Rules And Freedom/C2 Winter Blood
+ Add to Library
Rules And Freedom/C2 Winter Blood
+ Add to Library

C2 Winter Blood

Luna

" Commander nakalimutan mo ba na nasa teritoryo ka namin. Ibig sabihin hawak ko ang buhay mo" sinuntok ko ang table na nasa harap ko.

" Hindi ikaw ang magsasabi kung ano ang magiging decision na gagawin ko"

" Ohh! Ayaw mo palang may nagdidikta sayo pero pumayag kang kontrolin ng mga walang kaluluwang nilalang na nakatira sa City 5 "

" Wala kang pakialam" bumunot ang limang kasamahan niya ng baril at itinutok sa akin.

" Finally napag desiyonan niyo narin na patayin ako. Ano pa ang hinihintay niyo" sabi ko habang nakangiti.

Sunod sunod na putok ng baril ang umalingaw ngaw sa loob ng kwarto. Nanatili akong nakatayo sa harap nila at hindi umilag sa mga bala na lumilipad papunta sa direksiyon ko. Surprisingly hindi nila ako pinatamaan kahit isang beses.

Clap.. clap.. clap.. Tumayo ang leader nila at lumapit sa akin.

" I applause your fearlessness Commander Luna" He praise me again.

" Well then let's go to the next step" may nilabas silang mask kasabay nang paglabas ng usok sa buong room.

Tumakbo ako papunta sa pintuan at sinubukan na buksan pero naka locked yun mula sa labas. Unti unting nanghihina ang katawan ko hangang sa napaupo nalang ako sa sahig. Pilit kong nilabanan ang antok dulot ng sleeping gass pero kahit anong pilit ko kusang pumipikit ang aking mga mata hangang sa tuluyan akong nawalan ng malay.

FASTFORWARD

" SOL! SOL! SOL! SOL! SOL! sigawan mula sa paligid

Sa paggising ko nasa gitna na ako ng arena. Nakaupo sa upuan habang pinapanood ng daan daang tao.

"Goodmorning Commander"

Sol pala ang pangalan niya. Nakaupo siya sa kabilang side ng arena. Medyo nagulat pa ako dahil sa kakaibang aura niya ngayon.

" Anong nangyari?"

"Let's have duel gaya ng sinabi ko sayo kapag nanalo ka makakaalis ka ng ligtas dito. Pero kapag natalo ka sasabihin ko sa akin kung ano ang susunod na pinaplano ni Arthur laban sa City 3"

Arthur a ruler of City 5

" I refuse mas pipiliin kong mamatay kaysa trumaidor sa mga kasama ko" bigla nalang siya sumugod sa akin. Mabuti nalang mabilis akong nakaiwas sa pag atake niya.

" Whoohh"

" SOL! SOL! SOL! SOL!"

" BRING HIM DOWN"

" They are enjoying this?" Kunot noo kong sabi

" Bakit ka magtataka sa pagkakaalam ko mas maraming nasasayang na buhay sa City 5 para aliwin ang mga nakaupo sa pwesto"

" Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo"

" Open your eyes Commander. Mali ang ipinaglalaban mo" tinamaan ako sa mukha ng malakas na suntok.

" I don't care. My job is to eliminate all of you at hindi humusga kung sino ang may tamang paninindigan" natamaan ko siya gamit ang malakas na sipa.

" Kaya nga gusto kong imulat mo ang iyong mga mata sa katotohanan. Walang maidudulot na mabuti ang pinapatupad na batas ng City 5"

" Bakit napaka eager mo para kumbinsihin ako na mali ang batas na pinapatupad nila" napatigil siya at tumingin sa mga mata ko. His gaze is seems to be more meaningful hind ko alam pero....

" Boom" biglang yumanig ang buong paligid kasabay nang sunod sunod na pagsabog mula sa labas.

" Sinusugod tayo" sigaw mula sa di kalayuan nagsilabasan ang mga taong nanonood ng laban namin hangang sa kami nalang dalawa ang natira dito sa loob.

" Mukhang kailan kong lumabas. Mamaya ipagpatuloy ang laban Commander" lumabas siya at iniwan ako mag isa dito sa loob.

Kinuha ko naman ang pagkakataon para makatakas. Kahit na hindi ko kabisado ang lugar nagbakasali ako na mahanap ang exit door.

Hindi ako tumigil sa pagtakbo pero pakiramdam ko paikot ikot lang ako kaya naisipan kong maglagay ng palatandaan sa bawat sulok bago magsimulang tumakbo ulit. At ang hinala ko nakulong ako sa isang maze kaya siguro panatag ang loob nilang iwan ako dito dahil hindi ko agad makikita agad ang daan palabas.

Umupo ako sa sahig at nag isip ng magandang ideya. Pagkalipas ng ilang minuto tumayo ako ulit. Lahat ng nilagyan ko ng palatandaan iniwasan ko dahil sigurado babalik ulit ako sa pinangggalingan ko kanina. Hanggang sa nagawa kong makarating sa pinakadulo kung saan makikita ang apat na tunnel. Maigi kong pinakinggan kung saan galing ang mga putok ng baril. At ng marinig ko na nagmumula yun sa pinakahuling tunnel tumakbo ako palabas.

" Catch them" sigaw mula sa di kalayuan boses yun ni Sol

" Buddy" napatingin ako sa gawing bahagi. That's voice is really familiar.

Don't tell me... Nang makita ko na papalapit ang ibang flying army kung saan nanggagaling ang boses inunahan ko na sila.

I know that voice at isang tao lang ang tumatawag sa akin ng Buddy.

" Buddy" sigaw ko habang tumatakbo opisyal ng nagsimula ang winter season. Umulan ng niyebe dito sa labas at sobrang lamig ng paligid hinatak ko siya bago nagtago sa likod ng punong kahoy.

" Buddy" niyakap niya ako ng mahigpit

" Bakit ka nandito?" He is my bestfriend and a soldier too pero nasa City 4 siya nakadistino.

" Tinawagan ni Tito ang sabi niya nahuli ka daw ng mga kalaban kaya sumama ako sa rescue operation"

" Hindi kaba nag iisip napaka delikado dito"

" Alam ko pero hindi ako mapakali kapag hindi ka nababalik sa City 5"

Sunod sunod na mga kaluskos ang aming narinig. Papalapit na sila.

" They are coming"

" Commander Jade alam kung nasa paligid kalang mas mabuti pang lumabas kana sa pinagtataguan mo kung gusto mo pang makitang buhay ang mga kasama mo" sumilip kami kung saan nanggagaling ang boses.

" Paano niya nalaman ang pangalan ko?"

" Bago ka lumabas siguraduhin mong kasama mo si Commander Luna" paano niya nalaman niyang magkasama kami?

" Mukhang hindi pumapanig sa atin ang pagkakataon" sabay sabay kaming lumabas habang nakataas ang dalawang kamay.

" Put your guns down nandito na kami" saad ko

" You really amuze me Commander Luna hindi ko akalain na ganoon ka kadali makalabas sa maze. Para naman sayo Commander Jade I'm sorry to say this but you're rescue operation is not sucessful dahil simula ngayon he is belong to me" saad niya na nakaturo sa akin.

" Diee" isang sigaw ang bumulabog sa amin kasabay ng sunod sunod na putok ng baril.

Biglang may hinatak sa akin para protektahan ako sa mga bala na lumilipad sa direksiyon ko. Lahat ng mga kasamahan ni Jade ay nakita kong may tama ng baril sa ulo at hindi na humihinga.

" Everyone tumayo kayo" naiiyak na sigaw ni Jade

" Mga traidor pinatay niyo ang pamilya ko dapat mamatay din kayong lahat" isang lalaki ang nakatayo sa di kalayuan may hawak siyang baril at nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa amin.

Mabilis na inagaw ni Jade ang isang baril na nakasukbit sa baywang ng isang sundalo ng flying army at binaril ang lalaki. Natamaan ito sa dibdib at unti unting bumagsak sa makapal na niyebe na bumabalot sa buong paligid. Tinitigan ko ang kulay puti na niyebe kung saan nabahiran na naman ito ng dugo ng mga taong magkaibang pinaglalaban at pananaw sa buhay.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height