Unwanted Wife - Taglish

Unwanted Wife - Taglish

Author: Reynang Elena
"Kasal kana Thunder!" malakas na sigaw ko rito at kitang kita ko ang galit sa kanyang mukha.
"Shut up, you bitch! Ano ngayon kung kasal na tayo? Sa tingin mo magbabago ang pakikitungo ko sayo? Huwag kang umasa Jewel! Kasal lang tayo sa papel, dala mo lang ang apelyido ko pero hindi mo ako pag mamay ari at kahit kailan ay hindi kita mamahalin! Itaga mo 'yan sa isip mo!" sigaw niya sabay alis.
Bilang asawa ng lalaking pinakamamahal niya ng lubos, hanggang saan nga ba ang kaya niyang tiisin? Palagi niyang itinatanong sa kanyang sarili ang bagay na 'yon, pilit hinahanap ang tamang sagot, ngunit sa huli siya ay pikit matang iiling, itatabi ang katotohanan at patuloy na uunahin ang pagmamahal para sa kanyang asawa.
Para sa lalaking kailanman ay hindi niya nakikitaan ng pagmamahal sa kanya.
Hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa pag ibig?
Hanggang kailan niya kayang magtiis at lumabang mag isa?
Hanggang kailan niya ilalaban ang isang laro na pilit pinapatalo ng taong mahal niya?
Jewel Dawson, nag iisang anak at tagapagmana ng pamilyang Dawson, nakatakda na maging asawa ni Thunder Alcantara na nanggaling din sa mayaman na pamilya. 
Isang taong pagdurusa.
Isang taong sakit.
Isang taong pagiging miserable.
Hanggang saan siya dadalhin ng kanyang pagmamahal?
9.5
(11 Ratings)
Romance(ph)
95
Completed
READ
+ Add to Library