+ Add to Library
+ Add to Library

C9 LSO 8

Mas lalo pa siyang iniwasan ni Rebecca matapos ang araw na iyon. Kung hobby na nito ang magkulong sa kuwarto nito, halatang mas minahal pa nito ang hobby na iyon. Dahil miski sa study hall na paborito nitong tambayan ay hindi na nito pinupuntahan.

Dalawang araw na kasi ang nakalipas magmula nang kausapin niya ito sa kuwarto mismo nito. Iyon nga lang, hindi man siya napauwi nito, talagang desidido naman itong paalisin siya sa pamamagitan ng pag-ignore sa kaniya. Siguro'y iniisip nito na kapag hindi siya nito pinagpapansin ay uuwi na lamang siya sa kaniyang sarili, at hindi na nito kailangan na pilitin pa siya na umalis.

But that made him feel the opposite. Mas desidido pa siyang manatili sa bahay na iyon. He still have two weeks before their contract expires.

Hindi namalayan ni Logan na pabalik-balik na siya ng lakad sa loob ng kaniyang kuwarto. Para siyang baliw na hindi mapakali. Gusto niyang makausap ang dalaga ngunit hindi naman niya ito matiyempuhan. Hindi naman siya makahingi ng tulong kay Nanay Marita dahil maging ito ay kasalukuyan ding hindi pinapansin ng dalaga. Nadamay din ang ginang dahil sa ginawa niya.

What should I do? What should I do? Paulit-ulit ang tanong na iyon sa kaniyang utak. Come on, damn mind. Gumana ka naman!

Napamura na lamang siya.

Bakit ba siya nagkakaganito? She's just another dāmn client. Yeah, the same dāmn client na hindi sēx ang pangangailangan kundi isang taong mapagpapraktisan nito sa pakikipag-usap. Paano niya magagawa iyon kung pakikipag-usap nga sa mga empleyado niya ay hindi niya magawa? Paano niya ito matutulungan kung ganito ang ugali niya? He is stubborn, impatient, and grumpy.

Oh, for fvck's sake! Sa sēx siya magaling, hindi sa pakikipag-usap! Naihilamos na lamang niya ang mga palad sa kaniyang mukha. Ito na yata ang pinakamahirap na kliyente na nahawakan niya. Hindi. Ni hindi pa nga niya nahahawakan. Ito na yata ang pinakamahirap na kliyente na nakaharap niya. Those are the right words.

And that same client is currently standing outside, checking her flowers. Nagmamadali siyang napasilip sa bintana. Dinaig pa niya ang spy sa pagtatago at pagsilip-silip dito.

She's still in her same style. Graceful, elegant, feminine. Fvck. Kahit pag-amoy ng bulaklak, napakasopistikada nito. The hell? Nagmamadali siyang lumabas mula sa kuwarto. Baka ito na ang pagkakataon niya upang makausap muli ito tungkol sa setup nilang dalawa. Baka nga ito na lang uli ang pagkakataon na makausap talaga niya ito dahil paniguradong magkukulong na naman ito sa kuwarto pagkatapos.

Nakagulatan sila ni Nanay Marita nang magkasalubong sila. Dala nito ang isang tray ng pagkain.

"Sir Logan?"

"Uh, Nanay Marita. I just saw Rebecca... uhm, Miss Watkins outside. On the garden."

Napatingin saglit ang ginang sa kalendaryong nakasabit sa pader. "Ah, dumating na naman pala ang araw na iyon."

Kumunot ang kaniyang noo. "Araw? Araw ho ng alin?"

"Iyon araw na dinala namin siya rito sa isla. Mahalaga kasi iyon sa kaniya. Iyon ang kinokonsidera niyang birthday niya e."

Nang maglakad ang ginang patungo sa malaking bintana sa may hallway ay sinundan niya ito. Tumingin ang ginang sa labas, partikular na kay Rebecca na kasalukuyang itinitaas ang sleeves nito. Nagsuot ito ng gloves pagkatapos, kasunod niyon ang pagdating ni Tatay Saul dala ang isang sako ng loam soil, seedlings, at ilang pirasong paso sa wheelbarrow.

"If she considers this day as her birthday, what does it have to do on planting new flowers?" Kunot noo niyang tanong.

"Kung naku-curious ka talaga, bakit hindi mo siya tanungin? Ikaw mismo ang magtanong." Nakangiti namang sabi ng ginang. Nakatingin na ito sa kaniya. "Malay mo, masorpresa ka sa isasagot niya."

Hindi kaagad siya nakasagot sa sinabi ng ginang. Ngunit sa huli, tila may sariling isip ang mga paa niya, tinalikuran niya ang ginang at ang direksyon na tinahak ng kaniyang paa ay ang palabas ng bahay. Nawala na sa isip niya na naka-pajama pa siya at sweatshirt, kahit ang nakayapak niyang mga paa.

He is curious. He can't help but to be curious about her.

"Anak, iwan ko na lang sa kuwarto mo ang pagkain mo ha?" sigaw ng ginang.

"Opo, 'Nay Marita," sagot naman niya na hindi na lumingon dito.

Dire-diretso siya hanggang sa marating ang garden. Nakaupo na si Rebecca sa isang mababang kahoy na bangkito at abala sa paglalagay ng lupa sa mga paso. Wala itong pakialam kahit na madumihan pa ang laylayan ng mahaba nitong dress.

"Ehem." He pretended to clear his throat to get her attention. "Good morning, Miss Watkins." At nagtagumpay naman siya, dahil lumingon sa kaniya ang dalaga.

Ngunit agad na sumama ang timpla ng mukha nito nang makita siya. Sinimangutan siya nito. And even though it was just a split second, he saw how she freakin' rolled her eyes. What the hell? What's with that attitude? Talagang wala itong balak itago ang pagkaasar sa kaniya, ano?

"Ah, good morning din ho, Sir Logan." Si Tatay Saul na ang bumati sa kaniya nang makita ang pagsusungit sa kaniya ni Rebecca.

Natigilan naman ang matandang lalaki nang gawaran ito ni Rebecca ng isang matalim na tingin.

"A, e. Nakalimutan kong may gagawin pa pala ako." Halatang nagpapalusot lamang ito at hindi maamin na natakot sa tingin ni Rebecca. Napakamot na lamang ng ulo ang matandang lalaki. "Sige ho, Sir Logan, Ma'am Rebecca, maiwan ko na ho muna kayo."

"Sige ho, Tatay Saul," sagot niya. Tumalikod na ang matandang lalaki at dumiretso sa likuran ng bahay.

Kinuha niya ang isa pang kahoy na bangkito at naupo sa tabi lamang halos ng babae.

"Why are you so grumpy? Tinarayan mo pa si Tatay Saul." Feeling close niyang sabi.

Maybe, if he approach her gently, he'll managed to talk to her properly. Ngunit hindi siya nito pinansin. She straight up ignored him.

Gently. Wow, big word. Logan Johnston can be gentle? His own mind mocked him. Shît. Ni hindi niya alam kung bakit kailangan niyang gawin ito. He could go home if he wants to. But why does he want to stay? Is it because he wants to hear her voice again so bad?

He can't really understand himself.

"What are you planting?" He asked again, hoping for an answer. Ngunit tulad kanina. Hindi rin ito sumagot. Even stuttering words, nothing.

Nakita niyang hinubad nito ang malupa na gloves, at saka kinuha mula sa bulsa ng dress na suot ang sticky note na lagi nitong dala, pati na rin ang isang fountain pen. Saglit itong nagsulat doon at matiyaga naman siyang naghintay. Oo. Ang isang mainipin na katulad niya, matiyagang naghihintay kay Rebecca ngayon na matapos ang isinusulat nito.

Nang matapos iyon ay idinikit iyon ng babae sa kaniyang tuhod at saka siya tinalikuran. Kumunot ang noo niya sa inasal nito. Saglit siyang napatitig sa nakatalikod na nitong pigura, bago kinuha sticky note na idinikit nito sa tuhod niya.

Leave me alone.

Fvck. Kulang na lang magusot ang mukha niya dahil sa nabasa. Bitbit ang kahoy na bangkito niya ay lumipat siya sa ng pagkakaupo sa tapat mismo nito.

"No." Matigas niyang sabi bago ibinalik dito ang sticky note. Idinikit din niya iyon sa tuhod nito. "I won't leave you alone unless you talk to me."

Isang matalim lamang na tingin ang natanggap niya mula rito. Hindi nito pinansin ang sticky note na ibinalik niya.

Ang sumunod na mga sandali ay purong katahimikan. Muling isinuot ng dalaga ang gloves at itinanim isa-isa ang mga seedling nito ng blue plumbago. Nang matapos doon ay ang mga seedling ng yellow strelitzia naman ang isinunod nito. Nagpakaabala ito sa ginagawa na para bang wala siya roon. May sarili itong mundo. Habang siya ay naipatong na lamang ang kaniyang mga braso sa tuhod at nagpangalumbaba. Tahimik lamang niya itong tiningnan. Nakisiksik, nakisawsaw siya sa mundo nito.

He saw how she suppress her smiles while planting. Halatang masaya ito sa ginagawa. Nang matapos ito ay hinubad na nito ang malupa na gloves, at inabot ang maliit na watering can.

Right then and there, he realized something; that this woman is mysterious. She is hiding something. He could feel it. Ngunit ano iyon? There's more to her elegant style... a secret.

"So... I heard it's your birthday," sabi niya kapagkuwan. "Technically."

Doon na ito napatingin sa kaniya. Nagtama ang kanilang mga tingin. Napaawang ang kaniyang labi nang hindi niya namamalayan. Those fvcking blue eyes. It almost take his breath away.

Kumunot ang noo ng dalaga na para bang nagtatanong kung saan niya iyon nalaman. He cleared his throat.

"Nanay Marita kinda told me."

Sumimangot ito. Ano pa ba ang bago roon. Kung hindi tikom ang labi ay simangot lang naman talaga ang nakukuha niya mula rito. Kinuha nito ang sticky note, nagsulat doon at ipinakita sa kaniya.

You already brainwashed Nanay Marita.

"Tss." Napailing-iling na lamang siya. "You're so judgemental. Has anyone ever told you that?"

Umiling-iling din ito. Sabagay, paano nga ba may magsasabi niyon sa dalaga? Wala naman itong nakakahalubilo na ibang tao. Bukod sa mag-asawang Saul at Marita, at sa mga mangingisdang naghahatid ng mga mahahalagang supply; mga mangingisdang malamang sa malamang ay hindi rin naman nakita ng dalaga maski isang beses, dahil sa lagi nitong pagkukulong sa kuwarto nito.

Iyon nga ang dahilan kung bakit ito humingi ng tulong sa Services, hindi ba? Iyon ang dahilan kung bakit siya na-hire; kung bakit siya nasa islang iyon ngayon. Upang may makahalubilo itong ibang tao.

"Well, now I am telling you that."

Muli silang binalot ng katahimikan. Sinimulang diligan ng dalaga ang mga halaman nito.

"So... why are you planting new ones anyway?" tanong niya sa dalaga. Tama nga kaya si Nanay Marita? Masorpresa nga kaya siya sa isagot nito? Iyan ay kung hindi siya iisnabin ng dalaga at mag-aabalang sasagutin ang tanong niya.

Natigilan naman ang dalaga at napatitig sa kaniya. Bakit ganito ito makatingin? May nasabi ba siyang mali?

"Why?" Na-conscious na siya sa paraan ng pagtitig nito. Para siyang baliw na nakapa-kapa ang sariling mukha. "Do I have something on my face?"

Ibinaba nito ang watering can, saka sumulat sa sticky note nito. Pagkatapos ay iniabot iyon sa kaniya.

To celebrate my freedom.

"F..." Itinuro nito ang mga strelitzia nito. "F-Fre..." Parang may gusto itong sabihin ngunit hindi maituloy-tuloy. Ayaw gumana nang maayos ng dila nito, ayaw makisama. Kitang-kita niya kung paano ito frustrated na sumulat na lang sticky note nito at idinikit iyon sa braso niya.

Freedom. Iyon ang nakasulat.

Pagkatapos ay ang blue plumbago naman ang itinuro nito. Nagsulat muli, at saka idinikit uli iyon sa braso niya.

Hope.

Bahagyang kumunot ang kaniyang noo. She gave him the meaning of those flowers, but she did not tell him the importance of it on her life.

Tatanungin pa sana niya ito ngunit natigilan siya nang magdikit ito ng isa pang sticky note, this time, sa paa naman niya. Parang balak na yata nitong punuin ng sticky note ang buong katawan niya. Tumayo na ito pagkatapos at tinalikuran na siya. Kinuha niya ang note at binasa iyon sa kaniyang isip.

Don't wander again without slippers

Napatayo na rin siya mula sa bangkitong kinauupuan. Agad siyang napatingin sa dalagang papasok na ng bahay.

"Rebecca!" Pagtawag niya sa pangalan nito na ikinatigil nito. Napalingon ito sa kaniya. He smiled at her, he does not know why. He just feel like smiling. "Happy birthday."

Napakurap-kurap ang dalaga. Maya-maya ay napangiti rin at talaga namang siya naman ang natigilan roon. It was the first time that she smiled at him. At sa utal-utal na paraan ay pinilit nitong magsalita. "T-Thank you... L-Logan."

Nagmamadali siya nitong tinalikuran pagkatapos niyon na para bang nahiya sa paraan nito ng pagsasalita, at tumakbo papasok ng bahay. Parang saglit namang tumigil ang puso niya nang marinig ang boses nito. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatayo lamang sa may garden. Just hearing her voice makes his heart dance in pure amusement. What witchcraft is this?

Nang pumasok siya sa kuwarto ay kinuha nita sa maleta niya ang maliit niyang travel journal. Idinikit niya roon ang lahat ng sticky note na ibinigay sa kaniya ng dalaga...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height