+ Add to Library
+ Add to Library

C4

Nakaupo sa gilid ng kama habang yakap-yakap ang mga binti. Mukha man akong bata na inagawan ng laruan ngunit iyon ang totoo kong nararamdaman. Habang nakayuko ay hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng mga luhang pilit kong pinipigilan.

Nagsinungaling sila. Paano nila nagawang magsinungaling tungkol sa ama ko?

Buong buhay kong kinamuhian ang ama ko dahil sa sinabi nilang nasangkot ito sa illegal na pagbebenta ng droga kaya siya pinatay.

Kahit totoong pangalan ng ama ko ay ipinagkait nila sa akin. Bakit? Para saan?

"Wanda, apo?"

Nakaupo si Lola sa kama ko hawak-hawak ang kanyang tungkod.

Pinigilan ko ang aking paghikbi saka huminga ng malalim bago nagsalita.

"Bakit kayo nagsinungaling?" may halong pagkainis kong tanong.

Rinig na rinig ko ang malalim na paghinga ni Lola.

"Apo,"

"Bakit niyo nagawa 'yun? Bakit?!" sigaw ko.

"Para protektahan ka! Kayo ni Jury!" napasigaw na rin si Lola.

"Protektahan? Saan?!"

"Sa itim na mangkukulam." Tumayo si Lola at naglakad papunta sa bintana ng kwarto ko.

Sandali siyang naging tahimik. Pinagmamasdan ang kagubatang makikita mula sa bintana.

"Nandito na ako ng patayin ng itim na mangkukulam ang lahat ng tao," panimula ni Lola.

Nandito siya?

"Nandito ka? Pero bakit? Akala ko ba namatay ang lahat ng tao nang maganap 'yun?" Tumayo ako at naglakad ng ilang hakbang papalapit kay Lola.

"Namatay na sana kami ng Lolo mo kung hindi dahil kay Marta," dugtong pa nito.

"Si Marta? 'Yung mangkukulam?"

"Oo. Siya ang tumulong sa amin ng Lolo mo nang maganap ang nakakatakot na paghihiganting iyon. Nalaman niya ang masamang balak ng itim na mangkukulam ngunit huli na ang lahat para masagip niya ang lahat ng tao kaya dalawa lamang kami ng Lolo mo ang kanyang nailigtas. Lumipas ang ilang taon at nagdalang tao ako, binasbasan ni Marta ang dinadala kong bata upang maging tagapagligtas at iyon nga ang tatay mo, si Arkhan." Batid sa boses nito ang sakit na naramdaman.

"Ako lang ba ang hindi nakakaalam tungkol dito?"

Kaya ba naiinis si Jury sa akin dahil alam niyang kakaiba ako? Kaya hindi niya ako matanggap bilang kapatid?

Humarap si Lola sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko pagkatapos ay tinitigan ako sa mga mata.

"Katulad mo ay wala ring alam ang Mama mo at ang kapatid mong si Jury. Itinago ko ang lahat ng ito sa inyo lalo na sa'yo para protektahan ka apo, dahil kapag nalaman ng itim na mangkukulam ang tungkol sa'yo sigurado akong papatayin ka niya, tayong lahat," sagot ni Lola.

Talaga palang totoo ang mangkukulam at ako lamang ang makakapatay sa kanya?

"Apo, lakasan mo ang loob mo. Ikaw lamang ang tanging makakapagligtas sa buong Elysian. Namatay ang ama mo matapos niyang talikuran ang kanyang misyon at piliin ang Mama mo."

Tinapik ni Lola ang balikat ko pagkatapos ay naglakad na ito palabas ng kwarto.

Pagkalabas ni Lola ay para akong nanghina dahil sa lahat ng mga hindi kapani-paniwala pangyayari na aking nadiskubrehan kaya pabagsak akong napaupo sa aking kama.

Hindi ko kaya. Bakit ako pa? Pwede namang si Jury na lang dahil matapang siya at matalino tapos- ahh! Hindi ko kaya!

Inabot ko ang unan na nakalagay sa dulo ng kama at itinapon ito ng malakas sa sahig.

Hindi ko kaya!

Hindi ko gagawin!

________

Kinabukasan habang naglalakad ako papunta sa paaralan ay may bigla na lamang tumawag sa akin.

"Wanda, hintay!"

Lumingon ako at nakita ko si Mica na tumatakbo papalapit sa akin.

"Bakit um-absent ka kahapun?" Tanong nito nang maabutan ako.

"Wala." Maikli kong sagot saka nagpatuloy na sa paglalakad.

Sumunod naman si Mica sa akin at parang hindi ito kumbinsido sa sinabi ko.

"Anong wala? Ano, um-absent ka dahil gusto mo lang?" dugtong niya.

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Ang totoo nilagnat ako kahapoln kaya um-absent ako," pagsisinungaling ko. Mukhang naniwala naman ito.

Hindi ko magagawang ipagtapat sa kanya ang totoo dahil ayaw kong mag-iba ang tingin niya sa akin.

Ayaw kong malaman niyang kakaiba ako.

Pumasok kami sa aming mga klase at katulad ng normal na araw ay tulala lang ako.

"Wanda? Kanina ko pa napapansing tahimik ka, may problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Mica.

Nandito kami ngayon sa kainan, kumakain si Mica habang ako ay nakatitig lang sa pagkaing nasa aking harapan.

"Ha? Ah, wala naman," nakangiti kong sagot taliwas sa totoo kong nararamdaman. Ito ang takot at pag-aalala.

Tumigil ito sa pagkain at seryosong tumingin sa akin.

"Alam mo napapansin kong parang hindi maganda ang panahon natin ngayon. Noong isang araw namatay 'yung isa nating kamag-aral tapos namatay rin 'yung isa nating kapit-bahay, hay!" matamlay niyang wika.

Hindi ko na ito sinagot, sa halip ay yumuko na lang ako at nagsimulang kumain.

Kung pwede ko lang sana sabihin sa'yo kung ano ang totoong nangyayari, pero hindi, hindi pwede.

"Hi!"

Sabay kaming napatingin ni Mica sa gilid ng mesa nang may lalaking biglang magsalita.

Hindi ko kilala ang lalaking ito at ngayon ko pa lamang siya nakita.

Matangkad, katamtaman ang hubog ng katawan, maitim ang bilog ng mga mata, may mapupulang mga labi at may nakakabighaning ngiti. Hindi siya maputi at hindi rin maiitim.

Habang tinititigan ang lalaki ay bigla na lamang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Isang kakaibang pakiramdam ang dumapo sa akin na matagal ko nang hindi naramdaman.

Ang amo ng mukha niya.

"Ako nga pala si Gwydion Jadis, bago lang ako rito. Pwede ba akong sumabay sa inyong kumain?" nakangiti niyang tanong.

Kaagad na tumayo si Mica at nakangiting linapitan ang lalaki. Bakas sa kilos nito ang pagkatuwa sa kaharap.

"Ako naman si Mica," inabot nito ang kamay sa lalaki na agad namang tinanggap ng nagpakilalang si Gwydion.

"Upo ka," pangyayaya ni Mica pagkatapos nilang magkamayan.

Umupo si Gwydion sa tabi ko habang nasa harap naman namin nakaupo si Mica.

Hindi ko alam kung bakit doon siya umupo. Ang alam ko lang ay bigla akong nanigas nang hindi sinasadyang masagi niya ang siko ko.

"Kaylan ka lumipat dito?" Tanong ni Mica nang makaupo sila.

Tahimik kong ipinagpatuloy ang pagkain habang si Mica at ang lalaking si Gwydion naman ay nagsimula narin sa pagkain.

"Kanina lang, dati kasi sa bahay lang ako nag-aaral." Sagot ng lalaki sabay subo ng in-order niyang burger.

Napatingin ako sa kanya nang marinig ang sinabi nito.

May kaya pala siya sa buhay. Ang totoo halata naman sa kanya.

"Home school?! Grabe ang yaman mo pala," manghang sagot ni Mica. Napalakas pa ang boses nito kaya napatingin ang ilang estudyante sa amin.

"Sshh! Mica!" Pagsasaway ko rito. Kaagad naman itong tumahimik.

"Teka, ano palang pangalan mo?"

Halos mabilaukan ako nang bigla siyang tumigil sa pagkain at tumingin sa akin.

Amoy na amoy ko ang kanyang napakabangong pabango. May konting agwat man sa gitna naming dalawa ngunit para sa akin ay sobrang lapit na ng mukha niya sa akin.

Nakangiti ito habang nakatingin sa mga mata ko.

"Wanda? Wanda?!"

Saka lang ako bumalik sa katinuan ko nang alugin ako ni Mica. Kaagad kong iniwas ang tingin ko at yumuko.

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng lalaki.

Nakakainis na nakakahiya. Iyan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Siya si Awanda," singit ni Mica.

"Ah, Awanda pala ang pangalan mo, magandang pangalan. Ako naman si Gwydion pero pwede mo akong tawaging Dion para mas madaling banggitin," sambit niya.

Naramdaman kong itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at iniabot sa akin.

Tiningnan ko ito at mas lalo akong namangha.

Bihira lamang ang lalaking may makinis at malakandilang mga daliri. Saan ba nanggaling ang lalaking ito at bakit ganito na lamang siya ka swerte?

"Awanda, Wanda nalang ang itawag mo sa akin," malamig kong sabi.

Alam kong nagugustuhan ko na siya kahit unang beses ko pa lang siyang makita, pero hindi ko pwedeng ipakita sa kanya ang totoo kong nararamdaman at baka'y sabihin niyang madali akong makuhang babae.

Tinanggap ko ang kamay niya at tuluyan na kaming nagkamay. Sobrang lambot ng kamay niya at mas lalo ko pa itong naramdaman ng pisilin niya ang kamay ko.

Nakatitig siya sa akin at ganun rin ako sa kanya.

Kung kanina ay hindi ako makagalaw ngayon ay parang may kuryente ng dumadaloy sa buo kong katawan at parang gusto ko nang sumabog sa sobrang kaba.

"Ah, hahaha. Kumain na tayo, ha?" Sabay kaming napatingin kay Mica nang magsalita ito at sa oras na iyon ay kaagad kong hinablot ang kamay ko at yumuko.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para pigilan ang hiyang nararamdaman. Alam kong namumula ang mga pisngi ko kaya dapat akong kumalma bago humarap ulit ng maayos sa kanila.

Nagpatuloy sa pagkukwentuhan sina Mica at Dion habang ako ay tahimik lang habang paminsan-minsang inaagawan ng tingin ang gwapong lalaking nasa tabi ko.

Namatay ang Papa mo dahil mas pinili niya ang pag-ibig.

Bigla akong napatigil nang maalala ang sinabi ni Lola.

Kaya ko bang talikuran ang misyon ko para sa pag-ibig? Kung mabibigo ako ngayon at magkakaanak kami ni Dion sasagipin naman kami ng anak namin diba?

Hays! Ano ba 'yang iniisip mo Wanda! Hindi mo pa nga alam kung may gusto sayo 'yung tao tapos anak agad iniisip mo?

"Wanda? Ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay Dion nang magsalita ito.

"Ha, oo naman! Bakit?"

"Sinasapak mo kasi ang sarili mo," banggit niya.

Bigla akong nataranta nang mapagtantong nakalagay sa ulo ko ang isang kamay ko habang nakakuyom.

Ano ba itong pinaggagagawa ko sa sarili ko?

Tumayo ako at dinampot ang mga gamit kong nakapatong sa mesa.

"Pasensiya na pero may klase pa pala ako. Mauna na ako sa inyo, kita nalang tayo sa susunod." Saysay ko saka nagmadaling lumabas ng canteen.

Ang totoo wala naman talaga akong klase sinabi ko lang iyon upang sagipin ang sarili kong nalulunod sa kahihiyan.

Pagkalabas ng canteen ay pumunta ako rooftop upang doon magpalipas ng oras. Wala naman akong ibang mapuntuhan, mas maganda dito, may sariwang hangin at nakikita ko ang lahat lalo na ang kagubatan.

Ang kagubatan na kahit sa malayo ay kitang-kita mong pinaghaharian ito ng isang may masamang loob.

"Tinitingnan mo ang kagubatan?" Napalingon ako nang may biglang magsalita.

"Bakit nandito ka?" tanong ko.

"Sinundan kita," kalmado niyang sagot.

Tama, si Dion nga. Naglakad siya at huminto sa tabi ko saka katulad ko ay isinandal niya rin ang kanyang mga braso sa harang na semento.

"Bakit ka lumipat dito?" pag-uumpisa ko. Napansin ko ang malungkot niyang mga mata. Nasa malayo ang kanyang tingin at tila ba may dinaramdam siyang problema na hindi niya masabi sa iba.

"Dahil gusto kong lumabas sa tunay na mundo. Simula bata ako nasa bahay lang ako, hindi ko naranasang namuhay ng normal katulad ng ibang bata," nakatingin siya sa kagubatan habang nagsasalaysay.

"Bakit hindi?"

"Ang bilis mo naman," Ngumiti siya, "Ang dami mo nang alam tungkol sa akin tapos ako tanging pangalan mo lang ang alam ko sayo," dugtong niya.

Hindi na ba talaga ako lalayuan ng kahihiyan?

Tumawa siya nang bigla akong tumahimik pagkatapos ay agad ring ibinaling muli ang tingin sa gubat.

"Sa tingin mo bakit nakakatakot ang gubat na iyan?" Sabay turo niya sa madilim na gubat.

"Hindi ko alam. Kahit kailan hindi lumiwanag ang parteng 'yan kahit sikat na sikat ang araw," wika ko.

Sandali kaming naging tahimik. Nakatingin lang sa malayo. Walang nagsasalita hanggang sa may napansin na naman akong kakaiba.

Mula sa madilim na gubat ay may bigla na lamang lumitaw na usok, ang itim na usok.

Nanindig ang balahibo ko. Parang gusto kong tumakbo ngunit hindi ako makagalaw dahil sa sobrang takot.

May mamamatay na naman.

"Wanda, ayos ka lang?"

"'Yung usok! Nandiyan na naman ang usok." Bulalas ko sabay turo sa paparating na maitim na usok.

"Usok? Saan?" Hinawakan ako ni Dion sa isang kamay habang tinitingnan ang gawi na itinuro ko.

Malakas ang pag-ihip ng usok at ramdam kong papunta ito sa amin. Gusto kong hilain si Dion para tumakbo ngunit hindi ko magawa.

Ang lapit na niya. Rinig na rinig ko na ang tunog ng pag-ihip niya.

"Dion, tumakbo kana, takbo na!" Sigaw ko ngunit hindi parin umaalis si Dion. Nakakunot lang ang noo niya habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa itinuturo ko.

Andiyan na siya.

Kitang-kita ng mga mata ko ang paglaki nito dahil sa sobrang lapit.

"Dionnnnn!" Ang tangi ko lamang nasigaw sabay pikit.

Naramdaman kong biglang humapdi ang braso ko kaya minulat ko ang mga mata ko.

Napansin kong nakahiga na ako sa semento habang nasa tabi ko si Dion. Umaaray ito habang ang kanyang isang braso ay nakalagay sa ilalim ng ulo ko.

Kaagad akong tumayo at tiningnan ang nahihirapang lalaki.

"Anong nangyari?" nagtataka kong tanong.

Sigurado akong hindi ko itinulak o hinila si Dion nang sunggaban kami ng usok ngunit bakit nakahiga kami, at 'yung usok, hindi kami tinamaan ng usok? Bakit?

"Buti nalang nahila kita." Nakangiti niyang wika habang-dahan dahang tumatayo.

Anong ibig niyang sabihin? Nakikita niya rin ang usok?

"Ibig mong sabihin ay nakikita mo rin 'yung usok?"

"Anong usok? Hinila kita dahil muntik na tayong tamaan nu'n oh." Sabay turo niya sa isang matulis na sanga ng kahoy, "Dala yata ng hangin," dugtong pa niya.

Huminga ako ng malalim. Ano bang iniisip ko? Iniisip kong baka nakikita niya rin 'yung usok? Nakakatawa!

Naglakad kami pareho ni Dion sa klinika upang ipagamot ang mga galos namin. Tahimik lang kami habang naglalakad, hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Habang si Dion naman ay hindi ko alam kung bakit siya tahimik, siguro ay nabigla rin siya sa nangyari.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height