C14 Mushroom
"Kailangan mo ng kasama?"
Tinaasan ko ng kilay si Haze na nagtanong noon. Nagugulat na lang ako dahil para siyang kabuti na sulpot nang sulpot sa harapan ko.
"Hindi," sagot ko at muling binalik ang paningin sa harapan.
Dinig ko ang pagtawa niya bago naupo sa tabi ko. "Bakit wala kang kasama? Delikado para sa'yo lalo na at babae ka," aniya.
Napairap na lang ako
