Dalawang hindi magkakilalang tao ang nagkaisa nang dahil sa kasal na magulang lang ang siyang may kagustuhan. Isang arogante na lalaki, at naging sunod-sunuran na babae. Isang nagngangalang Aurora ang tiniis ang lahat sa kamay ng napangasawa na si Lucas nang dahil sa pagmamahal sa kaniyang mga magulang. Isang walang kaalam-alam na Aurora na pinakasalan ang isang lalaki habang hindi lingid sa kaalaman na ito ay isang kilala bilang isang makapangyarihang mafia sa bansa. Isang misteryoso at napaka-pribadong Lucas na walang ibang ginawa kung hindi ang manakit ng kaniyang asawa at isipin si Iris na kaniyang minahal simula pa noong una. Ngunit nang dahil sa kinabangga na isa pang makapangyarihan na grupo ng isang mafia at nadamay ang kaniyang asawa, posible nga ba na sa unang pagkakataon ay maging maayos ang pakikitungo niya kay Aurora? Posible kaya na sa unang pagkakataon ay maiparamdam niya kung ano ang tunay na kahulugan ng isang asawa o hahayaan na lamang ito sa mga kamay ng halang din ang kaluluwa?