You Are My Savior- AtengKadiwa

You Are My Savior- AtengKadiwa

Author: AtengKadiwa
Si Rhianna Evangelista kasama ang kaniyang Ina at nakababatang kapatid na si Ylona ay ikinulong sa isang mansiyon na malayo sa bayan at nasa liblib na lugar na pag-aari ng kaniyang amain na si Don Ysmael na isang kilalang Drug Lord sa bansa na hindi magawang hulihin at hindi mahuli-huli dahil sa koneksiyon na mayroon siya. 
Dahil sa gusto ni Rhianna na iligtas ang kaniyang ina at kapatid, maging ang kaniyang sarili. Nagpasya siyang tumakas sa kaniyang amain para mailigtas ang kaniyang ina at kapatid. Doon niya nakilala si Leonardo Estralta Jr., isang Agent na siyang nakakita sa kaniya at kumupkop. Naging kasapi siya ng kanilang samahan at nagkaroon ng layunin na tugisin at pabagsakin ang mga taong nasa likod ng pagtulong kay Don Ysmael.
Subalit, habang tumatagal nahuhulog na ang loob ni Leonardo kay Rhianna at napagtanto niyang mahal na niya. Handa ba niyang bitawan ang tungkulin para sa babaeng minamahal at makasama hanggang sa pagtanda at ng pamilya kasama si Rhianna o isasantabi ang nararamdaman at ipagpapatuloy ang paglilingkod sa bayan?
9.5
(11 Ratings)
Romance(ph)
57
Completed
READ
+ Add to Library