C8 Decision
Napasigaw ako nang may tumama sa aking sasakyan. Ang pangangatog ko ay hindi nakatulong.
Sumiksik ako sa ilalim ng upuan dito sa driver seat upang itago ang aking sarili. Natatakot ako.
Walang tigil ang putok na iyon. Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng ingay. Natatakot na baka may makakita sa akin at ako ang puntiryahin.
Bakit may ganito? Ano ito?
Pigil ang paggawa ng ingay habang umiiyak nang lumipas ang segundo at wala pa rin humpay iyon.
Medyo may kalayuan ang bahay namin sa iba pa na bahay na nakatira rito. Ang hindi ko sigurado kung naririnig nila ang mga putok na ito dahil sa sobrang tahimik ng gabi.
Niyakap ko ang sarili ko at saka sumiksik pa lalo. Gusto kong humagulgol nang dahil sa takot lalo na nang marinig ang pagtama muli ng sunod-sunod na putok sa aking sasakyan.
Napahawak ako sa sasakyan nang unti-unti na bumababa iyon. Mukhang pati mga gulong ko ay hindi nila pinalampas.
Napadasal na ako sa lahat ng santo na sana tumigil na iyon. Sobrang natatakot ako. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako napunta sa kalagayan na ito.
Nanginginig na kinuha ko ang cell phone ko. Nais tawagan si Lucas ngunit isang message ang bumugad sa akin. Mabuti na lang pala ay naka-silent iyon. Pinunasan ko ang mga luha na pumatak sa aking mga mata at binasa ang message na mula sa kaniya.
Lucas:
Stay in your car.
Tumango ako na animo'y makikita niya iyon. Mahigpit ang hawak ko roon sa aking cell phone. Ilang sandali pa nang medyo humupa ang putok ng baril. Sunod na narinig ko ay ang malakas na pagsabog.
Nanlalaki ang aking mga mata at halos hindi ako makagalaw. Tumatahimik na rin ang paligid. Gusto kong lumabas upang tingnan iyon ngunit wala rin akong lakas. Nanghihina ako at halos hindi makagalaw.
Gayunpaman ay dahan-dahan na binuksan ko ang pinto gamit ang aking nanginginig na kamay. Napapalunok na tiningnan ko ang kapaligiran.
Hindi ko alam kung saan ang sumabog na iyon ngunit isa lang ang sigurado ako at iyon ay ang hindi iyon sumabog sa bahay.
Kahit halos madapa-dapa na ako ay nagtatatakbo pa rin ako papasok sa bahay. Napailing ako nang madaanan ang basag na mga binatanang babasagin at ilan na bumagsak na flower vase.
"Lucas!" tawag ko sa kaniya.
Pinilit ko na makatakbo hanggang sa itaas ngunit wala siya roon. Wala akong naabutan na Lucas.
Sapo ang aking noo na bababa na sana ako sa hagdan nang may humatak sa akin at tinakpan ang aking bibig.
Kumabog ang dibdib ko. Ang takot na nararamdaman ko ay nadoble. Sino ba kayo?
"It's okay. It's me, Aurora... Lucas," aniya.
Pinakawalan din niya ako nang makapasok kami sa silid niya. Naluha na lang ako muli nang makita siya. Bahagya ko pa siya na pinaikot upang tingnan kung may nangyari na masama sa kaniya.
"Stop— stop it. I'm okay," aniya.
Tumango ako. Kahit na hindi pa rin matigil sa panginginig. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinilit na pakalmahin ang sarili nang marinig ang pagbuntonghininga niya. "Sorry—"
Tahimik na lang ako na napaiyak nang hagkan niya ako sa kaniyang mga braso.
"Stop crying," utos niya.
Nakailang tango na ako ngunit hindi ko pa rin maitahimik ang sarili. Natatakot ako. Kung hindi pa ako nakapasok sa sasakyan ko kanina ay baka nakabulagta na ako sa labas.
Tulala na inabot ko ang tubig na inabot sa akin ni Lucas. Naririto pa rin ako sa silid niya. Nang kumalma ako ay bumaba siya. Ayaw ko pa nga dahil baka maulit ang nangyari kanina pero hindi ko pa rin siya napigilan.
"See? Wala naman nangyari sa akin," aniya.
"Kilala mo ba sila?" ang mga kataga na kanina pa nais na kumawala sa aking bibig. Isang tanong na kanina pa nais mabigyan ng kasagutan mula sa kaniya.
Binalingan ko siya nang hindi siya sumagot. Napaiwas siya ng tingin at tumungo sa kaharap ko na sofa.
"Hindi," maikling sagot niya.
Natawa ako. "Hindi? Tayo lang ang may bahay rito at ang malala pa ay bahay natin ang tumbok. Imposible na hindi mo sila kilala."
"Alam mo naman pala ang sagot bakit mo pa tinatanong," aniya.
"May nakaaway ka ba? Sino na naman ang nakabangga mo?" tanong ko.
"Stay out of it, Aurora," seryosong aniya.
"Stay out of it?" sarkastikong sambit ko. "Tingnan mo ang bahay, ang hitsura sa ibaba at sa labas. Higit sa lahat ay ang sasakyan ko—"
"If you are worrying about your car... bibilhan na lang kita ng bago. Manatili ka muna rito hangga't wala pa iyon rito," simpleng sagot niya.
Hindi ako makapaniwalang tingnan siya. "Hindi sasakyan ang pinag-aalala ko, Lucas! Ikaw! Alam ko na alam mo na hindi kung sino-sino lang ang gagawa noon at mas lalo na hindi kung sino-sino lang ang kinakabangga mo! Walang maglalakas ng loob na paputakan itong bahay ng ganoon-ganoon na lang!"
"Tone down your voice!" mariin na aniya.
Ramdam ko ang halos magdikit na mga kilay ko. Tinuro ko ang labas. "Nakita mo naman siguro ang hitsura sa ibaba. Butas–basag ang bintana! Tumagos na sa loob ang mga bala na naging dahilan kung bakit pati piraso ng mga flower vase ay nagkalat na sa sahig," ani ko.
"Kulang na nga lang ay pasukin rito sa loob!" Tinuro ko siya nang asta siya na magsasalita. "Ayan ba! Sa kanila mo ba nakuha ang mga sugat na 'yan?" tanong ko.
"Sigurado naman ako na hindi ako ang target noong mga 'yon," sabi ko. "Nang dahil diyan sa napaka... mo na ugali. Nang dahil d'yan ay napapahamak ka. Hindi mo kasi kayang kontrolin ang sarili mo na humantong na sa ganito ang lahat! Gusto mo kasi ikaw ang laging nasusunod! Gusto mo lahat ay susunod sa'yo. Ganiyan ka naman," tumatangong sambit ko. "Wala ng bago."
"You don't know anything, Aurora. Huwag mo ako sisihin na para bang alam mo ang lahat where in the first place you know nothing," aniya nang hindi makatiis. "You are jumping into assumption without a solid evidence. Tanungin nga kita... Ano bang alam mo?" tanong niya.
Matalim ang mga mata na hindi ako masagot sa kaniya dahilan upang matawa siya. "See? You know nothing! I was asking you to stay out of it then suddenly you act like this. For your information, I don't need your pity. You are worried about me?" tanong niya. "Eat that shit up. I don't fucking need it. Isa pa... can you shut your mouth?"
Bumaling ako sa ibang direksiyon at naiinis na ngumiti. Siyempre, siya 'yan. Gusto niya lagi na lang siyang nasusunod.
Padabog ako na umupo muli sa kama niya at inirapan siya pabalik nang irapan niya ako. Pabulaanan ko man pero hindi maitatago sa sarili ko na nakararamdam ako ng takot lalo na sa sarili ko. Paano kung madamay ako?
"Tumayo ka riyan," utos niya.
Tinaasan ko siya ng aking kaliwang kilay. Sinambot ko ang susi na hinagis niya. Tumama iyon sa dibdib ko dahil hindi ko nasalo kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"What? It's your fault! Hindi mo sinalo," aniya.
"Ibato na naman kasi," inis na balik ko. "Ano 'to?" tanong ko.
"Susi," pilosopong sagot niya.
Kung pwede ko lang na ibato iyon muli sa kaniya nang hindi niya ibabato sa akin pabalik iyon ay kanina ko pa ginawa.
"Alam ko! Anong gagawin ko rito?"
Napabuga siya ng hangin na para bang siya pa ang dapat na maubusan ng pasensiya kaysa sa akin. "Subukan mo ipangbukas ng drawer," aniya.
Kikibot-kibot ang labi ko na masama ang tingin sa kaniya. Akala mo lagi na lang nakikipagbiruan.
"Get my car in the garage. Umuwi ka na," sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba rito muna ako hangga't hindi pa napapalitan kotse ko? Ito na ba kapalit?" tanong ko.
Hindi naman na iyon masama dahil talagang high-end ang mga sasakyan niya pero syempre dahil galing kauna-unahan ko na kotse na nabili ko sa sweldo ko iyon ay hindi ako papayag na ibang model ang ibibigay niya sa akin.
"No. Hindi ka p'wede na magtagal dito. Umuwi ka na kung saan ka uuwi. Use my car for the mean time. I'll contact you regarding sa car mo."
Umiling ako. Hindi naman talaga sasakyan ang inaalala ko. Ayaw ko lang siyang iwan dito baka may kung anong mangyari. "Dito lang ako. Sabay kami na uuwi ng sasakyan ko," pagdadahilan ko.
"Don't be this stubborn, Aurora. Go get my car in garage then leave as soon as you can," aniya at saka ako hinila patayo roon.
"Dito nga lang sabi ako!" hindi sinasadya na magmataas ng boses. "Dito lang ako," pag-uulit ko sa mas mahinahon na boses nang makita na natigilan siya sa pagsigaw ko.
"No. Aalis ka. Uuwi ka na. Let's go," aniya.
"Dito lang ako, Lucas," pakikipagmatigasan ko at nagpabigat upang hindi niya ako mahila.
Sinamaan niya ako ng tingin. "My patience is running out, Aurora. I don't need your stubbornness now. Don't test me."
"At bakit din ba kasi pinipilit mo ako na umalis kung ayaw ko? Sinabi nang mananatili ako rito, tapos!"
Nauubusan ng pasensiya na binitawan niya ako at saka pinisil ang tulay ng kaniya ilong dahilan upang magkaroon ako ng tyansa na talikuran siya roon. Tinanggal ko ang sapatos at saka sumampa sa kama. Patalikod na humiga upang hindi na siya maharap pa.
"You're now being a hard headed. Why are you like this? Hindi ka naman ganito noon," inis na aniya.
"Dahil tapos na akong magpaalipin sa'yo. Nagising na ako at namulat na hindi ikaw ang magdidikta sa mga gagawin ko. Hindi ikaw ang magsasabi ng mga desisyon ko dahil may sarili ako noon. Katulad ngayon... desisyon ko na manatili rito," desisyon ko na samahan ka rito kaya hayaan mo na ako.