BABYSITTER OF A PLAYBOY (BOOK 1) - yassieebells

BABYSITTER OF A PLAYBOY (BOOK 1) - yassieebells

Author: yassieebells
Ranz Rhaiven Mendoza, ang dakilang playboy at anak mayaman na ubod ng katigasan ng ulo. Lahat ng bagay ay nagagawa nya dahilan para ikuha sya ng yaya upang magtino. Ngunit, hindi  inakala ng kanyang mga magulang na hindi uubra ang plano na kanilang naisip na ikuha sya ng yaya. Isang araw, may babaeng muntik na nyang mabangga noong minsan ay inutusan sya ng kanyang ina na pumunta sa probinsya. At sa inaasahan, nagalit ang babae na muntik na nyang masagasahan. Pinili nyang manahimik at dedmahin ang dalaga ngunit hindi na nyang napigilan ang sarili dahilan para patulan na nya ito. Halos hindi maputol ang sagutan nilang dalawa, walang may gustong magpatalo. Dahil sa mga lumalabas sa bunganga ng babae ay napilitan si Rhaiven na iwan na ito. 
Hindi maipinta ang mukha ni Haila sa inis dahil sa lalaking muntik ng makabangga sa kanya. At ang malala pa roon ay hindi nito binayaran ang mga paninda nyang natapon sa sahig. Halos isumpa nya ang lalaki dahil sa inis. Ngunit, kaagad napalitan ng swerte ang malas na kanyang naranasan. Nakatanggap sya ng tawag mula sa agency na kanyang pinagtratrabahuan. Kinuha syang yaya ng isang mayamang pamilya at hindi nya inaasahan na iyong lalaking muntik ng makabangga sa kanya ang aalagaan nya.
9.5
(11 Ratings)
Romance(ph)
23
Ongoing
READ
+ Add to Library