ng dalaga at naglakad patungong pinto. Ngunit nang naroon na siya ay muli siyang humarap sa dalaga na nakatingin pa rin pala sa kaniya.

Bago pa niya makalimutan, kailangan na niya iyong sabihin. "You can't replace me, Rebecca. My service isn't and will never be replaceable." He smirked at her. Iyon lamang ang huli niyang sinabi bago tuluyang isinarado ang pinto.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height