

Si Rafael Ivan Monteverde ay isang CEO ng kilalang kompanyang Monteverde Shipping Lines—na nagtatago sa isang katauhan bilang isang mangingisda. Nagpakalayo layo siya pansamantala upang makalimot nang mamatay ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay niya. Sa pagtira niya sa Isla Verde, iibig siya kay Helena, isang public high school teacher at nangangarap maging isang beauty queen. Gagawin ni Rafael ang lahat ibigin din siya nito kahit bawal. Pero ano nga ba ang mas matimbang para kay Helena, ang pagmamahal na alam niyang hindi pwede o ang pangarap na matagal nang gustong makamtan?
